"Okay lang talaga kaya wala kang dapat ipag-alala." Nakangiting sabi ko sa kanya at ibinalik ko na lang ulit ang atensyon sa labas. Isinara ko naman na ang bintana ng sasakyan dahil lumalakas na ang ambon.

"Wala nga ba akong dapat ipag-alala Bella?" Rinig kong sabi ni Cohen kaya napabuntong hininga na lang ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya at inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya.

"Wala Cohen. Wala na. I already told you that I will never leave you. Hindi pa ba sapat 'yon?"

"I'm sorry hindi ko lang talaga mapigilang isipin na napipilitan ka lang sa akin." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Lumalaki ang kasalanan ko kay Cohen kapag ganito ang mga sinasabi nya.

"Huwag mong isipin 'yan dahil hindi 'yan totoo. M-Masaya ako sayo."

"Does I make you happy like how he made you happy before?" Seryosong sabi nya habang nakatingin parin sa daan. Niyakap ko na lang sya at inihilig ko na lang ang ulo ko ulit sa kanya.

"You make me the happiest." Bulong ko sa kanya. Hindi ko na naman syang narinig na nagsalita at naramdaman ko na lang na hinalikan na nya ako sa ulo ko at iniakbay nya na sa akin ang isa nyang kamay habang ang isa ay nanatili sa manibela.

Palakas na ng palakas ang ulan at ganon din ang tibok ng puso ko. Salungat sa amin ang hangin at ganon din ang puso at isip ko. Gulong gulo ang sistema ko at alam ko kung sino ang dahilan 'non.

Damon

"So what's your plan? Susuko ka na b-"

"Hell no Easton!" Malakas na sigaw ko kay Easton. Bakit ba ganito sila ni Rosian? Sa halip na palakasin pa nila ang loob ko ay sinusulsulan pa nila ako na sukuan si Bella?

"We are just saying the right thing to do Damon. Maybe it's time to give up. Ginawa mo naman na ang lahat. Isa pa ay nakapili na si Bella at malinaw naman na si Cohen 'yon." I glared at Rosian because of what she said. I'm not dumb to give up Bella.

"The right thing to do is to fight for her Rosian! I can't bare to loose her that's why I will do anything to have her! Hindi nyo ba ako naiintindihan? I love her that's why I'm going to fight for her! And if I need to spend my whole life waiting for her I will never think twice to wait for her. Because I know that she loves me too!"

"Tama na Damon. Let's go back to the Philippines." Rosian said seriously but I just sarcastically laughed at her.

"Nandito si Bella kaya dito lang ako."

"Pero tapos na nga di ba? Hindi ka nya pinili. Ano pang saysay na ipinaglalaban mo sya kung ayaw naman na nya sayo? Lumalayo sya sayo kaya huwag mo na syang habulin pa. Just give her the peace she wants." Umiling lang ako kay Rosian. Hindi nila ako naiintindihan dahil hindi naman nila alam ang nararamdaman ko. Lalo na si Rosian dahil hindi naman nya kaylanman naranasan na maiwan.

"Kung gusto mong umuwi sa Pilipinas pwede mo akong iwan dito. Basta ako, hindi ako uuwi ng hindi ko kasama si Bella."

"Bahala ka sa buhay mo. We supported you Damon at sana naman alam mo 'yon. At sana rin alam mo kung kelan ka dapat sumuko. Ikakasal na sa iba 'yong tao pero ipinipilit mo parin ang sarili mo. Wake up Damon. This is the end of the story. Hindi kayo ni Bella ang para sa isa't isa. Let her go!"

"Rosian, tama na. Sige na magpahinga ka na. I'll take care of him." Pigil lang sa kanya ni Easton pero hindi ko na sya tiningnan pa. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa iniinom ko. Pinipilit umisip ng paraan kung paano ko ba mapipigipan si Bella sa binabalak nyang pagpapakasal sa Cohen na 'yon.

"Bukas na bukas ay uuwi na ako at kung wala ka pang balak na magising sa kahibangan mo wala na akong magagawa. Tatanda ka nang binata dito sa States sa kakahintay sa babaeng hindi naman ikaw ang pinili!" Rinig kong sabi ni Rosian bago ko narinig ang marahas na hakbang nya papalayo. Napansin ko naman nagpa-iwan pa si Easton.

"Bakit hindi ka pa sumunod kay Rosian?"

"You need someone to talk. Baka bukas makita ka na lang namin na nakabigti kapag iniwan kita dito." Natatawang sabi sa akin ni Easton. Baliw na rin talaga sya. Hindi ko na lang sya sinagot dahil pagod na akong makipagtalo pa sa kanya. Alam ko namang kahit anong paliwanag ko sa kanila ay hindi nila ako maiintindihan.

"Pagpasensyahan mo na si Rosian. Alam mo namang ganon lang ang bibig nya but, she is just concern with you."

"Kung ipagtatanggol mo lang si Rosian sa akin pwede ka na rin sumama sa kanya bukas pabalik ng Pilipinas."

"Damon, just a friendly advice. If you really know that she loves you, don't loose her. Kidnapin mo na kung kaylangan." Seryosong sabi ni Easton kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko akalain na ang good boy na kagaya nya ay maririnig kong mag-payo ng ganito. Tsk.

"You don't need to say that Easton."

"So you are really planning to kidnap her on her wedding day? Kung ganon huwag mo ako kakalimutan. I can be your back up."

"Shut up Easton. I know how good you are. Baka hindi ka makasuntok sa araw na 'yon dahil maawain ka right?" Pilosopong sabi ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako saka sya nag-seryoso.

"But seriously Damon, I really want to help you. I want you to know that I am at your side. And it is also because, I have a promise to Angel that I won't let you miserable. I want you to be happy because I know that Angel wants you to be happy too."

"Madali lang naman maging masaya kapag nasa akin na si Bella. All I need is her and I will be alright."

"That's why we're going get her." Sabi sa akin ni Easton. Hindi ko alam pero sa tagal na naming magka-ibigan ngayon ko lang sya naramdaman na ganito kalapit sa akin.

"Kagustuhan pa ba talaga 'to ni Angel baka kagustuhan mo na? Bakit sobra mo yatang concern sa akin ngayon? Don't tell me nababakla ka na sa akin?" Pagbibiro ko sa kanya dahil ayoko nang pabigatin pa ang vibes sa aming dalawa.

"What the hell? Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! You're not my type!" Parang nandidiri na sabi nito saka nya inubos 'yong lamang alak ng baso nya. I can't stop myself not to laugh at him.

"I'm just kidding. But still, thank you Easton. Huwag kang mag-alala because sooner or later hindi mo na ako makikitang ganito. I will make sure that Bella will still end up with me."

"You're so over confident Damon. Gawin mo muna bago ka magyabang dyan!"

"Napapadalas na ang pagtatagalog mo ah?! And I'm not over confident! Sinasabi ko lang ang mangyayari."

"You're drunk! Tigilan na natin 'to. Let's sleep. Gusto ko na mag-pahinga." Sabi nito sa akin at tumayo na sya sa kinauupuan nya.

"You're now inviting me to your bed huh? Easton that's gross." Pagbibiro ko lang ulit sa kanya pero sinimangutan na nya ako.

"Ngayon bahala ka na talaga! I'm going to sleep. Huwag kang mag-bibigti okay? Good night asshole!" Sabi lang nito sa akin saka sya naiinis na nag-deretso doon sa hagdan papunta sa kwarto nya.

Ibinalik ko naman ang paningin ko sa basong hawak ko at nilaro ang natitirang alak doon. Iisa lang ang nasa isip ko at 'yon ay ang bawiin si Bella sa kahit na anong paraan. Wala na akong pakialam kung saan umabot ito basta ang alam ko lang ay hindi ako makakapayag na mapunta sya sa iba.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu