Hinayaan ko siya at nagdamayan kami sa pag-iyak na para bang puso naming dalawa ang nag-uusap.

Napayakap na lang din ako kay Lionela at pareho naming dinamdam ang sakit.

Para akong naubusan ng lakas dahil sa nangyayari.

Hindi ko na alam kung paano pa ba ako magsisimula.

Nawawalan na ako ng gana sa lahat!

How I wish na isa na lamang itong panaginip!

Sana nga ay panaginip lamang ito, kung panaginip man ay nakikiusap ako na gisingin na.

Hindi ko na kaya! Ang sakit sakit na eh sobra.

Hindi ko na alam kung paano ako uusad, paano ako aahon!

[Gheoharra's Pov]

Nasasaktan ako ng sobra para sa anak ko. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan, hindi ko alam kung paano ko siya aaluhin.

Dahil kung ako din ang nasa sitwasyon niya ay baka mababaliw ako dahil sa nalaman ko.

Mahal na mahal niya si Zero, alam ko iyon.

Ang masakit lamang sa ngayon ay wala na, hindi ko alam kung buhay pa ba iyong bata.

Pinunasan ko ang luha ko habang pinagmamasdan ang anak kong natutulog.

Nakatulog dahil sa pag-iyak.

“Gheo, matulog ka na din.” Bulong ng asawa ko sa akin.

Tumango ako at sumama na sa kaniya papunta sa kwarto namin.

“Ton, ano ang gagawin natin para kay Leighra?” I asked.

Gheo, maging ako ay hindi ko alam, awang awa na ako sa bata, hindi ko alam kung paano ko ba mapapalubag ang kaniyang kalooban.”

“Hindi ako makapagconcentrate sa trabaho ko dahil nag-aalala ako ng sobra sa kaniya. She's depressed! And yet she don't want to drink medicines.” Sabi ng asawa ko at napasabunot sa kaniyang buhok.

Napaupo ako sa kama at tumabi naman siya sa akin.

Pati ako ay nababaliw na, hindi ko na alam ang gagawin gayong nasasaktan ng sobra si Leighra.” Sabi ko.

Naiintindihan ko naman eh, pero sana ay huwag niyang pahirapan ng sobra ang sarili niya, ayokong mapunta siya sa punto na isiping magpapakamatay.” Sabi ko sa asawa ko.

“She'll be fine soon Gheo, maniwala ka." sabi ng asawa ko.

“Sana nga Ton, sana.” Sabi ko at bumuntong hininga at umayos na ng higa.

Maya maya ay may kumatok sa pinto at pumasok si Harvey.

Malungkot na lumaput sa amin.

“Mom, dad, can I sleep beside ate?” He asked.

“Huwag muna anak, bigyan muna natin ng space si ate ha?” Sabi ko.

“Mommy, nag-aalala po ako sa kaniya, napapabayaan na niya ang sarili niya." Sabi ng bunso ko.

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon