Unfair Destiny

0 0 0
                                    

ma,ayoko na mag module." Nahihiyang pag-kukuwento ko kay mama,kasalukuyan kami ngayong nasa sala at nakahiga ako sa mga hita nya.

"mag-quit kana anak,alam kong nahihirapan kana",nakangiti at comforting na sabi sakin ni mama.

"Yung mga modules na nabasa pwede naman patuyin sa araw tsaka nyo plantyahin"

Saad ni Secretary Briones sa balita,ayoko na pagod na ako mag-aral akala ba nya madali? lahat ng outputs ko nabasa ano pang magagawa ko.

"ma,sandali lang ha,ichachat ko si sir Atienza para sabihin na hindi ako makakapag pasa." malungkot kong sinabi kay mama. Pumasok na ako sa loob ng kwarto para ma-ichat si Sir.

'Good Morning po Sir,sorry po kung hindi ako makakapag-pasa this week,lahat po kasi ng outputs ko nabasa sana po maintindihan nyo ako.' isa kami sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses pero hindi namin yon iniinda at patuloy lang kaming lumalaban.

'WHAT? ISA KA PA! HINDI KA DIN BA MAG-PAPASA? PURO TUNGKOL SA BAGYO ANG IDINADAHILAN NYO,ANG SABIHIN NYO MGA TAMAD KAYO! TAMAD KA BILANG ESTUDYANTE ISA KA PA SA MGA PARIWARANG ESTUDYANTE!WALA NA BAGSAK KA NA PARA SA TAONG ITO MS.SANGRIA!

What? Tamad? Hindi ba't dapat silang mga teachers ang unang maka-unawa sa mga estudyante kagaya ko? na nabasa ang mga outputs kaya hindi makakapag pasa. Secretary Briones hindi ba't sabi ng ating pangulo ay dapat laktawan muna natin ang taon na ito ngunit ang sabi mo ay may modular at online classes nalamang? sa inyong palagay po ba ay maari naming gawin ang sinasabi nyo sa mga nabasang modules ay pwede namang ibilad sa araw at plantyahin ano pa po ang aming mababasa kung ang tinta ng libro ay mawawala?

Ang Unfair naman po tadhana po ba naming mga estudyante ang maghirap ng ganito? Academic Freez po ang aming daing,hindi ba't sabi ni Dr.Jose Rizal ay kabataan ang pag-asa sa bayan? ngunit bakit ngayon ay kayong mga nasa taas ang humahatak saaming mga kabataan? Paano pa namin gagawin ang aming tungkulin kung sakit sa pag-aaral lamang ang ibibigay ninyo saamin.

Academic Freez what we want,
Academic Freez that goverment can gave us!

Poison Of My Own Imagination (one shot compilation)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora