Chapter 4

7.3K 226 26
                                    

[EDITED 06/28/21]
WARNING: ERRORS AHEAD

Gustav's

HINDI na ata uusad ang traffic at banas na banas na ako. Bakit ngayon pa na kasama ko sa iisang kotse ang pulis na ito? Napasulyap ako kay Malec na hindi ko inaasahang nakatingin saakin nang may ngiti sa labi. Naramdaman ko ang kabog ng dibdib ko dahil sa gulat. I awkwardly smiled. What a creep.

“Stavie, you look so good in the morning.” Napaubo ako sa biglaang sinabi niya. Pwede time out? Baka sinabi ko sakanya na may anxiety ako? Nakakaloko ang lalaking 'to.

“Ha Ha, I always look good.” Nagbiro na lang ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Tumaas ang gilid ng labi niya na ikinatigil ko.

“I agree, you always look good in my eyes.” Gusto kong magwala sa sobrang hiya na nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung hiya pa ba to o asar na. Ano ang isasagot ko sa sinabi niya? Thanks? Tapos ano? 'Yon lang? Nakakaasar. At mas lalong nakakaasar ang paghuhumirintado ng dibdib ko.

“I know, Ha Ha.” Ako mismo ang napangiwi sa sinagot ko. Naibaling ko sa labas ang tingin ko at pinagmulatan ng mga mata ang bintana. Gago ba ako! Nakalimutan ko ang sinabi niya at basta na lang ako sumagot ng kung ano! Napapikit ako ng marinig siyang tumawa.

“You know I always adore you?” Hindi 'yon, gago! I subconsciously bit the inside of my cheeks.

“No—no, I know I always look good in everyone's eyes. Ha Ha, probably.” Sinabi ko iyon nang hindi tumitingin sakanya. Kahit ako ay hindi maintindihan ang mga isinasagot ko. I'm so anxious!

“Hmm,” He hummed and maneuver the car, bahagyang umusad ang traffic. Napabuntong hininga ako. Malamang ay nauna pa saakin si Lovemir ngayon sa restaurant. Hindi na ata kami papaalisin dito sa daan.

“Can I take you out for dinner tonight?” Nabibigla akong lumingon kay Malec nang muli siyang magsalita. Inaaya niya ako mag date? Date! Napalunok ako. Hindi ko alam kung pano o ano ang isasagot ko. “You can tell me if you don't want to go out, I'll just cook you dinner in my house, then.” He throatily laugh.

Gusto kong matulala na lang. Saan niya nakukuha ang kapal ng mukha? Saan niya nakukuha ang confidence gayong sinabi kong I don't swing that way! Asar ko siyang nilingon.

“I can cook myself a.. dinner..” Halos bulong na lang ang huli kong sinabi dahil sa panghihina. He look so serious while eying me, my face. He looks like a predator right now, and I'm his prey. Napapalunok na umiwas ako ng tingin sakanya. He's so good at making me uncomfortable with his stubbornly handsome face.

“You'll go out with me, right? Or let's just have dinner at my house?” His deep baritone voice made me close my eyes tight. Para bang sa paraan ng pagkakasabi niya ay wala akong choice kundi ang kumain kasama siya mamaya. He's a manipulative jerk and I don't know how to handle him.

“Okay, let's have dinner.” Like what I said. I'll go with the flow, I wanna know where this'll lead me, where this will lead the both of us. I swallowed hard. Ang galing ko talaga tumama sa mga desisyon. NOT.

“At my house, then.” Hindi ko man siya lingunin ay batid kong nakangiti siya. Napangiwi ako nang maalala ang traffic na hindi pa rin umuusad. Punyeta!

———


TAgaktak ang pawis ko nang hinubad ko ang unipurme ko sa pagluluto. Kanina pa ako punas nang punas pero mukhang naghuhumiyaw ata ang init ng araw at ayaw paawat. Napakainit. Kahit air-conditioned ang restaurant ay walang epek lalo na at nasa kusina ako maghapon. Dry na nga ang balat ko sa mukha, basang basa pa sa pawis ang buhok ko at katawan ko dahil sa suot kong unipurme kanina.

Possessive Obsession [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon