Chapter 4 (Dare or dare and truth or truth)

Start from the beginning
                                    

"I love you, baby wife." sinserong bulong niya at idinampi ang labi sa noo ko. Napapikit naman ako para damahin ang labi niya.

"I love you even more, Allistair. More than anything and anyone." bulong ko at yumakap sa kaniya. Niyakap niya naman ako pabalik.

"Let's sleep. I'm still sleepy. Besides, aren't you tired?" inaantok na bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. Napangiwi naman ako at niyakap nalang siya pabalik.

"Round two?" mahinang bulong niya. Agad ko naman siyang hinampas sa braso at natawa naman siya.

***

"Good afternoon, baby wife. Lunch in bed." sabi ng isang pamilyar na boses na nagpagising sa'kin.

"Allistair, ang aga-aga pa eh." reklamo ko at nagtaklubong ng kumot.

"Pft, it's already afternoon, baby." sabi niya na nagpabangon sa'kin. Napatingin ako sa bintana at nakitang hapon na nga.

"Here. I brought you some foods." sabi ni Allistair at nilapag ang tray sa kama.

"Kanina ka pa gising?" inaantok na tanong ko at nagkusot ng mga mata.

"Nah. Just woke up a few minutes before you woke up." sabi niya at inayos ang mga pagkain.

Nagsimula na kaming kumain. Share kami sa isang plato, kutsara, tinidor at kutsilyo. Hindi ko alam kung anong trip ni Allistair at bigla siyang naging ganito. Mukhang nasaniban ng kung ano mang espiritu. O baka nagtitipid lang talaga siya sa pinggan para kaunti lang ang hugasin, tipid tubig at sabon din 'yon.

Natapos na kaming kumain at niligpit niya naman ang pinagkainan namin. Tumayo na ako at inayos ang higaan. Kinuha ko na ang roba at pumasok sa banyo.

Magtatanggal palang sana ako ng damit ng biglang may kumatok. Binuksan ko ang pintuan at nakita si Allistair na napakamot sa batok.

"Do you need some help?" tanong niya.

"On what?" salubong ang kilay na tanong ko sa pagtataka.

"To wash yourself... You know ahm it might be hard because of our baby in your tummy." sabi niya kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

"Baby? In my tummy?" tanong ko at napaisip saglit bago nanlaki ang mga mata sa nabuong ideya. "Baby ba yung kinain natin kanina?!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Napabusangot naman siya bago pumasok sa banyo.

"Anong ginagawa mo?!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko.

"Helping you to wash yourself. Don't worry, I've already seen all of it before." nakangising sabi niya kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

"You know I have my eyes, hand and feet. I can handle myself perfectly without some help." sabi ko at hindi niya naman ako pinansin.

'Ano bang problema niya?'

Pero nanlaki rin ang mga mata ko sa naisip.

'May baby sa tyan ko huhuhu! I just ate an innocent baby! Wahhh kasalanan ito ni Allistair! Siya ang dapat makulong! Wahhh! May asawa akong killer! Huhuhu! Police station! Anyone?! Anytwo?! Anythree?! Help!'

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now