Chapter 10

7.1K 198 5
                                    

[EDITED 07/05/21]
WARNING: ERRORS AHEAD

Gustav's

“REally? Twinkies?” Natatawa akong sumulyap kay Hyno na tuwang-tuwa sa pinaggagawa niya. He's the one who's organizing Javi's birthday party. At tambak naman talaga ang mga baklang inarkilahan niya.

“What? Javi will like it! He'll like this twinks!” Halakhak niya. I rolled my eyes. Kalokohan talaga ni Hyno hindi maubos-ubos. Tinalikuran ko siya at umakyat sa kwarto ni Lovemir. We're here at his house since dito gaganapin ang birthday party ni Javi. Pero wala pa ito, mamaya pa siguro dadating.

Nang makapasok ako sa kwarto ni Lovemir ay wala siya doon. Pero naririnig ko ang buhos ng tubig sa bathroom niya. Humiga ako sa kama niya at napakagat labi nang maalala ko ang ginawa namin kahapon ni Malec.

Shiiiit! I'm not even regretting what happened! To be honest, I want it to happen again. Shit talaga! This is fvcking bad.

Napabuntong hininga ako at napapikit sa inis. Kahapon pagkatapos nang ginawa namin ay nag panic ako at pinaalis ko siya agad! Bwesit!

Iyon ata iyong tinatawag na gay panic!

Kanina nga ay hindi ako makapag focus sa ginagawa ko sa trabaho. Arghh!

Naimulat ko ang mga mata ko nang lumabas si Love sa bathroom. Hindi ko siya sinulyapan at tumulala lang ako sa kisame.

“Oh? Are you okay? You look pale.” Si Lovemir. Inangat ko ang ulo ko at nagtatakang sinulyapan siya.

“Me? Pale?” Taka kong tanong. Tumango siya. Nakatapis lang siya ng tuwalya. Nagtataka akong tumayo at pumasok sa banyo niya para tingnan ang sarili ko sa salamin.

Maputla nga ako. Tsk. Hindi kasi ako nakatulog kagabi kakaisip sa nangyari saamin ni Malec.

Mula dito sa banyo ay may narinig akong pumasok sa kwarto ni Lovemir. Lumabas ako ng banyo at nagkatinginan kami ng isang maputi at matangkad na lalaki. He look smug. Gwapo ito pero mukhang mayabang. Nakaharap siya kay Lovemir na nagbibihis na pero ang mga mata niya ay nasa akin. Ngayon ko lang siya nakita. Sino naman kaya 'to?

“Oh, are you Lovemir's lover?” Biglang tanong nung lalaki. My face scrunched up.

“No.” Sagot ko agad. Ngumiti naman ito at lumapit saakin.

“Get out, Mike.” Biglang ani ni Love. Hindi siya pinansin ng lalaking tinawag niyang Mike at tuluyang lumapit saakin. Nagtataka ko lang siyang tiningnan.

“I'm Mike Colson, Lovemir's cousin.” Malaki ang ngiti nitong inabot saakin ang kamay. Sumulyap ako kay Lovemir na nakakunot noo'ng nakatingin saamin.

“Gustav Batalier.” Naiilang kong inabot ang kamay niya at nag shake hands kami. Tumango-tango ito at hindi binitawan ang kamay ko. Pilit ko iyong inaagaw pero hindi niya binibitawan. Pinagkunotan ko siya ng noo.

Anong problema nito? Tsk.

“Stop it or I'll kick your ass.” Ani ni Lovemir na ang kinakausap ay iyong Mike. Natatawa naman nitong binitawan ang kamay ko. Inis ko siyang tiningnan at lumabas ng kwartong iyon. Tinatawag niya pa ako pero hindi ko na siya pinansin. Tsk. Papansin naman 'nun.

Possessive Obsession [UNEDITED]Where stories live. Discover now