"We're saving the next King and Queen of Nemetio Spiran, Leticia. The leaders that will continue our path, visions...and the ideal new world we promised to build..."

Habang patuloy si Dastan sa pagbulong sa isipan ko, ramdam ko ang lalong mas pagbigat ng paghinga ko, mariin kong itinukod ang dalawa kong kamay sa lupa upang alalayan ang sarili ko at ang aking mga mata'y nakatuon sa kwintas.

Pilit kong ipinuproseso ang lahat ng nalalaman ko sa mga oras na ito. Limitado man ang sinasabi sa akin ni Diyosa Eda, sapagkat maging siya'y hindi niya nais malaman ang kabuuan ng mangyayari sa hinaharap, alam kong isang maling desisyon at galaw ko'y sisira sa kinabukasan naming lahat.

"Because this war... this isn't just all about our throne, Leticia. But also the throne of the next generations..."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Dahil nasisiguro ko na iisa lang ang tumatakbo sa mga isip namin ni Dastan. Hindi pa man kami tuluyang umuupo sa aming mga trono, may nakatakda nang hari't reyna na magtutuloy ng aming mga layunin at walang hanggang kapayapaan sa Nemetio Spiran.

"Rosh and the eldest daughter of Goddess Eda."

Madiing kumpirma ni Dastan.

Biglang pumasok sa isip ko ang ilang sinabi sa akin ni Claret nang sandaling sinubukan niyang hanapin ang babaeng itinakda kay Rosh nang siya'y bumalik sa mundo ng mga tao.

Siya'y inanunsyong patay na dahil sa isang malagim na trahedya, at iyon ay kinumpirma ni Rosh nang sandaling hindi na ito magpakita sa kanyang mga panaginip. Ngunit nasisiguro ko na hindi iyon ang wakas sa pagitan nilang dalawa, dahil katulad namin ni Dastan ay may malaki rin silang parte sa Nemetio Spiran.

Hindi man sa nalalapit na panahon, ngunit sa panahong kami'y handa ni Dastan ipaubaya ang mundong sabay naming ipinaglaban.

Mariin akong pumikit at pinilig ko ang ulo ko. Hindi ito ang oras upang higit pa akong mag-isip. Kailangan ko nang kumilos at suungin ang digmaang matagal nang nagsimula.

Huminga ako nang malalim at muli'y lakas loob kong hinawakan ang dalawang kamay ni Diyosa Eda.

"Alam kong hindi mo nais pang malaman ang mga susunod na mangyari, bagaman ay may ideya ka na sa huling kahihinatnan, sana'y magtiwala ka sa akin sa oras na ito. At sa mga sasabihin ko..."

Kung tama ako ng hinala, sina Diyosa Neena at ang Diyosa ng asul na apoy ang siyang tanging diyosa na handang tumulong kay Diyosa Eda sa panahong ito. Siguro'y makakatulong sila sa amin.

"Kailangan mong makipagkita kay Vidarr, isang magandang oportunidad ang oras na ito upang hindi nila mapansin na wala kayo sa pagdiriwang. Maaari akong magkunwaring ikaw."

Nanatili lang tahimik si Diyosa Eda habang nakatitig sa akin. Alam kong limitado lang ang dapat kong sabihin, ngunit kailangan kong bigyan siya ng kaunting ideya.

"A-Ang kapangyarihan mo'y maaaring—"

Si Diyosa Eda na ang pumisil ng kamay ko. "Una pa lang ay hindi na hinangad ni Filipus ang kapangyarihang mayroon ako, Leticia. Nangako ako sa kanya na sa aming unang supling ko ipapasa ang kapangyarihan na dapat iaalay ko sa kanya sa sandaling ipagkaloob ko ang aking sarili sa kanya."

Nang sabihin iyon ni Diyosa Eda, doon ko lang nadiskubre na maaari pa lang ibigay iyon sa magiging anak. Ngunit ngayon pa ba ako dapat magulat? Hindi iyon imposible sa kakayahan naming mga diyosa.

"A-And Rosh's mate will have her power. Isang kasagutan kung bakit nagawa pa nilang manipulahin si Andronicus sa kabila ng inaakala nating dapat ay kapangyarihang nakuha niya... that makes sense..." paliwanag ni Dastan.

Moonlight Throne (Gazellian Series #6)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ