Isang linggo na din ang nakakalipas simula nang mag trabaho ako bilang guro sa paaralan na ito, okay naman ang lahat. At, isa pa, hindi ko na muling nakita si Sygred. Nagpapasalamat ako kasi hindi na kami pinagkikita.

Nasanay na lang akong Sygred ang itawag sakanya, para saan pa ang Professor? nakakaano naman tawagin na Professor Montanier tapos may anak na kami diba?

Nag patuloy ako sa paglalakad papasok ng gate nang bumangga ako sa isang lalaki. Wala namang natumba saming dalawa. 5'6 ang height ko ang isang ito ay 6 feet ata. ang tangkad niya. napatingala ako sakanya. nakasumbrero ito.

Nangunot ang noo ko, Natigilan din ito at parang kinakabahan at hindi nagsasalitang tumalikod.

Masyadong matirik ang araw kaya't nilagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng mata ko at tinanaw ang lalaking papalayo.

Familliar talaga siya. lalo na ang maliliit niyang mga mata.

Isang taon na ang nakakalipas, Impossibleng siya 'yon.

Napabuntong hininga na lang ako hanggang sa makita kong pumasok ang naturang lalaki sa loob ng isang sports car. Pinaharurot nito ang sasakyan.

Nang mawala ito sa paningin ko ay agad na akong tumalikod at napatingin sa wrists watch ko. Nanlaki ang mata ko.

"Late na ako!"

Halos lakad takbo ang ginawa ko hanggat sa makarating ako sa first class ko.

Kumakain ako ngayon dito sa Cafeteria.

"Magandang araw po, Ma'am!"

"Good day, Ma'am!"

Nginingitian ko at binabati ang mga estudyante na pumapasok ng cafeteria na binabati ako.

"Mas maganda ka pa sa araw, Ma'am!"

Napatawa ako sa sinabing iyon ni Richard, ang isa sa mga estudyante ko.

"Bolero!" Natatawa kong sabi.

"No, Ma'am! Totoo po!" Nakangiting sabi nito. "Crush nga kita. Ma'am, e." Anito.

"Nak----" Naputol ang dapat na sasabihin ko at banlaki ang mata, Nang makita ko si Sygred sa likuran ni Richard.

Inayos nito ang salamin nito at nakita kong mariin ang pagkakatingin kay Richard na nakatalikod sakanya't nakangiti sakin. nakaigting ang panga nito. Ano nanaman ba? Mukha siyang galit, Bakit naman siya magagalit?

Nag taka siguro si Richard kung bakit ako napahinto sa pag sasalita. Napatingin ito sa likuran niya at nakita si Sygred.

Napaatras pa ito. "A-ah pasen----" Hindi niya natapos ang sasabihin niya, nang putulin siya ni Sygred.

"Tama bang mag landian ang isang guro at estudyante?" masungit na tanong nito. Napatingin ito sakin.

"Hindi tamang magkagusto ang isang estudyante sa isang guro." umangat ang gilid ng labi nito at napalunok ako.

Tumalikod na si Sygred, siya namang pagsalita ni Richard.

"Sorry po!" Anito, pero nagpatuloy lang sa paglalakad si Sygred at dire-diretsong lumabas sa Cafeteria.

Nagpakawala ako ng buntong hininga.

"Kamusta naman ang shoot?" Tanong ko kay Raquel habang katawagan siya sa telepono. Inaayos ko ang gamit ko dito sa loob ng faculty, Tapos na ang klase ko at uuwi na lang ako. Kakadating lang daw din ni Raquel sa Condo dahil namasyal pa daw sila ng anak ko. Si Raquel talaga. Palaging pinapasyal si Izak. Dati naman kasi sa probinsya hindi kami nakakagala don. Palagi lang kaming nasa bahay.

"Masaya! Tuwang tuwang si Izak kanina sayang wala ka," anito.

"At saka gustong gusto siya ng mga photographers kasi ang gwapo gwapo daw kahit anong angle, yung ibang babys kanina. iyak ng iyak. pero si Izak hindi." aniya, Napangiti ako.

"Kaya tuwang tuwa talaga ako kay Izak, I'm sure! pag momodelo na talaga ang bagay dito sa anak mo,” dagdag pa nito.

Nag kwentuhan pa kami ni Raquel sa Telepono bago ako lumabas ng faculty.

May mga guro pa naman sa loob ng school dahil hindi naman agad umaalis ang mga guro. May mga tinatapos pa sila.

Madilim na ang eskwelahan, 6:30 na din kasi ng gabi.

Habang naglalakad papalabas ng school ay nagulat ako nang may biglang huminto na sasakyan sa harapan ko.

Gamit ang flashlight ng cellphone ko ay tinutok ko ang flashlight sa sasakyan.

Biglang bumukas ang bintana. "Get in!" Anito, Agad akong napaatras nang marinig ang boses ng nasa loob ng sasakyan.

Pero tinatagan ko ang loob ko.

"At bakit naman?" Tanong ko, tumaas pa ang kilay ko. May ilaw din naman sa harap ng sasakyan niya.

"Kasi sinabi ko." aniya. Umangat ang gilid ng labi ko.

"Sino ka naman para sundin ko?" Tanong ko.

"I'm your----" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng putulin ko siya, ramdam ko ang talim ng tingin nito.

"My what?" Taas kilay na tanong ko.

"Nothing, Sakay!" Aniya, binuksan niya ang pinto nang makita niyang maglalakad na ako. Pero nilagpasan ko ang sasakyan niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Akala mo naman sasakay ako. Neknek mo!

Habang naglalakad ako ay alam kong sumusunod ito dahil sa ilaw ng sasakyan niya.

Bakit ba gusto niyang sumakay ako? Sanay na akong mag commute sa araw araw na pag tatrabaho ko.

Nakita kong nawala na ang liwanag ng sasakyan niya. Nakahinga ako ng maliwanag.

Salamat naman!

Pero agad naputol ang pagpapasalamat ko nang maramdaman kong may humawak sa braso ko at dahil sa gulat. Hindi na ako nakapag pumiglas dahil hinila ako nito papasok sa loob ng sasakyan niya.

"Put your seatbelt." anito at inistart na ang makina.

"Aba! Ano ba?!" Inis na sigaw ko sakanya. "Ano bang kailangan mo?" sigaw ko ulit. Naiinis na ako ha!

"Ikaw." Natigilan ako at napatingin sakanya pero nakatingin lang siya sa kalsada. May salamin pa din itong suot.

Anong ibig niyang sabihin?

"Ikaw ang kailangan ko, Idalia."

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now