Chapter 19 (Voice Recording)

1 0 0
                                    

Huwag Kang Susuko
Chapter 19
"Voice Recording"

*GABNER UNIVERSITY*

NAGLALAKAD SINA MYLA, JEWEL, LYNE AT NELO.

Lyne: Myla, kailan nga pala 'yung audition para sa Mister & Miss Gabner?

Myla: Bukas na. Actually mamaya may meeting kami about dun. Sumali kayo ha?

Lyne: Oo naman. Excited na nga ako eh.

Jewel: Sigurado akong makukuha kayong dalawa ni Nelo.

Nelo: Kailangan ko ba talagang sumali din? Nakakahiya kasi eh.

Lyne: Uy nag oo ka na ah? Huwag ka nang magba back out!

Myla: Oo nga naman, Nelo. Huwag ka ng mahiya okay?

NAKASALUBONG NILA SINA BRITANNY AT COURTNEY.

Britanny: Oh, look who's here. The fake Princess!

Courtney: Hmmm... Ang kapal naman ng mukha na umastang parang walang nangyari ano? After niya tayong lokohin lahat?

Britanny: True!

Lyne: Alam niyo Britanny and Courtney, wala na kayong ibang kayang gawin kundi ang sirain ang araw ni Myla noh? Ganyan ba kalulungkot ang mga buhay niyo?

Nelo: Oo nga! Eh ano naman kung nagpanggap siyang mayaman? Naapektuhan ba kayo?

Myla: Lyne, Nelo, hayaan niyo na sila. Huwag na lang natin silang patulan. Tayo na.

PAALIS NA SILA PERO HINATAK NI BRITANNY SI MYLA.

Britanny: Ambisyosa! You think ganun-ganun na lang 'yun ha? Niloko mo kaming lahat na mayaman ka para kaibiganin ka namin! Nanalo ka as President ng Student council dahil akala ng lahat eh Princess ka! You took advantage of us!

Myla: Hindi ko kayo tinake advantage, Britanny. Hindi ko naman sinadyang magpanggap na mayaman eh at lalong hindi ko naman ginamit 'yung sitwasyon na 'yun para manalo ako bilang President ng student council. Lumaban ako ng patas! Kayo pa nga itong nandaya diba?

NATIGILAN SI BRITANNY.

Britanny: Hmmm... Liar! If I know may plano ka talaga na lokohin kami! Paano ka naman nakapag enroll sa mamahaling school kung mahirap ka lang? I'm sure may ginawa ka or ang parents mo! Hindi kaya nanloloko kayo ng tao para magka pera?

Myla: Hindi ganung klase ng tao ang mga magulang ko kaya huwag mo silang idamay dito!

Britanny: Hindi? So, paano mo na afford ang tuition fee dito? Aber? Scammer siguro ang mga parents mo noh?

Nelo: PWEDE BA BRITANNY TUMIGIL KA NA!

PASIGAW NA SABI NI NELO,
NABIGLA SILANG LAHAT.

Britanny: Excuse me, don't shout at me! Bakit parang mas affected ka pa sa sinabi ko kesa kay Myla ha?

NATIGILAN SI NELO.

Jewel: Tama na nga! Alam niyo Britanny, Courtney tigilan niyo na si Myla okay? Dahil kapag nagpatuloy kayo sa pangbu-bully sa kanya isususmbong na namin kayo sa Dean!

Courtney: Ganyan naman kayo eh, mga sumbungera! Bakit ba kinakampihan niyo pa si Myla sa kabila ng ginawa niyang panloloko sa inyo? Kaibigan pa rin ang turing niyo sa kanya? May kaibigan bang manloloko?

Britanny: Kung ako sa inyo, iwasan niyo na 'yang si Myla dahil I'm sure sasamantalahin lang niya kayo! Specially you Jewel and Lyne. Okay lang kung si Nelo kasi pareho naman silang poor diba?

Myla: Ano ba talagang kasalanan ko sa'yo Britanny? Bakit ba mula pa nung umpisa inis ka na sa akin? Nung birthday party mo, akala mo ba hindi ko malalaman na pakana mo ang mga nangyari sa akin dun?

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATEWhere stories live. Discover now