CHAPTER 6

2 1 0
                                    

CHAPTER 6

Hindi pa rin nawala sa isip ko 'yung sinabi niya nagseselos siya at dapat siya lang daw ang yayakap sa 'kin.

"Hoy! Kanina ka pa tulala 'yung pagkain mo hindi mo ginagalaw." Saad ni Kesha at napatingin ako sa pagkain ko.

Nakauwi na kami sa bahay at nagd-dinner na kaming tatlo.

"Hindi siya makapaniwala na nagseselos si Xyver." Natatawang saad ni Jamaica.

"Sa tingin ko may gusto talaga sa 'yo si Xyver." Saad ni Kesha.

"Tsk. Manahimik kayong dalawa, hindi magkakagusto sa 'kin 'yon." Saad ko.

"Crys, halata naman kasi sa kaniya. Minsan nahuhuli ko siya na nakatingin sa 'yo tapos kagabi bigla na lang niya sinuntok si Zyron, dahil niyakap ka ni Zyron at sinabi naman na ni Xyver na nagseselos siya at gusto niya siya lang ang yayakap sa 'yo." Saad ni Kesha.

"Bahala na." Saad ko.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin. Pagkatapos naming kumain ay agad kaming pumunta ng k'warto ko at nanood ng kdrama. Habang nanonood kami ay hindi pa rin maalis sa isip ko kung bakit nagseselos si Xyver.

Kinabukasan maaga ulit kaming pumasok dahil nga sa training. Habang naglalakad na kami ay biglang humarang sa dinadaanan namin si Alexa.

"Anong kailangan mo?" Tanong ni Kesha.

"May pinagmanahan naman pala ang pinsan mo, katulad mo lang naman pala siya na malandi." Saad ni Alexa.

"Ako malandi? Tanga mas malandi ka sa 'kin at kahit malandi ako maganda ako. E, ikaw? Malandi na nga muka pang palaka." Saad ko.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Alexa.

"Bingi ka ba? Gusto mo isigaw ko, sige teka lang." Saad ko. "KAHIT MALANDI AKO MAGANDA NAMAN AKO. E, IKAW? MALANDI NA NGA MUKA PANG PALAKA."

Akmang sasampalin na ako ni Alexa ng may humawak sa pulsuhan niya.

"Subukan mo saktan si Crystal, magkakapatayan tayo." Seryosong saad ni Xyver.

"Xyver, bitawan mo ako nasasaktan ako." Saad ni Alexa. "Tandaan mo naging ex mo ako kaya bitawan mo ako."

"Ano naman ngayon kung naging ex ka niya? Bakit porket ex bawal ng saktan?" Mataray na tanong ko.

"'Wag kang makialam dito."

"Teka, parang narinig ko na 'yan. Oo, kahapon mo sinabi, tanga may pakialam ako baka gusto mong ingudngod ko 'yang muka mong palaka." Saad ko.

"Sa susunod na subukan mong saktan si Crystal, mapapatay na kita." Saad ni Xyver at binitawan ang pulsuhan ni Alexa.

Naglakad na kami paalis at iniwan namin nakatulala si Alexa do'n.

Habang naglalakad kami may humarang na naman na lalaki sa dadaanan namin.

"Miss, may nagpapabigay nga pala nito." Saad ng lalaki.

Agad kong kinuha ang naka paper bag at agad namang umalis ang lalaki. Binuksan ko ang paper bag at may energy drink at water doon. May pagkain din na laman.

"Kanino galing 'yan?" Takang tanong ni Xyver.

"Edi kanino pa sa secret admirer niya syempre." Sagot ni Kesha.

Pinagpatuloy na namin ang paglalakad. Habang naglalakad kami ay naramdaman kong pinalibot ni Xyver ang braso niya sa bewang ko, napatingin naman ako sa kaniya at nakatingin lang ito sa daan kaya hinayaan ko na lang.

My Secret AdmirerWhere stories live. Discover now