Huling Pagkakataon (Poem)

0 0 0
                                    


Ang Tulang ito ay iniaalay ko sa mga taong hiniling na mamaalam dahil lubusan ng nasasaktan sa bundong kanilang nasilayan.



Para sa huling pagkakataon,nais kong sambitin ang aking mga saloobin.
Nais kong isan-tinig ang aking lihim na pagtingin.
Ikaw'y tila nagbigay sakin kaligayahan sa kakaunting panahon.
Nag mistulang mga makikinang na tala na nagliliwanag sa madilim at malamig na panahon.



Sa iyong pamamaalam nais kong iyong malaman na puso ko'y ikaw lamang ang tanging nilalaman.
Masakit man saakin na ako'y iyo namang iwan,ngunit tila mapaglaro ang napili nating tadhana.
Ngunit kung ako'y muling pagbibigyan,sa huling pagkakataon nais kong maramdaman mga yakap mo't hagkan.
Bago ka man lang mamaalam sa mundong ating sabay na nasilayan,nais kong iyong malaman na ikaw lang ang aking tanging minamahal.


Sa Huling Pagkakataon,ikaw ay aking muling nakausap.
Nasilayan kong muli ang iyong mga matang nangungusap.
Mga labi mong mapupula na natinging ngiti lang ang dala-dala.
Matatangos mong ilong na lalong nagbibigay sa'yo ng ganda.


Sa paglakad mo papalapit samin,mga luha sa iyong mga mata ay tila hindi natitigil.
Sa huling pagkakataon,kami ay iyong nakausap.
Mga huling habulin samin ay iyong nasambit din.
Kadahilanan kung bakit sa mundo'y ikaw ay namaalam.


"Mga mahal ko,nais kong patawarin nyo ko,kung hindi ko nakayanan ang sakit na ito. Sa rami-dami ng tao sa mundo,ako. Ako ang taong natamaan ng sakit sa puso. Hindi ko nakayanan ang sakit at pangungutya sa mundong ibabaw. Ako na ngayon ay namamalam,kaligayahan sana inyo'y muli ng matagpuan."


Iyong huling habilin ay nasambit din,ikaw ay tuluyan ng mamaalam.
Dito sa mundo'y Hindi ka na muli pang mahihirapan.
Salamat sa Huling pagkakataon na ikaw ay muling nasilayan.
Ikaw na ngayon ay makakapagpahinga na ng tuluyan.




WAKAS.

Poison Of My Own Imagination (one shot compilation)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora