2 - Dalawang Libro

8 1 0
                                    

Kasalukuyang panahon

Bugtong bugtong,
Nakatago sa kayumangging karton,
Mugtong mugtong
Mga matang kung buksa'y mawalang layon

Isang babae ang nagsusulat sa puting kwaderno. Singputi pa nito ang kaniyang bestida kaya't mistulang nagliliwanag siya kung titingnan sa kamera. Inayos ng photographer ang ilang settings nito dahilan ng mabilisang paglabo at saka naging mas malinaw kesa naunang pokus.

Tumingin ang babae sa kamera at ngumiti, "Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay."

Eksatong segundo matapos niya magsalita ay kinunan siya ng litrato hudyat ng pagflash nito at ng mga dagdag na lighting equipments sa studio. Sumunod ang ilang mahinang tawa ng ilang staff. "Masanay ka na Miss Jeafa. Sa kachesahan mo ba naman kasi," saad ng isa. Sa kanilang isip ay buong-buo ang imahe ng dalaga bilang isang napakabait na nilalang; isang nagbabalat-kayong anghel. Mapa mukha, ugali, at kilos ma'y mahinhin at maganda ito. Bukod sa pagkaanghel ay madalas din siyang ikumpara kay Laura sa Florante at Laura.

Alam ng lahat na may gusto ang model na si Jeafa sa kaklase nito sa BA Fine Arts, at walang pag-aalangang iniisip nila na gusto rin siya nito na para bang lahat ng lalake sa mundo ay may gusto sa kaniya. Ngunit tulad kay Florante ay itinali ang lalake ng kaniyang pangarap sa puno ng paaralan, samantalang ang kaniyang Laura ay hinirang na reyna ng mga magazine na nadadaragdagan bawat araw.

Ibinalik ni Jeafa ang atensyon sa kwaderno. Ito ang kaniyang sinusulatan anuman ang pumasok sa isip na hindi maisabi sa kahit na sino. Kung anong liwanag ang kinasisilawan ng mga taong nakapaligid sa kaniya'y iyon din ang kinaitim ng mga salitang naititinta rito.

Bugtong bugtong,
Kung mabasag ay tutunog nang lagom,
Dugong dugong
Dadaloy, tutulo, tila umaambon-

"Miss Jeafa, lunch ka na po," tawag ng isa pang staff. Nagpasalamat ito sa iba pang staff at nangimbita na rin magtanghalian.

Tumayo si Jeafa at iniwan ang notebook sa upuan. Kampante siyang walang gagalaw nito sapagkat ang alam ng lahat ay isang prop lang ito para sa modeling. Kung may magbubukas man ay hindi nila ito makikita dahil hindi siya nagsulat sa mga naunang pahina. Sa ganoong paraa'y kunwaring walang laman ang kwaderno.

Sa halip na lumabas ng studio at kumain sa kaniyang sariling silid sa building kasama ang personal assistant, nagmamadaling naglakad si Jeafa papunta sa women's comfort room. Lumingon siya pakaliwa't kanan at nakinig nang maigi kung may ibang babae bang nasa palikuran. Nang katahimikan lamang ang sumalubong ay inilock niya ang pinto saka humarap sa salamin. Binuksan niya ang dalang malaking purse at inilabas ang isang silk pouch na puno ng gamot.

***

Malakas na mga tahol ang sumalubong sa itim na kotseng tahimik na lumulusot sa subdivision. Kada bahay ay may mga asong nakakabit sa kanilang puno o nakakulong sa likod ng bakod. May ilang bintana na nagbukas ng kurtina at silipin kung sino ang mga estrangherong dumalaw sa bayan - sa kalagitnaan ng lockdown. Sa madaling sabi, sabik silang malaman kung sino ang mga lumabag sa bagong polisiya.

Kampante si Lean Niel na hindi sila maaaninag mula sa labas dahil sa tinted na salamin ng sasakyan. Lumingon siya sa dalawang anak na may bakas ng pag-aalala at pangamba. Tama ba ang naging desisyon niya? Na ilagay sa alanganin ang dalawa para sa isa?

Nang malampasan ang galit na mga aso at mapagmatyag na mga may-bahay ay lumusot sila sa isang malaking arko na may magkabilang ukit na "Dagos po!"

Sa paglabas nila sa taytay ng mga bahay ay papasok naman sila sa sususnod na mamamagtyag. Ngunit hindi tulad ng katatapos lamang, ang susunod na audience ay hindi mapanghusga.

WFH-2273Where stories live. Discover now