Chapter 4 (Dare or dare and truth or truth)

Start from the beginning
                                    

"Rain... Please... Stop..." pagmamakaawa niya na nagsisimulang ring maluha.

"Mahal kita simula pa noong una! Walang nagbago, ikaw pa rin! Kahit ilang taon na ang nakalipas, ikaw pa rin! Noong niloko niyo ako, mahal pa rin kita! Noong umalis ako, mahal pa rin kita! Noong bumalik ako, mahal pa rin kita! At hanggang ngayon, mahal pa rin kita! Mahal na mahal pa rin kita Allistair kahit ang sakit sakit na!" I yelled. Mas lalong lumambot ang mukha niya at sinubukang lumapit sa'kin pero lumayo ako habang umiiyak saka siya dinuro.

"Pagod na pagod na ako, Allistair." umiiyak na sabi ko habang nakatingin sa mga mata niyang nagsisimula na ring manubig. "Pagod na pagod na ako sa kakaintindi sa'yo! Ako! Kailan naman ako?! Kailan niyo naman ako maiintindihan?! Bakit lagi nalang ako ang umiintindi?! Bakit laging ako nalang ang kailangang umunawa?! Bakit lagi nalang ako ang kailangang mag-adjust?!" nanggigigil na sigaw ko habang umiiyak.

Agad naman siyang naglakad papunta sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi na ako tuluyang nakalayo dahil pader na ang nasa likod ko. Mas lalong lumakas ang iyak ko at tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ko. Kung hindi lang siya nakayakap sa'kin ay tuluyan na akong bumagsak sa sahig.

"Shh. Shh. Tahan na." pang-aalo niya at hinaplos ang buhok ko ngunit mas lalo lang akong naiyak.

"I'm sorry... I'm sorry, baby wife... I love you... Please... Don't leave me... Mahal na mahal na mahal kita... Please... I love you more than anything else... I love you more than how I love myself... Please..." bulong niya at mas hinigpitan ang yakap.

Napapikit nalang ako habang dinadama ang init ng yakap niya.

'I wish we can stay like this forever... Sadly... We can't...'

Inangat niya ang baba ko as our lips touched. I immediately wrap my arms around his nape as we continue on kissing. It's like there's no tomorrow. It's like we've been apart for years.

"I love you forever and always, baby wife..." bulong niya at muli akong hinalikan.

'Mahal din kita, Allistair... Kahit wala na akong maintindihan... Kahit pagod na pagod na ako... Mahal pa rin kita...'

***

Nagising nalang ako ng masakit ang ulo. Naramdaman ko naman ang isang mabigat sa tyan ko na nakapatong. Tinignan ko ito at hinawakan ang kamay ni Allistair upang alisin sana pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa'kin.

"Wife, it's still early." atungal ni Allistair at siniksik ang ulo sa leeg ko. Napangiwi naman ako pero agad din 'yong nawala ng mapagmasdan ko ang mukha niya.

Messy hair. Thick eyebrows. Closed eyes. Pointed nose. Kissable and pinkish lips. Perfect jawline. In short, perfect.

Hinaplos ko ang buhok niya pababa sa kilay, pagbaba sa ilong, pababa sa baba at pataas sa labi. Gusto kong sauluhin ang bawat anggulo ng mukha niya. Gusto kong namnamin ang mga oras na kasama ko pa siya. Dahil sa oras na lumabas kami sa kwartong ito. Kailangan na naming harapin ang mundong naghihintay sa amin.

"Baby... Are you molesting me?" inaantok na bulong niya at agad ko naman siyang sinampal sa pisngi ng mahina dahil sa sinabi niya. Natawa naman siya at saka hinila ang kamay kong nakaangat pa rin at hinatak kaya ang kinalabasan ay napalapit ako lalo sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at hindi nakagalaw sa gulat. Inaantok na nagmulat siya ng mata kaya napatitig ako sa kayumanggi niyang mga mata at gano'n din siya sa'kin.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now