"Aalis na si Kathryn bukas...." Biglang sabi niya.


"Anong oras?" Malamig kong sagot.


"7pm ang check in niya, pero ang alis niya 9pm." Khalil.


"Ha?! Pero 7pm yung kasal Daniel?! Paano na yan." Sabi ni Julia.


"Hindi ko alam...."



KATHRYN'S POV



"Ang tagal naman ni Khalil." Sabi ko habang nagluluto ako ng noodles nakakatamad magluto ng kung ano eh.


Habang kumakain ako ng noodles napaso yung dila ko nakalimutan ko kasing mainit pala yun.


"Awww..." Tumulo yung mga luha ko sa sakit kasi naalala ko nanaman.


"Kath asan ka??!!! Andito na ako!" Rinig kong sigaw ni Khalil.


"Andito ako sa kwarto."


"Akala ko umalis ka na buti na lang binilisan ko magdrive. Alam mo bang nakita ko si Julia may ka-date?!!!" Galit sa sabi niya sa'kin.


"Sino si Julia?"


"'Di ko nga pala nakwento sayo noh? Si Julia yung girlfriend ko." Khalil.


"Julia?? What?"


"Julia Barretto." Khalil.


"Julia Barretto? I heard that name before...." Sabi ko.


"Really?! Saan kayo mo narinig?" Khalil.


"Ah yes! Siya yung babaeng nasa airport nung papunta ako dito."


"Ah oo galing siyang Philippines din that day. Mas pinili nga kitang sunduin keysa sa kanya eh. -__-" Khalil.


"Edi good. :p"


"Mukhang okay ka na ah?" Khalil.


"Eto naman panira! Nakalimutan ko na eh! Tapos pssshhh..." Tumulo nanaman yung mga luha ko.


"Ay sorry! Akala ko pa naman..... Teka kukuha akong tissue." Mabilis na tumakbo si Khalil.


After makuha yung tissue, "Aalis na ba talaga tayo bukas? Bukas na yung kasal."


"You want me to die?"


"Slight? Joke!! Oo na aalis na tayo bukas." Khalil.


"I need to sleep now."


"Matutulog ka na nga ba talaga?" Khalil.


"Oo. Ikaw dun ka na lang muna sa guest room. At wag mo na akong istorbohin okay?"


"Okay." Khalil.


Pumasok na ako sa kwarto ko at umiyak magdamag.


This is the day. Good bye Canada I think hindi na ako ulit makakabalik dito.


"Kath bilisan mo! Male-late na tayo!" Rinig kong sigaw ni Khalil kayayari lang kasi namin mag check-in.


"Ayan na. -___-"


"Sure ka na ba? Itutuloy pa natin toh?" Khalil.


"Pang-ilang tanong na toh Khalil? Sasapakin na talaga kita."


"Sorry naman. Tara na."



DANIEL'S POV



"Anak ready ka na ba?" Mama.


"Hindi ko alam Ma."


"Anak everything will be fine." Mama.


"No, Ma. Kung wala si Kathryn sa tabi ko hindi ako magiging maayos."


"Anak masasanay ka rin na makasama si Julia."


"Hindi—-"


"Uhmm excuse me lang po. Pero kailangan na po kasing pumunta ng groom sa simabahan kasi malapit na po matapos yung pag-aayos sa bride." Sabi nung babae.


"Okay." Sumunod naman ako agad.


Tinap ako ni Papa sa balikat pero hindi ko siya pinansin. Umayos na ako kasi nasa labas na daw si Julia. Nakangiti ang mga magulang ko pero si JC walang expression kasi alam niyang ayoko nito. Nakita ko na naglalakad si Julia papunta sa altar at ako naman nag aabang sa kanya papalapit sa akin. I think this is the end of my happily ever after.


Noong nasa harapan na kami ng altar tumingin sa akin si Julia at ngumiti, "Julia Barretto do you take Daniel Padilla to be your Husband?" 


Tumingin siya sa pari tapos tumingin ulit sa akin, "I don't."

———————————-

VOTE AND COMMENT PO THANK YOU



Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon