4 - Dalawang Puso

10 1 0
                                    

Kasalukuyang panahon

Ang mapagmatyag ay kukuha ng isa pang pares ng tainga ngayong araw upang makatulong sa pagtrack ng pamilyang Niel.

Nag-aantay siyang buksan ni Line ang link na sinend niya kung saan awtomatikong madadownload ang virus na ginawa niya. Kapag nangyari ito'y pupunta sa kaniyang computer ang anumang masagap ng mic at speaker nito.

Habag nagdrive ang dalaga'y naramdaman niya ang pagvibrate ng cellphone sa kaniyang bulsa. Ininda niya lamang ito; hindi siya pwedeng madistract lalo na't baguhan pa lamang siya sa pagddrive.

Ang mapayapang tanawin ng kalikasan kanina ay ngayo'y mapayapang tanawin ng mga istraktura. Sarado ang lahat ng ito at may kakainting basurang iwinawalis ng hangin.

Muntikang mamusmos ang kanilang mga mukha nang magpreno si Line ng biglaan. May isang itim na pusa na tumalon sa kanilang daanan.

Lahat silang kabado, hindi lang sa pagkabigla ng preno, kundi sa maaaring sinisimbolo ng pusang ito.

'Di naman totoo 'yon.

Tumitig nang saglit ang pusa sa gawi ni Line, tila bang kita siya nito kahit na tinted ang salamin.

Nang maglakad ito paalis ay dahan-dahang nagmaneho muli ang dalaga. Nang magmasid muli siya sa paligid ay nakita niya ang nakasulat sa itaas ng mga saradong building.

Polangui

Panibagong lugar, panibagong checkpoint.

Matapos ang isang kilometro papasok sa Polangui ay may nakita na silang kainan. Isa, naging dalawa, tatlo, apat. Siguro'y ang mga paninda sa mga naunang building ay walang kinalaman sa basic needs.

Gustong mag-aya ni Line na kumain ngunit nag-antay lamang siya. Kahit kaila'y hindi niya gustong nauunang magsalita. Kaya napapagalitan siya minsan sa bahay dahil kapag may pinapagawa sa kaniya ang ina, ginagawa niya ito nang walang imik. Minsa'y akala niyang hindi pa ito ginagawa, minsan rin ay akala niyang galit ito. Hindi naman siya nagdadabog.

Narinig ni Line ang tunog ng mga susi na nakakabit sa pitaka ng ina. "Kumain muna tayo," saad ni Lean.

Ipinarada ni Line ang kotse sa tabi ng isang "Fudtrip." Bricks ang disenyo ng dingding nito mula sa labas. Sana'y wala silang alam patungkol sa pagtakas ng tatlo.

Lumabas ang dalawa sa kotse at pumasok sa tapsilogan. Ibinaba naman ni Line ang kaniyang mask. Tiningnan niya sa rearview mirror ang sugat niya sa pisngi. Kumuha siya ng gapas at alcohol mula sa kaniyang bag, saka pinunasan ang sugat. Napapapikit siya at napapakagat kahit sa kaunting hapdi dulot ng alcohol.

Hindi siya marunong kung paano aasikasuhin ang sugat dahil bihira naman siya magkaroon nito.

Nang matapos ay inangat niya muli ang mask at lumabas ng kotse para kumain. Ngayon, sa halip na isang itim na pusa, isang gintong pusa ang nakadisplay sa bintana ng kainan at iwinawagayway ang kamay na tila iniimbitahan siya.

***

BA Fine Arts 1 - A

Josh
Guys, kilala niyo si Jeafa Werch?

John
Hala, oo! Ang ganda niya hanep.

Walang ibang nagbibigay liwanag sa kwarto niya kundi ang hawak na cellphone. Nakabukas ang group chat ng block nila at nagbabasa siya ng biglaang usapan ng dalawang lalakeng kamag-aral.

Mula sa ilaw ng cellphone ay kuminang ang isang silver na hikaw nito sa kanang tainga. Sinuklay niya ng kamay ang buhok paitaas at nakita ang mapusyaw na kulay kapeng balintataw ng kaniyang mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WFH-2273Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon