Chapter 5

11 0 0
                                    

Chapter 5

Lunes na naman.

Wala masyadong nangyari kahapon. Kaya hindi ko na ikwekwento.

Alas-siyete ang pasok ko kaya maaga akong nagising.

Tulog pa sina nanay at tatay ng bumangon ako.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan para hindi sila magising.

"Hoy. San ka pupunta?"

Ay Inakay ng manok!

Napahawak naman ako sa dibdib ko sa sobrang gulat at takot.

"Ano ba?! Ba't ba nang-gugulat ka d'yan?!" pabulong kong sigaw sa kanya.

Kasi naman!

Yung tahimik yung paligid tapos dahan-dahan kang nababa tapos may biglang magsasalita!

Natawa pa siya ng mahina. Grabe! >__<

"Saan ka ba kasi pupunta? Tatakas ka ba? Ha?" tanong ni Isidro sakin.

at tumaas-baba pa yung mga kilay niya.

"Papasok ako! 'Wag kang magulo d'yan." ano bang nasa isip ng lalaking 'to? Tsk. Tsk.

Umupo naman siya sa papag niya.

Pumunta ako sa kusina para magpakulo ng mainit na tubig para sa kape ko.

Napansin ko na hinihilot niya yung sintido niya.

"Bakit ang aga mong nagising?" tanong ko kay Isidro.

Napatingin naman siya sakin.

"Sumakit yung ulo ko." sagot niya bago siya tumayo at pumunta din sa may lamesa.

"Pahingi ding kape ha." sabi pa nito.

Nung kumulo na ang tubig, nagsalin ako sa dalawang mug para sa kape namin.

Uminom lang kami ng tahimik.

Himala at hindi kami nag-away.

Sino ba namang gustong makipag-away sa ganitong kaaga?

Tumayo na ako.

"Saan ka pupunta?" tanong na naman ni Isidro.

Pang-ilang "Saan ka pupunta" niya na yan ha.

"Maliligo..." sagot ko pabalik atsaka tumalikod.

"Sasama ka?" bulong ko pa.

Akala ko hindi niya maririnig.

"Pwede..." sagot niya naman.

Napaharap naman ako sa kanya.

Nakangiti siya na parang manyak dun.

"Bastos mo!" sigaw ko sa kanya pero mahina lang.

Hindi ko alam na ganun siya! Delikado ata kami ni Shana dito kay Isidro!

"Sino sating dalawa... Hahaha" - Isidro.

Ugh! Walang palya ang pag-aaway namin kahit umaga. >__<

Nakakainis siya! Kainis!

Natapos na akong maligo at mag-ayos ng sarili ko.

Gising na si nanay para magluto ng almusal nila.

"Nay, papasok na po ako." paalam ko atsaka nag-mano.

We'll Never Be StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon