Chapter 7

21 0 0
                                    

chapter 7

dalawang araw suspinde ang klase. may bagyo daw kasi.

dalawang araw nadin may sakit si Isidro.

ayan kasi, may pasugod-sugod pa sa ulan.

"achooo!"

"kita mo na. ayan ang napapala mo....

may pasundo-sundo ka pa kasing nalalamam." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mga braso niya.

ako ang nautusan na mag-alaga sa tao na to.

pero ngayong araw lang naman. :-)

"akin na nga." kinuha ni Isidro ang towel sakin pero hindi ko binigay. "ang bagal mo kumilos. nilalamig na ko." inis nitong dagdag.

aba. siya na nga tong pinupunasan, siya pa tong galit.

"pasalamat ka nga at sinundo kita." sabi niya.

"sino ba may sabing sunduin mo ko? aber?" sagot ko naman sa kanya.

totoo naman eh.

may sinabi ba ako sa kanyang, "isidro, sunduin mo ko ha.".

"pwede naman akong ihatid ni Alex dito sa bahay eh."

"sino? yung mukang tukmol na yun?" panlalait ni Isidro kay Alex.

gaaaa. hindi mukang tukmol si Alex no.

"hoy. 'yang bibig mo. makapanlait ka, kala mo kagwapuhan ka--"

bigla siyang umupo mula sa pagkakahiga niya.

"bakit hindi ba?" at tinignan niya ko sa mata. nang diretso.

1    (>___>)  (<___<)

2    (>___>)  (<___<)

3    (>___>)  (<___<)

4    (>___>)  (<___<)

5    (>___>)  (<___<)

*boink*

binato ko sa mukha niya yung towel.

"ikaw na ang magpunas ng sarili mo. bahala ka jan."

tumawa naman siya ng mahina pero rinig padin ng mga tenga ko.

Pakiramdam ko mukha na akong kamatis. >/////<

ay bwisit kang Isidro ka.

kung wala ka lang sakit, nabatukan na kita. grrr.

*fast forward*

nagising ako ng maaga para maghanda sa pagpasok.

maganda na ang panahon at natapos nadin ang bagyo.

salamat naman.

bumaba na ako ng hagdan para magpa-kulo ng tubig.

naglagay ako ng kape sa tasa.

dinadama ko ang init nito dahil sa kadahilanang malamig ngayon.

mmmm...

"siguro kaya maaga kang napasok ay dahil sa tukmol na yun."

*ehem! ehem! ehem!*

bigla akong nasamid sa pagkaka-inom ko at napaso pa ang dila ko.

We'll Never Be StrangerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin