Nagsalpukan ang mga espada ni Archiel at ng lalaki. Sinubukang asintahin ni Olivia ang kalaban ngunit bigo sya. Mas mabilis na ang kilos ng mga ito.

Humina ang malakas na hangin, bumalik sa normal na kulimlim ang mga ulap kasabay niyon ay ang pagbagsak ng Kontaminado. Sugatan at duguan ito.

Buong pwersang ibinaon ni Archiel ang dalawang espada nito sa dibdib ng lalaki.

The Kontaminado’s eyes dilated, probably surprised that he was defeated quickly. Red and green blood flowed from his mouth. His eyes slowly closed, his body went rigid.

Archiel bared her fangs. Her eyes surveying the surrounding, never dropping her guard, swords at a ready.

Imbes na makahinga nang maluwag, mas kinabahan si Olivia. Nang maglaho ang katawan ng huling Kontaminado, nag-iba ang temperatura.

Ibang klaseng lamig ang nanuot sa buto ni Olivia. Nagdilim muli ang paligid. Ang makakapal at maiitim na ulap, maging ang pag-ihip ng hangin at pag-ingit ng mga puno sa paligid ay nagbabadya ng trahedya.

“Erin…” Humugot ng lakas si Olivia sa kasintahan. Kahit malayo ito, isipin lamang nya ito’y, nagbibigay na ng pag-asa sa kanya.

May ibang labang kailangang ipanalo si Erin. Batid ni Olivia na kailangang magpakatatatag sya.

“Wala kang laban sa akin, aswang.” Sa isang iglap napuluputan ng maiitim na ugat, na nanggaling sa ilalim ng lupa, ang katawan ni Archiel. Bigla na lamang sumulpot si Verona sa likod nito.

Ang dulo ng mga ugat ay sing-talim ng espada. Nakatutok ang mga ito kay Archiel, na noo’y hindi makakilos. Naglaho ang mga sandata ng Kampilan at iniinda ang higpit ng mga nakapulupot sa katawan.

Kita ang galit sa mga mata ni Archiel ngunit wala itong magawa.

Tumawa nang malakas si Verona nang patamaan ito ni Olivia ng palasong agad nitong naiwasan. Dahan- dahan itong lumapit sa hawla na parang isang mabangis na hayop na nakahuli ng biktima.

The protective cage dematerialized when Verona touched it, leaving Olivia exposed.

Olivia tried to aim at Verona but her hands shook. The woman’s cold green eyes were enough to send fear within Olivia.

Verona was both breathtaking and intimidating like Sandrea.

“But Verona is evil,” Olivia thought as she looked back at the sneering enemy.

“You dare use her weapon.” Beneath her cool exterior, jealousy crossed briefly on her eyes.

“Because I’m worthy,” Olivia managed to say and released another wind arrow, almost hitting Verona, who dodged the attack immediately.

Olivia felt a stinging slap on her face. It was strong it almost sent her to unconsciousness. Her body was thrown backwards and landed hard, hurting her right arm. The bow and arrow vanished.

“Hindi ko maintindihan kung anong nagustuhan ni Eirene sa isang mahinang katulad mo.” Verona was full of loathing. “Ako ang itinakdang mahalin nya. Ako ang itinadhana para sa kanya. Isang pagkakamaling hinayaan kitang mabuhay pa.”

Olivia could see death on her green eyes. She tried to summon Erin’s bow and arrow but she must be too weak, it disappeared the moment she felt it on her fingers.

Kahit nahirapan, tumayo si Olivia. Lalo namang humigpit ang mga ugat sa katawan ni Archiel kaya napadaing ito.

Archiel refused to scream and give Verona the satisfaction.

“Pakawalan mo sya. Ako naman ang pakay mo hindi ba?” Hindi matiis ni Olivia ang impit na pagdaing ni Archiel.

“Kabutihan. Iyan ba ang lamang mo sa’kin?” Nanunuya itong pinagmasdan si Olivia mula ulo hanggang paa. “Mamahalin ka pa kaya ni Erin kapag sinakop na ng kasamaan ang buo mong pagkatao?”

Isang malakas na sigaw ang kumawala mula kay Archiel nang humigpit pa ang pagkakapulupot ng mga ugat. Nawalan ito ng malay pagkatapos itong pakawalan ni Verona. Bumalik naman sa ilalim ng lupa ang mga ugat.

Sinubukang lapitan ni Olivia ang Kampilan ngunit itinulak sya ni Verona. Mahina lamang iyon pero nagawa nitong paangatin ang katawan nya at muling bumagsak sa lupa.

Olivia winced. How could she fight someone as powerful as Verona?

“Mapa-Diyosa man o tao. Kahit ano pang klase ng nilalang ay may itinatagong kasamaan. Kahit gaano pa ito kabuti, nakakaramdam din ng inggit at galit, maging masasamang hangarin. Isinasakatuparan man o hanggang isipan lang.” Tumitig si Verona sa mga mata ni Olivia. “Maging ikaw, Olivia. May kadilimang natutulog sa loob mo. Isang patak ng Itim na Dagta, magigising ang halimaw sa pagkatao mo.”

Nang mamatay si Verona, nabuhay ang dilim sa loob nito kaya nagbago ang nakasaad sa Aklat ng Tadhana. Ang sinumang ibigin ni Erin ay sasaktan nito.

“Mamahalin pa rin ako ni Erin,” lakas- loob na sabi ni Olivia. Pinilit nyang tumayo. Kung papaslangin sya nito, mamamatay syang masaya dahil sya ang iniibig ni Erin. “Bago pa man mabago ang kapalaran nyo ni Erin, hindi ka na nya mahal. Nagagalit ka sa akin dahil alam mong hindi magbabago ang damdamin nya kahit ano pa ang nakatakda sa aklat.”

Namula sa galit ang mga mata ni Verona. “Malalaman natin kung hanggang saan aabot ang pagmamahal na iyan.”

Nabiyak ang lupa sa harapan ni Verona. Lumabas ang isang makapal at itim na ugat. Mabilis na bumulusok ang talim niyon patungo kay Olivia. Wala na syang oras para makaiwas pa.

Hinintay nyang punitin ng talim ang katawan nya ngunit pagdaing ni Archiel ang narinig nya.

Parehong nasorpresa sina Olivia at Verona nang humarang si Archiel. Sa dibdib nito tumusok ang ugat.

“Hangal,” Verona muttured when she recovered from shocked.

Olivia tried to yank the black root as it pumped something, probably the dark liquid, inside Archiel but it didn’t budge.

“This is unexpected.” Verona’s weapon withdrew from Archiel, who was on all fours. “Ito marahil ang itinakdang mangyari.” She looked gleeful. “Kamatayan din ang hantungan mo, Olivia.”

Archiel’s face was distorted in pain. Her yellow and green eyes kept changing colors. Yellow and green then red. It was like Archiel was fighting what’s about to happen. There’s struggle within her.

“Si Archiel na ang tatapos sayo para sa akin, Olivia.” May ngiting sumilay sa mga labi nito habang pinagmamasdan ang paghihirap ni Achiel. “Huwag mo nang pigilan, Archiel. Yakapin mo ang dilim. Oras na para iwaksi ang liwanag. Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo?”

Archiel’s eyes settled with red. Her fangs were longer. Her nails sharper. Her boots were shattered and revealed her dark feet with razor- edged talons.

Her eyes turned to Olivia, who never backed away from the Kampilan. “Tumakbo ka na, Olivia.” Archiel’s eyes went back to yellow and green. “Hindi ko na…ma-pigilan a-ang s-sarili ko…"
Archiel groaned. Her jacket was torn as dark bat-like wings sprouted from her back. Her nails dugged the soil in pain.

Olivia wanted to take away her pain, but how? Archiel was a Mandurugo and with the dark liquid within her, it awakened her thirst for blood. Olivia would be her target.

Hinawakan ni Archiel ang braso ni Olivia. “U-Umalis ka na habang may oras pa. Run as fast as you c-can, Olivia.” Napakagat- labi ito sa sakit na nararamdaman. “H-Hide from…me.” Nagmamakaawa ito. “D-Don’t let…me hurt you. Huwag mong h-hayaang…ako…ang maging d-dahilan ng kama-tayan m-mo. P-Please, Olivia.”

Olivia nodded in understanding. She wouldn’t let Verona use Archiel. She’d get help from Sandrea. She’d know what to do for sure.

“You’re a fool if you think you could outrun someone like Archiel.” Verona laughed.

Olivia stood. “Hihingi ako ng tulong. Hold on, Archiel.” She didn’t know how but she had to try. First, she needed to escape.

“Suit yourself, Olivia.” Her cold green- eyes glinted with vileness. “Better start running.”

Olivia didn’t hesitate. She ran inside the woods, jumping over thick roots, dodging branches, never slowing down.

When she heard a monstrous growl, Olivia sprinted faster and went deeper into the woods, putting as much distance as she could from the blood- hungry Mandurugo.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now