“No. Not that name.” sabi ni Vaughn na itinaas pa ng bahagya ang kaniyang kamay. “Your true name please.”

Nawala ang ngiti ni Navi sa sinabi ng binata. Pero maya maya ay tumaas din ang sulok ng kaniyang labi. Grabe, ngayon na pala siya magpapakilala ng pormal, hindi pa naman daw siya prepared.

Tumikhim siya bago inumpisahan muli ang pagpapakilalala. “Hi. I'm Natalia Griffin. 24 years old. Jasmin and Ji—I mean, Akari's best friend. And I'm single, also.”

Natulala naman sila sa dalaga na nakangiti ngayon sa kanilang harapan. Ang halos ilang buwan nilang pinaghahahanap na babae nasa harapan na nila ngayon at nagpakilala pa. Nilingon nila ang kanilang boss na siyang nagpadala kay Natalia rito. Binigyan siya ng matatalim na tingin ng mga kaibigan.

“Don't stare at me like that, morons. I just figured it out.” sambit niya.

“So bakit niyo nga pala ako pinatawag? Huhulihin niyo na ba ako? Hehehe.”

“Eren was kidnapped.” nang marinig ni Natalia ang sinabi ni Clinton ay nawala muli ang kaniyang ngiti.

“Eh?”

Sinamaan siya ng tingin ni Josh, “May kinalaman ka ba sa nangyari? Ikaw ba ang nagplano ng lahat?”

Kumunot naman ang noo ni Navi at umiling agad, “What? No!”

“Don't lie. Siguradong kasabwat ka sa pagkidnap kay Eren.” wika rin ni Hunter na masamang nakatingin sa kaniya.

“Hoy! Hindi sabi eh.”

“Liar.” sambit pa ni Hunter.

Huminga ng malalim si Navi, “Okay! Ganto nalang. Sasabihin ko ang alam ko. Pero sinasabi ko sa inyo. Wala akong kinalaman sa nangyari.”

“Tss.”

“Then, explain to us everything.” wika ni Clinton kaya binalingan siya ni Natalia.

“E-explain?”

Ibinalik niya ang tingin kay Hunter nang mag salita muli ito, “Explain to us why are you ruining Vaughn's life? Nung una si Sue, ngayon naman si Eren? Woman.... if something bad happens to Eren
I'll kill you.” napakaseryoso niya at nakakatakot siya. Ngayon lang siya ganto naging sobrang seryoso at sobrang galit. Nakakatakot rin ang mga tingin niya.

At dahil medyo kinilabutan naman si Navi dahil sa aura ni Hunter ay napilitan siyang mag explain. Hindi naman sa ayaw niyang mag explain, sa katunayan nga ay yun ang balak niya at mag apologize srin sa lahat pero hindi nga daw siya prepared. Pero dahil nasa harap niya ngayon ang mga lalakeng nakakatakot at alam niyang may galit sa kaniya dahil sa mga pagkakamaling nagawa niya kasama ng kaniyang kapatid sakanila na hindi naman talaga nila ginusto.... naisip niya gusto pa nyang mabuhay. Huminga siya ng malalim bago nagsimulang magsalita.

Inulit na lamang niya ang mga sinabi niya kina Akari noon. Medyo naiilang pa siya dahil yung mga tingin ng mga binata sa kaniya. Seryoso siyang pinapanood habang nagpapaliwanag, kinukumpirma kung nagsasabi ba siya ng totoo. Hanggang sa matapos na rin siya sa wakas.

“I...” nilingon niya si Vaughn na walang emosyong nakatingin sa kaniya habang nakahalukipkip. “I believe.”

Tumango si Clinton, “Me too. Thats..... possible.”

“I refuse the contract because she's not my type. I don't like that woman.” napabuntong hininga pa si Vaughn. Unang pagkikita pa lamang nila ng babaeng yun ay hindi na niya agad nagustuhan ang ugali. Masyado pang f.c. at dikit ng dikit na parang linta kay Vaughn para akitin ito. Isa pa sa dahilan kaya hindi niya tinanggap ang kontrata ay dahil alam niyang hindi lamang siya kundi pati ang kaniyang ariarian ang kanilang puntirya.

“Tss. Posible nga talaga na magrebelde ang mag ama na yun dahil hindi nakuha ang gusto nila.” Finn

“Yeah. And because her father  is a leader of a gangster, talaga nga namang makakagawa ng ganon ang mga yun.” Clover

“But Eren is just a child! He's innocent. Wala siyang alam sa lahat pero idinamay parin nila siya.” sigaw naman ni Hunter.

Napahilot ng sintido si Clinton at pinipigilan na batukan ang bobong katabi, “Anong ine-expect mo e gangster nga sila diba?”

“Oh yeah.”

“Alam ko kung saan posibleng dalhin ng mga kidnaper si Eren. Pero....” wika ni Natalia.

“Pero ano?”

Itutuloy na sana niya ang sasabihin nang may magtext sa kaniya. Nang mabasa ito agad niyang ibinalik ang atensyon sa mga lalake, “Debale na! Eto. Eto ang address. Sige aalis na ako. May pupuntahan pa kasi ako e. Bye-Bye!” sabay abot ng isang card kay Vaughn. Pero bumalik din uli siya, “Tsaka! Si Max. Kailangan niyo si Max para makarating doon. Bye-bye again!” sambit niya bago tuluyang umalis.

“She's.... running. Hindi ba natin siya hahabulin?” nakataas ang kilay ni Finn habang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas ang dalaga. Yung babaeng matagal na nilang hinahanap upang hulihin na hindi nila inaasahang makakaharap nila ngayon ay..... tumatakas na naman.

“Hindi na muna siya ang uunahin natin.”

Kinuha ni Vaughn ang maliit na card na binigay ni Natalia. “Max, huh. Clinton, contact your cousin and tell him to come here.”

The Billionaire's Childish Wife (√)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora