MUSIC IS MY HOME

0 0 0
                                    

" Hoy babae! Ano nagpapatugtog ka na naman kagabi! Nagagalit na sila aling nena dahil sa lakas ng sounds mo!" Sigaw na naman ni mama ke aga-aga nagiingay na naman sya.

"Paki-sabi kay Aling Nena pasensya na kamo hindi ako makatulog sa gabi ng walang sounds." Malumanay na sagot ko bago ayusin ang pinag-higaan at ginawa ang morning routine ko.

"Alis na kami,mag-lock ka ng bahay mamaya ha 2 linggo kaming mawawala mag-iingat ka! I Love You!" Pag-papaalam nila mama at papa kasama yung dalawang nakakabata kong kapatid.

Kagaya ng dati mag-isa na naman ako,wala na naman akong ibang kasama kundi ang sarili ko, ni-wala nga akong maka-usap bukod sa sarili ko dahil hindi din ako pala kaibigan na tao kaya wala akong ibang ginawa kundi mag-patugtog buong maghapon at magdamang. Musika lang ang Tahanan ko,musika lang ang nakakapagpawala ng lungkot ko.

Habang naglalakad pauwi galing sa school ay may nakasalubong akong isang lalaki.

"Ay,sorry miss hindi ko sinasasya." Usal nya at yumuko upang tulungan ako sa pagdampot ng wallet at mobile phone ko.

"No,stop. It's okay you don't need to help me." Malamig na tugon ko at tinabig ang kamay nya hindi ako lumpo para tulungan pa ng iba.

"Oh,sorry."  Pag-papaumanhin nyang muli ngunit tinalikuran ko na sya at umuwi.

Nakatanggap ako ng ilang message galing sa mga schoolmates ko na hindi ko naman mga kilala.

"Hoy bat mo inisnob si JM akala mo kung sino kang maganda."
"Grabe ka,tutulungan ka na nga ni JM tas ginanon mo pa."
"Oh gosh,you're so sensitive talaga JM wants to help yung but you just rejected at you make tabig-tabig pa to his hand." Iilan lamang yan sa mga natanggap kong mensahe galing sa mga ka-eskwela ko.

Tama sila,sensitive ako anti-social ako pero masisi ba nila ako kung mahirap para saakin na magtiwala sa ibang tao. Wala akong ibang pinagkakatiwalaan maski magulang ko o sarili ko hindi ko kayang pagkatiwalaan. Nagtitiwala ako hindi sa tao kundi sa musika. Musika lang ang mapagkakatiwalaan ko sa mapanghusgang mundo.

"Can I court you?" Tanong ng aking panliligaw, siguro likas na para sa ibang babae ang may manliligaw ngunit saakin ay hindi.

"No,you can't. Go find someone who's much better and deserving than me. I don't want to lie and hurt someone. Magsisinungaling ako sa sarili ko kung sasabihin kong yes,dahil maski sa sarili ko ay hindi ko kayang mahalin. Hindi ako maaring magmahal ng ibang tao hangga't hindi ko pa alam kung paano mahalin ang sarili ko." Pag tatapos ko ng usapan sa aking manliligaw hindi dahil sa hindi ko kayang magmahal ng iba ngunit hindi ko alam kung paano ko mamahalin ang iba. Dahil sa dami ng aking iniisip ay pinili kong magpatugtog muli ng musika. Musika tama,musika ang una't huli kong pag-ibig hindi ko alam kung pano mahalin ang iba at sarili ko ngunit sa musika sigurado akong hindi ako iiwan at sasaktan nito. Music is the real definition of true love.

"ASHLEY!" Masiglang pagtawag ng aking guro sa pangalan ko kaya agad akong tumingin dito.

"Sasali ka ba sa singing contest? Ikaw lang ang panlaban ng section natin." Nakangiting wika ng aking guro ngunit sa aking pag-iling ay syang paglaho ng kanyang ngiti.

"Bakit? Maganda ang boses mo ikaw ang pambato natin." Pangungumbinsi nyang muli pero sa ang sagot ko ay nanatiling hindi.

"Hindi ko kayang humarap sa madaming tao , dahil natatakot ako. Wala rin po akong tiwala sa sariling kakayanan ko kaya sana'y respetuhin nyo ang naging desisyon ko." Seryoso kong saad at tumahimik ng muli at nakinig sa iba pang lektura ng aming guro sa musika. Hindi dahil sa ayaw kong ilabas ang talento ko bagkus ay natatakot ako sa magiging resulta nito sa harap ng madaming tao natatakot ako na hindi nila magustuhan ang boses at talento na meron ako.Habang naglalakad pauwi ay nakikinig akong muli sa musika,musika lamang ang nakakaintindi saaking nararamdaman dahil musika lamang ang nakakaalam ng tunay kong nararamdaman.

Naglalakad na ako palabas ng school ng biglang may humarang saakin. Si Jan,ang kilalang volleyball player ng school.

"Bakit?" Takang tanong nya saakin.

"Anong bakit?" Tanong ko pabalik.

"Why do you love music so much?" Tanong nya habang nakatingin sa phone kong nakabukas pala at nakikita ang wallpaper na "Music is my Home".

"Because it's the only thing that stays when everything and everyone is gone." Maikli at simple kong sagot kung saan maiintindihan nya kaagad.

"Eh bakit hindi mo tinanggap ang alok ng guro natin kung mahal mo ang musika?" Tanong nya kaya napasinghap na lamang ako sa hangin.

"Simple lang dahil hindi ko kaya. Mahal ko ang musika ngunit hindi ko kayang ipakita sa madla ang  kakayahan ko. Hindi ako confident na ipakita sa madla na kaya ko na may talento ako. Ang musika para saakin ay tahanan,kasiyahan,pag-ibig at ang nag-iisang bagay na kaya akong intindihin na hindi kayang gawin ng isang simpleng tao. Kaya sana at respetuhin nyo ang desisyon ko kagaya ng pagrespeto ko sa desisyon at kakayahan nyo." Pagtatapos ko at tinalikuran siya at naglakad na pauwi. Musika ang kasiyahan ko kaya hanggang't maari ay itatago ko ito sa mundo. Musika lang ang pahinga ko sa nakakapagod na mundo.







-----------------------

Musika ang Tahanan ko sa mapanghusgang mundo
Musika ang nagsisilbing pahinga ko sa mapanirang mundo,
Musika ang nagsisilbing kulay sa madilim kong mundo,
Musika lamang ang Kasiyahan at lakas ko kahit pagod at ubos na ako.


Home is not only a simple word that called tahanan. It's where people rest and relax it can be a person,a thing or even music. We just need to respect everyone's own perspective. For some people Music is their own Home. Music are their own comfort zone. For them everything is all about music. Music is an art that they called a masterpiece. Music is the only thing that they're thankful because it exist. Music are the only thing that can understand them.

Life is short,art is forever.
-RM (BTS)

Life is short,music is forever.
-MUSICLOVER

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Poison Of My Own Imagination (one shot compilation)Where stories live. Discover now