"What d-do you mean?"

"Nevermind." Pormal na sabi lang nito saka nya mas pinabilis ang pagmamaneho sa sasakyan.

Bakit naman yata sobrang sosyal ng driver na 'to? Sa tingin ko ay nasa edad ko lang din sya at halata naman sa kanya na foreigner sya at mayroon syang makapal na bigote. May malaki din syang nunal sa may pisngi nya. Alam kong hindi ko sya kilala. Ang ipinagtataka ko lang ay halatang halata na anak mayaman sya. O baka ako lang 'to?

"Excuse me Sir? May I know what is your name?" Tanong ko sa kanya pero tiningnan nya lang ako mula sa rear view mirror saka sya mukhang nagpipigil ng tawa sa akin.

"Excuse me?" Tanong ko sa kanya pero hindi parin ako pinansin. Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at tumingin sa labas. Napansin ko naman na hindi ito ang daan papunta sa simabahan. Mabilis akong napabaling sa driver.

"Where are we going? Stop the car!" Natatakot na sabi ko sa kanya pero parang wala syang naririnig.

"Please Sir s-stop the car. Who are you? Where are you going to bring m-?"

"Would you please stop Bella? I'm just a kidnapper but I won't hurt you."

"W-What? K-Kidnapper?!" Malakas na sabi ko sa kanya at nakita ko naman na nagtakip pa sya ng tenga.

"What the? You're safe okay? Hindi kita sasaktan." Lalong nanlaki ang mata ko sa kanya dahil bukod sa binanggit nya ang pangalan ko ay nagtatagalog din sya.

"Marunong ka magtagalog?!" Malakas na tanong ko ulit sa kanya pero nakita ko lang inirapan nya lang ako at hindi na nya ako sinagot pa. Mabilis ko naman syang hinawakan sa braso nya.

"Pakiusap kuya ibalik mo na ako! Wala kang mapapala sa akin dahil wala akong pera. Mahirap lang po kami!"

"Oh god! I don't know why I'm doing this for him." Naiiritang sabi nya saka nya binawi ang kamay nya kaya napabitaw ako.

"Saan mo ako dadalhin?" Natatakot na sabi ko sa kanya saka ako napasiksik sa gilid ng upuan. Iniisip ko na ngayon kung kaya ko bang tumalon na lang palabas ng kotse.

"One thing is for sure. Hindi kita sasaktan okay? Just stay still. Dapat pa nga magpasalamat ka sa akin dahil itinakas kita sa kasal mo."

"Ano? S-Sino ka ba talaga?"

"Hayyy Bella. You don't have a good memory." Sagot lang nito sa akin saka nya biglang iniliko ang kotse maya maya lang ay naramdaman kong itinabi na nya ang sasakyan at tumigil kami sa isang bakanteng lote. Mukhang isa 'tong subdivision na tatayuan ng mga bahay.

Dito na ba nila ako itatapon pagkatapos nilang gawin sa akin ang gusto nila?

Agad akong napasilip sa may bintana pero agad naman akong nagsisi ng makita ko ang kausap ng lalaking driver kanina. Kitang kita ko kung paano nito tinanggal ang peke nyang bigote at itinapon 'yon sa kung saan. Pati na rin ang kanyang peke palang nunal.

"S-Sir Easton?"

"This is very itchy Damon! I'll sue you if I got an allergy!" Sabi ni Sir Easton saka ito bumaling sa akin.

"And she's here. Sana naman magkasundo na kayo para hindi lugi ang pangangati ng nguso ko." Sabi lang nito saka ito sumakay doon sa isang kotse. Hindi sya umaalis at nandoon lang sya sa loob.

Tumingin naman ako sa lalaking nakatayo sa harap ng pinto ng kotse at wala akong balak na bumaba pa. Ayokong maka-usap sya o kahit matitigan man lang sya dahil baka kainin ko lahat nang sinabi ko at mayakap ko na lang sya bigla. Natatakot ako na baka pag-nakita ko ulit ang mata nya na nagmamaka-awa at nasasaktan dahil sa akin ay mabalewala lahat nang desisyon na ginawa ko.

Narinig ko naman ang pagtunog ng pinto ng kotse kaya mabilis kong hinawakan 'yon para pigilan ang pagbukas ng pinto.

Palihim ko syang tiningnan mula dito sa loob ng kotse at nakita ko kung gaano kalalim ang titig nya sa akin ngayon na para bang tumatagos 'yon sa bintana na nasa pagitan namin. Seryoso ang mukha nya at hindi ko mabasa kung ano ba ang nilalaman ng isip nya. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang bigla ko na lang maramdaman na nahila na nya ang pinto at nabuksan na nya 'yon. Handa na sana akong lumabas para tumakbo palayo sa kanya nang iharang nya ang kamay nya para pigilan ako.

"Are you going to run away from me again? Tatalikuran mo nanaman ba ako?" Seryosong tanong nya pero umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Nanatili ang kamay nya na nakaharang sa akin sa may pintuan.

"Be with me now. Sumama ka na sa akin." Hindi ko inaasahan na gagawin parin nya ang lahat nang ito. Dahil matapos ang ilang araw na hindi nya pagpaparamdam ay inakala ko na hanggang doon na lang kami. Pero heto sya at ginugulo nanaman nya ang sistema ko.

"Please choose me Bella." Mahinang bulong nito kaya marahas akong napabuntong hininga sa sinabi nyang 'yon saka ako mariin na napapikit at umurong papasok ng kotse.

"Ihatid mo na ako sa simbahan. Hinihintay ako ni Cohen." Seryosong sabi ko sa kanya. Pinipilit ang sarili ko na magmukhang malakas sa harap nya. Sinagot nya lang naman ako ng mapakla nyang tawa.

"Ihatid ka sa simbahan? Sa tingin mo itatakas kita kung gusto kong makatuluyan mo ang lalaking 'yon?"

"Sinabi ko na sayo. Wala ka nang magagawa dahil si Cohen ang pinili ko kaya nga papakasalan ko na sya ngayon."

"May narinig ka ba na pag-payag ko sa sinasabi mong 'yan?"

"Tulad ng sinabi ko, wala ka nang magagaw-"

"Meron Bella! Kaya nga nandito ka ngayon sa akin!" Sigaw nya sa akin pero sa ikalawang pagkakataon ay napabuntong hininga lang ako sa kanya. Ni hindi ko sinusubukan na tingnan sya at ipinapakita ko lang sa kanya na hindi na ako interesado sa kanya.

Anong klaseng pananakit ba ang kaylangan nya mula sa akin para kalimutan na nya ako?

"Nandito ako ngayon dahil sa kagustuhan mo. Tinanong mo man lang ba ako kung gusto kong tumakas kasama ka? Tinanong mo rin ba ako kung mahal pa kita para sumama pa ako sayo?" Seryosong sabi ko sa kanya at kita ko ang pagkabigla sa mukha nya. Hindi nya inaasahan ang sinabi ko. Nagkunwari akong sarkastikong tumawa sa kanya.

"Hindi di ba? Pwes ngayon Damon makinig ka ng mabuti. Ayoko na sayo at hinding hindi ko ipagpapalit sayo si Cohen. Papakasalan ko sya dahil alam kong may nararamdaman na ako sa kanya at kaya ko nang kalimutan ka. Noong araw na umuo ako kay Cohen, 'yon din ang araw na pinili kong burahin ka sa buhay ko. Kaya pwede ba? Kalimutan mo na rin ako?" Seryosong sabi ko sa kanya. Halos mabasag ang boses ko sa huling salita na sinabi ko pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya nang sabihin ko ang mga salitang 'yon. Ayoko nang makita kung gaano sya kamiserable dahil sa akin.

"Bakit ganyan ang lumalabas sa bibig mo? Nalason na rin ba nya ang utak mo kaya ka nagkakaganyan ngayon? I know that you love me too bu-"

"Tigilan mo na ang pagpapaniwala sa sarili mo na mahal pa kita Damon pwede ba? Oo minahal kita pero noon 'yon. Si Cohen, sya parin pala ang gusto ko. Narealize ko na naguluhan lang ako noon kaya natuon ang nararamdaman ko sayo pero ang totoo, si Cohen parin ang mahal ko."

"You're lying."

"I'm not Damon. At kung hindi pa sapat ang lahat nang sinasabi ko sayo ngayon. Bakit hindi mo panoorin ang kasal namin ni Cohen? Panoorin mo kung gaano ako walang kaalinlangan na mag-a-i do sa kanya." Matapang na hamon ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan pa ako humuhugot ng lakas ng loob para pigilan ang luha ko at ang bigat ng nararamdaman ko.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora