Chapter 19 (Voice Recording)

Start from the beginning
                                    

NATIGILAN SI BRITANNY.

Britanny: What are you talking about? After kitang imbitahin sa party ko at ituring na friend ganyan pa ang sasabihin mo?

Myla: Come on Britanny, alam mo kung anong sinasabi ko! Oo inimbitahan mo ako at nagkunwari kang mabait sa akin pero 'yun pala may pina-plano lang kayo laban sa akin!

Courtney: Huwag ka ngang bintangera!

Britanny: Oo nga! Lalo na kung wala ka namang ebidensiya!

NAGKATINGINAN SINA MYLA, NELO, JEWEL AT LYNE.

Myla: Ebidensiya ba ang gusto niyo Britanny?

INILABAS NI MYLA ANG PHONE NIYA AT IPINARINIG ANG ISANG VOICE RECORDING.

*VOICE RECORDING PLAYING*

MARIRINIG NA NAGTATAWANAN SINA COURTNEY, BRITANNY AT LIZZY.

Britanny: Hahahaha! Ano kayang istura niya sa loob? Hahaha! Grabe paano mo naisip 'yun?

Courtney: Well, napanood ko lang kasi sa internet hahaha!

Lizzy: I'm sure pawis na pawis na siya dun sa loob ng CR! Hahaha'

Elle: Grabe naman kayo, bakit ginawa niyo 'yun kay Myla?

Diane: Oo nga, kawawa naman siya.

Britanny: Pwede ba, tumahimik nga kayo diyan!

Courtney: I'm sure naman makakalabas din siya dun, pawisan nga lang! Hahaha!

Lizzy: Hahaha, nakakatawa talaga!

*END OF VOICE RECORDING*

NATIGILAN SINA BRITANNY AT COURTNEY.

Britanny: S-Saan mo nakuha 'yan?

Myla: May nag send sa akin nito kanina pero hindi ko kilala kung sino pero malinaw na malinaw dun na kayo ni Courtney ang nagkulong sa akin sa CR nung party mo!

NAGKATINGINAN SINA COURTNEY AT BRITANNY.

Lyne: Ano, edi natameme kayo? Sabi ko na nga ba eh may kinalaman kayo sa nangyari kay Myla sa party mo!

Myla: Kaya kung ayaw mong i-upload ko ang recording na ito at malaman ng lahat lalo na ng daddy mo ang ginawa niyo sa akin, tigilan niyo na ako dahil ayoko ng gulo!

UMALIS NA SI MYLA. SINUNDAN SIYA NI JEWEL AT NELO.
TINIGNAN NAMAN NG MASAMA NI LYNE SINA BRITANNY AT COURTNEY TSAKA UMALIS.

Britanny: What the fudge!?!! Sinong nag record nun at nag send kay Myla?

Courtney: I don't know! Sinu-sino lang ba tayo sa table nun? Hindi naman si Lizzy kasi mapapahamak din siya kapag kumalat 'yung recording na 'yun at lalong hindi ako noh!

NAPAISIP SILA.

Britanny: It means, isa lang kina Diane at Elle ang gumawa nun pero I doubt na gagawin sa akin 'yun ni Elle kaya for sure si Diane ang nag record at nag send nun kay Myla!
•••••••••••••••••••••••••••••••
SA STUDENT COUNCIL'S OFFICE.

NAGMI-MEETING ANG MGA OFFICERS NG STUDENT COUNCIL.

Myla: This Friday, sisimulan na natin ang audition para sa Mister & Miss Gabner University.
I want everyone of us to encourage our friends to join. Let's assure them na magiging fair ang audition. Hindi tayo ang magde-decide kung sino ang makakapasa kung hindi ang mga kukunin nating judges.

Dorothy: (Vice President) Isa sa mga judges si Dean Fernandez and of course kinuha din nating judge ang reigning Mister & Miss Gabner last year na sina Cassandra Victorna and Hanson Tan. We will also have a celebrity judge pero sa ngayon hindi pa namin siya pwedeng pangalanan.

NAGTAAS NG KAMAY ANG ISANG MEMBER NG STUDENT COUNCIL NA SI JEROME.

Myla: Yes, Jerome?

Jerome: We also need to make this pageant unique from the previous Mister & Miss Gabner. I just want to suggest na bakit hindi tayo magsali ng mga members ng LGBT, diba?

NAGBULUNGAN ANG IBA PANG MEMBERS. ANG IBA AY SANG AYON AT ANG IBA NAMAN AY HINDI SANG AYON.

Dorothy: I don't think that's a good idea. We love the LGBT community but Mister & Miss Gabner University is not for them. May iba pa namang pageant na appropriate for them.

NA-DISAPPOINT SI JEROME.

Jerome: But we need to promote equality sa School na ito. Dapat anyone can join diba?

Myla: Actually, Jerome has a point. Mister & Miss Gabner University should be open to all genders. Hindi lang sa mga straight boys and girls but also to our beloved LGBT community.

NATUWA ANG ILAN SA SINABI NI MYLA.

Dorothy: Well, we still have to discuss that with Dean Fernandez later.

Myla: We will do that. Anyway, ang schedule ng audition tomorrow will be from 3pm-5pm only and it will be held at the GABNER AUDITORIUM. Jessa, Stanley kayo na ang bahala sa mga posters okay?

Jessa/Stanley: Alright.

Myla: Thanks guys. Anyway, kung wala na kayong tanong or suggestions this meeting is adjourned.

NAGTAYUAN NA ANG MGA MEMBERS NG STUDENT COUNCIL AT UMALIS NA. NAIWAN SI JEROME AT LUMAPIT KAY MYLA.

Jerome: Myla, thanks for considering my suggestion.

Myla: (Ngumiti) No problem. Gusto ko rin kasi ang idea mo eh. Tama ka, kailangang kakaiba ang Mister & Miss Gabner this year. I'm sure matutuwa ang LGBT community sa school na ito.

NAKATINGIN NAMAN SA KANILA SI DOROTHY AT NAG MAKE FACE TSAKA UMALIS.

ITUTULOY...

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATEWhere stories live. Discover now