Chapter 17 (Joaquin's First Love)

1 0 0
                                    

Huwag Kang Susuko
Chapter 17
"Joaquin's First Love"

*GABNER UNIVERSITY*

NAGKUKUMPULAN AT NAG UUSAP-USAP ANG MGA ESTUDYANTE AT TILA MAY BINABASA SA KANILANG MGA CELLPHONES.

"Totoo kaya 'yun?"
"Grabe, bakit naman kailangan pa niyang magpanggap?"
"Fake Princess naman pala siya!"

NAPADAAN NAMAN SINA MYLA AT JEWEL.
PINAGTITINGINAN SILA NG MGA ESTUDYANTE. NAGTATAKA SILA.

Jewel: Anong meron? Bakit nila tayo pinagtitinginan?

Myla: Ewan ko.

BIGLANG DUMATING SINA NELO AT LYNE.

Lyne: Myla!

Myla: Oh Lyne, Nelo bakit parang nagmamadali kayo?

Nelo: May kumakalat na tsismis tungkol sa'yo sa page ng Gabner!

NATIGILAN SI MYLA.
•••••••••••••••••••
SA ISANG BUILDING LUMABAS SI LILIBETH AT TILA MASAYA ITO.
NAG RING ANG PHONE NIYA, SI RAFAEL ANG TUMATAWAG.

Lilibeth: (Sinagot) Hello, Mahal?

Rafael: (Kabilang linya) Mahal, nasaan ka na?

Lilibeth: Kakatapos ko lang maghatid ng mga order na ulam eh. Alam mo Mahal, nagustuhan talaga nila 'yung luto ko kaya nag order sila ng madami! Ang sabi pa nila, lagi na daw silang oorder ng ulam sa akin! Kinuha nga nila yung contact number ko eh.

Rafael: Mabuti naman kung ganun. Maganda din pala 'yung naisip ni Myla na i-post mo online 'yung mga tinda mong ulam eh.

Lilibeth: Oo nga eh. Ikaw nasa bahay ka na ba?

Rafael: Oo, hinihintay nga kita para sabay na tayong mananghalian eh para makapasada na ulit ako.

Lilibeth: O sige, pauwi na ako. Tatawid nalang ako para makasakay na ako ng Jeep.

Rafael: Okay sige. Ingat ka Mahal ah? I love you.

Lilibeth: (Ngumiti) I love you too, Mahal.

*END CALL*

HABANG PATAWID SI LILIBETH AY BIGLANG MAY DUMAANG KOTSE AT MUNTIKAN NA SIYANG MABANGGA. MABUTI AT NAKAHINTO AGAD ANG DRIVER NITO.

Lilibeth: Ayyyy!!! (Hinampas ang hood ng kotse) ANO BA??? HINDI MO BA NAKITA NA MAY TATAWID?

BUMABA ANG DRIVER NG KOTSE—SI AGUSTIN.

Agustin: Naku pasensiya na po kayo Ma'am.

Lilibeth: Anong pasensiya? Paano kung nabangga mo ako ha? Hindi ka kasi nag iingat eh!

Agustin: Eh ma'am bigla bigla kasi kayong tumatawid eh.

Lilibeth: So kasalanan ko pa ngayon ha? Hindi mo ba nakikita na pedestrian crossing ito ha? Dapat tinitignan mo kung may tatawid o wala!

BUMABA NAMAN SI JOAQUIN.

Joaquin: Ah Miss pagpasensiyahan mo nalang sana itong driver ko—

KAPWA SILA NATIGILAN NANG MAKITA ANG MUKHA NG ISA'T-ISA.

Joaquin: Lilibeth?

NATULALA SI LILIBETH.
•••••••••••••••••••
*SA PARK NG GABNER*

KAUSAP NI MYLA SINA NELO, LYNE AT JEWEL.

Jewel: Grabe naman 'yung nag post nito! Hindi nakakatuwa ah?

Lyne: Sinabi mo pa. Bakit ba nila sinisiraan si Myla?

Nelo: Siguradong naiinggit lang ang kung sino man ang gumawa nito.

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATEWhere stories live. Discover now