Maiksi ang buhok niyang hanggang leeg at saka maputi ito, mukhang Chinese. Nang mabuksan niya ang pinto ay talaga namang napahawak pa siya sa magkabila niyang pisnge at oa na suminghap.




"Oh my goodness!" Matinis niyang sigaw kaya napangiwi pa'ko ng tumalon talon pa siya at hindi makapaniwalang nakatingin sakin.


"Sheeeet!"


"May sunog ba?! May sunog?!"


"Asan itech!? Asan ang magnanakaw!?"


"Shuta! Ano bang nangyari?!"




Hindi ko maiwasang mapanganga ng lumabas ang dalawang lalaki at isa pang babae sa bahay. Ang unang lumabas na lalaki ay matangkad at medyo payat sumunod ang isang lalaki rin na matangkad at kamukha nong nauna pero naka kulay pink pa ito na roba. Habang ang huling babaeng lumabas naman ay naka jersey na short at t shirt na plain white, naka cap rin siya na pabaliktad ang suot.




Lumapit silang tatlo sa babaeng maliit na panay parin ang tili na parang inasinan na bulate.




"Hoy bakla! Anong nangyari?!" Tanong nong naka pink na roba. Tumango rin ang mga kasama nito at talagang interesado kung bakit nga ba nagsisigaw ang babaeng maliit.




Ngumisi naman ang babaeng maliit at tinuro ako na animo'y kinikilig. Kaya napatingin rin sakin ang tatlo. Kanya kanya rin sila ng react.




Ang unang lalaki ay napanganga ng makita ako.




Ang lalaking naka pink robe naman ay eksaheradang napatakip ng bibig. Habang ang babae naman ay nanlaki ang mga mata at butas ng ilong.




"Kyaaah! Ang ganda ganda niya!"


Nang sumigaw ang babaeng maliit ay parang don lang natauhan ang tatlo. Dali dali naman silang lumapit sa pwesto ko at ngumiti.




"Hi miss byutipol, I'm Ken."


"Ola sis! I'm Kenneth, but you can call me Kenny!"


"Kristine nga pala ganda, pero Tin nalang itawag mo sakin."




Akward naman akong ngumiti at tumango. Lahat sila ay nakatingin sakin na para bang ngayon lang sila nakakakita ng ganito kaganda na nilalang.




'Di ko sila masisi, ganitong mukha ba naman ang makikita nila talagang mapapatulala ka. Hayst... hirap maging maganda.




"Nice to meet you all, I'm Andrea but you can call me Andy." Taray! Spokening dollar ako don ah!




At matapos ang mahabang kamayan ay pinapasok narin nila ako sa wakas. Sumakit rin ng very slight yung paa ko kakatayo kanina sa labas pero keri naman na ngayon.




Inihatid narin ako ni Kie sa magiging kwarto ko para narin maka pagpahinga. Siya yung nagbukas ng gate sakin kanina na kun g makatili akala mo kakatayin na baboy, pero cbute naman siya at halatang magiliw na babae.




"So here's your room pretty!" Binuksan niya ang kulay purple na pinto na saktong peyboret color ko.




Nang buksan ni Kie ang pinto ay talagang napa wow ako dahil sa ganda. Talagang mas doble ang laki niya kesa sa dati kong kwarto samin.




Enemies InloveWhere stories live. Discover now