Chapter 1

70 1 0
                                    

Chapter 1

Maputi at makinis ang balat

Matangos ang ilong

At ang kanyang mapupulang labi.

Unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata 

Brown ang mga ito na pumapares sa kanyang mga mahahabang pilik-mata.

O_O

*Pak* 

At napaupo siya sa kagulatan..

"Ano ba?!Bakit ka nanampal?! Ang bigat ng kamay mo ah!"

Pumunta ako sa kusina para hugasan ulit ang mga natitirang baso sa lababo.

"Nasan na ba ako?"tanong niya habang papalabas ng bahay. Patuloy siya pagmamasid sa paligid. Parang ngayon lang siya nakakita ng bukid sa mga kinikilos niya.

Saan kaya nanggaling itong taong ito? 

Alien siguro 'to?

Pero paano siya magiging alien, eh ang gwapo gwapo niya. 

Ay nako Ishang, kung anu-anong iniisip mo. Maghugas ka na lang ng plato baka mapagalitan ka pa ni Tatay.

Tumingin ulit ko at nakita kong kausap na siya ni Tatay.

"Oh iho, gising ka na pala. Bakit tumayo ka na kaagad? Hindi na ba nasakit ang mga sugat mo?" narinig kong pag-uusisa ni Tatay

"Masakit!

Masakit na masakit ang pagkakasampal nung babae sa loob!" pasigaw na sagot nito. 

Aba?! Akala mo kung sinong makasigaw sa tatay ko. Close lang?!

Napalapit si Nanay Helen kasi narinig niya yung sigaw nitong lalaking ito.

Ay nako! Gumagawa pa talaga siya ng eksena ha! Madadagukan ko na ito eh! 

"Napaano ka nga iho?" tanong ulit ni Nanay. Patay na. Sana hindi ako pagalitan ni nanay.

"Sinampal po kasi ako nung babae sa loob" napatingin sa akin si nanay at patay malisya ako.

Kunwari hindi ko sila naririnig at patuloy pa rin ako paghugas ng mga baso.

Pasulyap sulyap ako at alam kong tinitingnan ako ng masama ni Nanay at gusto niya ng sagot kung bakit ko sinampal yung lalaking yun..

"Hala ka ate, bakit mo naman sinampal si Kuyang pogi?" sabi ni Shana na may daladalang prutas papasok ng bahay. Winisikan ko siya ng tubig.

Si Shana, ang bunso kong kapatid.

"Nanay oh, si ate" hindi ko namalayan na pumasok na pala ng bahay si Nanay.

"Tumigil nga kayo. Maghanda na kayo at kakain na tayo" nagdali-dali na akong maghugas ng baso. Nagbi-busy-han ako para hindi na ako matanong ni Nanay.

"Ishang....."

Patay na

"Walapotalagayunnanay.Nagulatlangpoako.Hindikoposinasadyanyunnanay" dare-daretso kong depensa sa sarili ko.

"Oh Helen, asikasuhin mo muna itong bisita natin" at inalalayan na nga ni Nanay yung lalaki.

"May masakit pa ba sa iyo iho?" tanong ni Nanay

"Medyo masakit pa po ang ulo ko" pag-iinarte nung lalaki.

Grabe. Best actor.

Saan kaya nanggaling itong lalaking ito at magaling umarte.

We'll Never Be StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon