Chapter 11 (Nelo's Father)

3 0 0
                                    

Huwag Kang Susuko
Chapter 11
"Nelo's Father"

MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO.

SUNDAY.

KAKATAPOS LANG MAG SIMBA NG PAMILYA CLEDERA.

NASA SEMENTERYO SILA NGAYON UPANG DALAWIN ANG PUNTOD NG NAMAYAPANG ASAWA NI JOAQUIN NA SI MARTHA.

Joaquin: Martha, happy birthday in heaven. Kahit wala ka na, hindi ka pa rin namin nakakalimutan. Alam ko na masaya ka na diyan at mapayapa.

Elle: Mommy, Happy birthday po. Nami-miss na po kita pero okay lang po kasi mula nung mawala ka, nagkaroon naman po ako ng bagong mommy, si Mommy Kelly. Mahal po niya ako na parang tunay niyang anak. Kami ni Britanny.

Kelly: That's so sweet of you Elle. Martha, sis, I know mahal na mahal mo si Joaquin kaya ipinangako ko sa'yo nung bago ka mamatay diba, sabi mo sa akin alagaan ko ang pamilya mo kaya ginawa ko. Hindi ko lang sila inalagaan, minahal ko pa sila ng kagaya ng pagmamahal mo sa kanila.

Britanny: Tita Martha, Happy birthday po. I love you so much.

Pilar: Joaquin, Kelly, mga apo, tayo na sa Mall at mag shopping na tayo. I'm sure matatagalan tayo doon kaya we need to go now para mas marami tayong time.

Joaquin: Oo nga (tumingin sa kanyang relo) It's almost 11am. Mag lunch na muna tayo bago mag shopping.

Kelly: Mabuti pa nga, medyo nagugutom na rin kasi ako eh. Let's go girls (hinawakan niya sina Elle at Britanny).
••••••••••••••••••••••••••
*EVANGELISTA'S HOUSE*

KAKAUWI LANG NILANG BUONG PAMILYA GALING SIMBAHAN.
BUMILI LANG SILA NG PAGKAIN SA LABAS UPANG PAGSALUHAN NGAYONG TANGHALIAN.

HABANG NAGHAHANDA NG HAPAG SI LILIBETH AY NAKARAMDAM SIYA NG PAGKALULA KAYA NAPAHAWAK SIYA SA UPUAN.

NAKITA SIYA NI RAFAEL AT NAG ALALA ITO.

Rafael: Lilibeth? Ayos ka lang ba? Anong pakiramdam mo?

Lilibeth: Para kasing nalula ako eh.

Rafael: Maupo ka muna.

NAUPO SI LILIBETH AT BINIGYAN NIYA ITO NG TUBIG.

Rafael: Uminom ka muna ng tubig.

BUMABA SI MYLA MULA SA HAGDAN AT NAKITA NIYANG NAG AALALA ANG AMA.

Myla: Ano pong nangyari?

LUMAPIT SI MYLA SA INA.

Myla: Nay, bakit po?

Lilibeth: Wala ito anak, nalula lang ako. Siguro dahil sa init sa labas.

Myla: Po? Sigurado po ba kayo? Baka kung ano na po 'yan ah? Pumunta na po kaya tayo sa doktor?

Rafael: Oo nga, ihahanda ko lang yung taxi.

Lilibeth: Hindi na. Ano ba kayong mag ama? Ayos lang ako. Nalula lang ako pero okay na ako. Nakahanda na ang hapag, kumain na tayo.

Rafael: Sigurado ka bang ayos ka lang?

Lilibeth: Oo, ayos lang ako.

Myla: Basta Nay, kapag may nararamdaman ka po sabihin mo po agad sa amin ni Tatay ah?

Lilibeth: Sige. Kumain na tayo.
••••••••••••••••••••••••••
*MORALES MANSION*

ABALA SA PAG DIDILIG NG HALAMAN SI MANANG CONCHITA.

LUMAPIT SA KANYA ANG KANYANG AMO NA SI NESTOR.

Nestor: Manang Conchita...

Manang Conchita: Sir Nestor, dumating na po pala kayo? Hindi naman po kayo nagsabi agad edi sana po eh nakapag handa po kami ng paborito ninyong pagkain.

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATEWhere stories live. Discover now