It must be her imagination or maybe she saw the deer giving her an encouraging look as she stood to walk into the deeper and denser part of the woods.

Halos magkakatabi na ang mga puno. Mas malamig sa lugar na iyon at mas tahimik. Kung tama ang natandaan nya sa mapa, may batis ilang metro mula sa kinaroroonan nya.

Namalayan lamang nyang uhaw na uhaw sya nang sumayad ang malamig na tubig sa bibig nya. Napatigil sya sa pag-inom nang isang grupo ng ibon ang biglang lumipad palayo sa gubat.

Hindi na nya nagawang tumakbo nang biglang sumugod si Archiel mula sa harapan nya. Nakalabas ang mga pangil nitong handang sagpangin sya. Hawak pa rin nito sa magkabilang kamay ang mga espada nito.

Akala ni Olivia’y katapusan na nya. Naramdaman nyang may brasong pumulupot sa beywang nya. Tumama ang dalawang espada sa kanina’y kinatatayuan nya. Tiyak na nakitilan sya ng buhay kung hindi dumating ang sumaklolo sa kanya.

“Kumusta ka na, Olivia?” Kumislap ang kulay dilaw na mga mata ng isang pamilyar na nilalang na may ulo ng kabayo at katawan ng tao.

“M-Mario?” Nais man nyang yakapin sa galak ang kaibigan ngunit narinig nya ang galit na ungol ni Archiel.

Limang matitipunong tikbalang ang lumabas mula sa kakahuyan ang sumugod kay Archiel gamit ang mga palakol at espada.

“Kailangan mo ng umalis, Olivia. Kami na ang bahala sa kanya.” Isang sibat naman ang hawak ni Mario.

“Hindi ko sya pwedeng iwanan. Ako ang dahilan kung bakit sya nagkaganyan. Isa syang kakampi,” paliwanag ni Olivia. “Isa syang Kampilan. Biktima sya ng Itim na Dagta.

“Alam kong kaibigan si Archiel, Olivia.”

Archiel’s angry snarls were not directed to her assailants but to herself. The Kampilan would attack the Tikbalangs but there was hesitation on her movement. She’d paused and her eyes would change colors. Arichiel was fighting the darkness inside her.

“Tulungan natin sya, Mario,” nagsusumamo nyang sabi sa tikbalang. “Pwede ko syang ibalik sa dati gamit ang sandata ni Erin.” Nakita nyang tinamaan ng espada sa tagiliran si Archiel. “Huwag nyo syang saktan!”

Nakapalibot ang mga tikbalang kay Archiel, na noo’y sapo nito ang sugat na tinamo.

“Mapanganib sya ngayong nananalaytay sa kanya ang Itim na Dagta. Sya ang pinakamalakas sa mga Kampilan at tanging sina Sandrea lamang ang pwedeng tumalo sa kanya.” Matamang nakatitig ito kay Archiel. “Ngunit,” tumingin ito sa kanya, “alam kong hindi rin papayag si Erin na saktan sya. Idagdag pang baka hindi na ako bigyan ng Iced Gems ni Sandrea.”

Napangiti si Olivia. “Ibibili kita ng marami, Mario. Siguraduhin lang nating makalaya si Archiel sa kadiliman.”

Isang senyas lang ni Mario sa mga kasamahan nito’y buong pwersa ng mga itong hinawakan sa braso at binti ang nagpupumiglas na si Archiel.

Nagconcentrate si Olivia para ipunin ang lakas nya upang mapalabas ang sandata ni Erin. Nagpapasalamat sya sa bigay na prutas ng mga ibon. Nagkaroon sya ng enerhiya para gamitin ang pana. Sapat na ang isang palaso. Hindi nya pwedeng sayangin ang pagkakataon.

Isang tunog na parang may nabiyak ang narinig ni Olivia kasabay nang pagsigaw ni Archiel. Nakatarak ang itim na ugat ni Verona sa katawan ng Kampilan.

It’s pumping dark liquid again. Verona was nowhere in sight. As soon as the dark thick root retreated on the ground, Archiel’s red eyes were ablazed. Her wound healed, her body was surrounded with black aura. She roared and flailed, throwing the tikbalangs off her.

Watermelon Dreamsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें