Chapter 13 (Invitation)

3 0 0
                                    

Huwag Kang Susuko
Chapter 13
"Invitation"

*EVANGELISTA'S HOUSE*

KAUSAP NI LILIBETH SI DAISY HABANG MAY SINASAGUTAN ITONG FORM.

Daisy: Ito na ang simula ng pag asenso ng pamilya niyo Lilibeth! Naku promise, magandang investment ito!

Lilibeth: Uy Daisy, sigurado ka dito ha? Kasi ipapasok ko ang lahat bg ipon namin ni Rafael dito.

Daisy: Oo naman. Sure na sure ito! Next month lang may matatanggap ka na agad na pay out at within 3 months bawi mo na agad ang ininvest mo pero may matatanggap ka pa rin monthly! Tuloy-tuloy 'yun! Isang taon na ako dito at never pang pumalya ang monthly income ko! Bawing bawi na talaga ang investment ko! Kaya nagdagdag pa ako ulit ng account at naka lock in yun ng isang taon! Alam mo ba kung magkano ang makukuha ko after 1 year?

Lilibeth: Magkano?

Daisy: 3 Million Pesos! Akalain mo, 200,000 lang ang ininvest ko tapos magiging 3 million na in 1 year lang!

Lilibeth: Naku, mukhang maganda nga yan Daisy.

Daisy: Maganda talaga! Ito na talaga ang sagot sa kahirapan! Oh okay na ba itong form, may pirma mo na?

Lilibeth: Oo, okay na. O eto na (inabot kay Daisy ang sobre na may lamang 100,000 pesos). Bilangin mo nalang.

Daisy: Sige. Excited na talaga ako Lilibeth! Hinding hindi mo pagsisisihan ito! Sigurado akong yayaman tayo dito!

Lilibeth: Sana nga. Wala na kasi akong ibang maisip na paraan para mapalago ang pera namin eh.

Daisy: Eto na talaga ang sagot Lilibeth! Oh paano, mauna na ako ah? Para maabutan ko pang bukas ang opisina at maipasok ko na ito. Ibibigay ko na lang sa'yo 'yung acknowledgment receipt.

Lilibeth: Oh sige, mag iingat ka ha?

Daisy: Okay. Salamat!

UMALIS NA SI DAISY.
•••••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY*

KAUSAP NINA BRITANNY AT ELLE SI COURTNEY.

Britanny: Welcome back to school, Courtney!

Courtney: Thanks!

Britanny: I'm sorry pala ah? Kasi na suspend ka because of me.

Courtney: It's okay. It's my fault naman eh.

Britanny: No, kasalanan ito nung nag send ng video kay Dean Fernandez!

NAMUTLA SI ELLE..

Courtney: Kalimutan na natin 'yun. Anyway, is it true? Yung post mo sa social media account mo na nanakawan kayo?

Britanny: Yeah! Ang scary nga eh kaya ayun nagpadagdag si Lola ng security sa bahay.

Elle: Grabe nga eh, ang daming nawalang alahas at pera ni Lola. Hindi nga ako nakatulog kagabi sa takot.

Courtney: Well sana mahuli na 'yung nagnakaw sa house niyo. Anyway, may klase na ako magkita nalang tayo later bye!

*NAG BESO BESO NILA*
•••••••••••••••••••
*SA PARK NG GABNER UNIVERSITY*

MAGKAKAUSAP SINA MYLA, LYNE AT JEWEL.

Jewel: Bakit kaya hindi ko nakikita si Nelo? Pumasok kaya siya?

Myla: Oo nga, dati rati ang aga aga niyang pumasok ah?

Lyne: Sandali, tatawagan ko siya.

KINONTAK NI LYNE SI NELO PERO HINDI ITO SUMASAGOT.

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATEWhere stories live. Discover now