"What the hell are you doing woman?" Tanong nito habang umaatras at napapalunok-laway.

Napangiti ako bigla dahil sa itsura nito ngayon na para bang takot na takot sa ginagawa ko. Pawis na pawis na rin ito kaya naman napahagalpak na ako ng tawa at napatigil na sa ginagawa kong paglapit dito.

"Hahaha mukha kang dinilaan ng sawa sir sa itsura mo ngayon" Napapahawak sa tiyan dahil sa sobrang tawa na sabi ko kay sir.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni sir. Nakakunot-noo ito at parang naiinis na talaga sa akin. Nagpatuloy naman ako sa katatawa.

Mga ilang segundo ang lumipas no'ng mapansin ko na biglang ngumiti si sir na para bang may bigla itong naisip na kalokohan. Nagsimula na rin itong maglakad palapit sa akin. Napatigil naman ako sa aking pagtawa.

"Are you teasing me, woman?" May pilyong ngiti na tanong nito sa akin.

Umiling-iling ako kahit hindi ko naman naiintindihan ang tanong nito. Pakiramdam ko ay may hindi ito magandang plano. Nagsimula akong umatras tulad ng ginagawa nito kanina. Napalunok-laway na rin ako at nagsimulang sumikbo ang dibdib ko. Naguluhan ako bigla sa naramdaman ko. Bwiset na lalaking ito!

"A-anong g-ginagawa mo, s-sir?" Kinakabahan na tanong ko kay sir no'ng maikulong ako nito sa mga bisig nito at sa pader na nasa likod ko. Hindi ako makatingin sa mga mata ni sir dahil palagay ko ay maling gawin iyon.

"Like what you did to me earlier" mahinang sagot ni sir sa may tainga ko. Naramdaman ko ang paninindig ng balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa nito.

"Huh?" Tanong ko kay sir na biglang nag-angat ng tingin dahilan para muntikan ng magkadikit ang mga mukha namin ni sir. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napalunok-laway ako gano'n din si sir. Nagkatitigan din ang mga mata namin.

Nagulat ako no'ng biglang lumayo sa akin si sir at tumalikod sa akin. Nakita ko na huminga pa ito ng malalim bago nagsimulang maglakad para iwan ako sa aking pwesto habang natitigilan.

"Tsk! Magbihis kana at pakiusap, trabaho ang atupagin mo dito sa bahay" Narinig ko pang bilin ni sir bago ito tuluyang nawala sa aking paningin. Napakibit-balikat nalang ako dahil sa sinabi nito.

––

Tristan

Ilang araw na ang lumipas simula no'ng makilala at maging katulong ko si Ica. Iniiwasan ko na rin na masyadong mapalapit dito dahil alam ko na hindi maganda ang idudulot nito sa akin. Tsk! Bakit kasi ito pa ang nakuhang katulong ni mom para sa akin?

"Ano pong ipag-uutos niyo sa akin kamahalan?" Nakangiting tanong sa akin ni Ica no'ng tawagin ko ito para lumapit sa akin. May iuutos kasi ako dito.

Pasimple kong pinasadahan ang kasuotan nito ngayon. Lihim akong napangiti no'ng makita ko na nakasuot ito ng maid uniform. Mabuti nalang at sinunod nito ang gusto ko dahil ayoko na ulit makita itong maiksi ang suot. "Hindi ba ito nag-aalala na lalaki ang kasama nito tapos gano'n ito manamit? Tsk! Hindi talaga nag-iisip ang babaeng ito!" Tanong ko sa aking sarili. Although minsan, naaabutan ko pa rin itong nakaporma lalo na kapag tapos na ito sa gawaing bahay. I find her weird.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Where stories live. Discover now