I smiled at her. "Sige, ingat ka. Pakisabi kay Patricia magpagaling siya."

"Salamat. Ikaw rin." Sagot ni Lea at nauna na.

Si Patricia ay ang anak ni Lea. Minsan ay dinadala niya ito sa trabaho. 13 years old na si Patricia at masiyahing bata kaya natutuwa kami dito.

Habang nagliligpit ako ay may narinig akong magsalita sa likoran ko.

"How's my girl?"

I automatically smiled when I heard his voice. Nilingon ko ito at nakita ko ang nakangiting mukha ni Kenzo.

"How's my girl ka diyan."

He laughed. "What? You really are my girl. My one and only girl."

My cheeks turns red because of what he said. Lumakas ang tawa nito nang nakita akong namumula.

"Damn, baby, you're blushing." Pang-aasar nito.

Inirapan ko ito. "Hindi ah."

"Are you done fixing your things? Ihahatid na kita."

I nodded. "Yes."

Sabay kaming naglakad ni Kenzo palabas. Mabuti nalang at wala na si Yena dahil baka nakabuntot na naman ito kay Kenzo ngayon. Maaga kasi siyang umuwi kanina. Ewan ko kung bakit.

Pagdating namin sa parking lot ay pinagbuksan ako nito ng pintoan. Pumunta rin ito kaagad sa driver seat pagkatapos.

We are using his car. Hindi ko na nagagamit ang kotse ko dahil palagi ako nitong sinusundo. Nakakatipid tuloy ako ng gasolina.

"Is it okay with you kung may pupuntahan tayo?" Ika Kenzo habang nagmamaneho.

"Ayos lang din naman."

Maaga pa naman kaya ayos lang kung sasama muna ako sa kaniya.

Tumigil kami ni Kenzo sa hindi ko alam kung saan. Hindi ako familiar sa lugar na 'to pero ang ganda.

"Nasaan tayo?" Tanong ko kay Kenzo.

He just shrugged. "Come on, baby. I want you to see something."

Nagsimula itong maglakad kaya sumunod ako sa kan'ya. Nagulat ako nang may nakita akong mataas na hagdan pagpasok namin sa gate.

"Don't tell me. Aakyatin natin 'yan?"

Kenzo laughed before he nod.

"Yes, we will. Don't worry, worth it ang makikita mo sa taas."

Wala na akong choice kundi ang umakyat. Nasa kalahati palang kami ng hagdan ay napagod at hiningal na ako. Damn! Bakit ba kasi ang taas ng hagdan na 'to? Nakakamatay.

"Yna! Come on!" Sigaw ni Kenzo.

Inirapan ko ito na ikinatawa niya. "Maghintay ka nga. Kita mong hinihingal na ako."

Nagsimula na ulit akong umakyat pataas. Humahangin na rin habang paakyat kami kaya hindi ako masyadong pinagpapawisan.

"Ang ganda." Tanging nasambit ko pagdating namin sa taas.

One word I can say? Breathtaking.

Ang ganda ng tanawin. Halos nakikita ko ang buong city dito. Tama nga si Kenzo. Sulit 'yung pagod mo kapag nakita mo na ang magandang tanawin mula dito sa taas. Sobrang worth it.

Ganito pa naman ang mga gusto kong tanawin. Nakakarelax lang.

"I told you. Magagandahan ka dito." Ika Kenzo.

Tinignan ko ito at nakitang nakangiti siyang nakatingin sa'kin.

"I used to be here before. Naaalala kita kapag pumupunta ako dito." He added.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What do you mean?"

"Naaalala ko kasing palagi mong sinasabi sa'kin na gusto mong makapunta sa isang mataas na lugar at tignan kung gaano kaganda ang kalikasan. I know how much you like the beauty of our nature."

Nakatingin lang ako sa kan'ya. To be honest, nakakatunaw sa puso ang sinasabi nito.

"Kaya kapag nandito ako, naaalala kita. Dito rin ako pumupunta kapag namimiss kita. When I was studying for my board exam, dito ako tumatambay kasi feeling ko kasama kita." He paused. "When I discovered this place. Ikaw agad ang naisip ko, Yna. Nasabi ko agad sa sarili ko na balang araw kapag may maipagmamalaki na ako sayo, dadalhin agad kita dito."

"Kaya ba inaya mo'ko dati na maglunch? Dito mo'ko balak dalhin no'n?" I asked.

He smiled and nod. "Yes pero malaki pa ang galit mo sa'kin no'n at dumating pa talaga si Nathan. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw mong sumama sak---"

"I'm sorry. I'm so sorry, Ken."

I am guilty. Sobrang naguilty ako sa ginawa ko.

"Baby, damn! I brought you here because I want you to be happy and not to make you cry." Aniya at nilapitan ako. He then wiped my tears with his thumb finger. "You don't need to feel sorry. I told you, gagawin ko lahat para mapatawad mo'ko. Hindi naman ako umaasa na yayakapin mo'ko kapag nagkita na tayo pagkatapos nung ginawa ko 6 years ago."

I hugged him. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko but he hugged me back afterwards. I already made my decision. Maybe on his birthday, I will listen at his explanation and I will introduce Nathalia to him.

After all, he deserves it. He is Nathalia's father and I want my child to be happy too.









Wanting Her BackМесто, где живут истории. Откройте их для себя