Hindi na ko makapag-isip kaya naman kahit alam kong walang makakarinig, sumigaw pa rin ako. I put all of my strength on that one scream until I felt him clutching my hair.

"Masunurin ka pala. Let's have a deal, then." mas hinigpitan pa nito ang hatak sa buhok ko, matatanggal na ata ang anit ko!

I can't cry. I shouldn't be. It's a weakness, I need to think of a way to escape. I need to control my movements.

But I knew that it's too late to escape when I already saw the syringe swiftly getting near me. I closed ny eyes tightly, baring for the incoming pain.

Yet nothing happens. Ang narinig ko na lang ay may bumagsak. Pagdilat ko ay nakahiga na sa sahig 'yung lalaki, duguan pa ang labi.

Napatingin ako sa taong nakatayo malapit sa amin at hindi ko alam kung lumuwag ang paghinga ko o mas bumilis lang ang tibok ng puso ko.

Hindi na maalis ang tingin ko kay Arius habang seryoso siyang nakatingin sa lalaking walang malay.

Napahawak tuloy ako sa tiyan ko nang maramdaman ko na ang sakit doon. Pinilit ko na tumayo pero napaupo ulit ako nang makita kong sinipa niya pa ang tiyan ng lalaki. Twice, then thrice.

He then squat in front of him and even slapped his face. "Yan, bukas pa magigising 'to."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago kinontrol ang mabibilis na tibok ng puso ko.

"Ano? Okay ka pa?" tanong niya pa sa akin kaya napailing na lang ako. Hindi ko na alam kung seryoso pa siya.

"What the hell was that?" Napangiwi ako nang sinubukan kong tumayo. "Anong ginawa mo sa kaniya? Is he dead?"

"Dead?" He snorted, "No, he's just unconcious."

Medyo, nahihilo pa rin ako sa tama ng alak kagabi pero mas masakit pa ata ang natanggap ko kahit na wala namang sugat.

Kung hindi lang nakaratay ang lalaki, nagawa ko na sigurong sipain rin siya katulad ng ginawa ni Arius. Pinaupo ako ni Arius sa upuan habang hinayaan namin na nakahiga lang 'yung lalaki sa sahig.

Hindi ko na nagawang tanungin si Arius kung anong ginawa niya sa lalaki dahil may kinausap ito sa cellphone niya na sa tingin ko ay si Sirius dahil sa paraan ng pakikipag-usap niya.

Tumitig ako sa lalaking hindi pamilyar sa akin. Maputla ang mga balat nito at may maiitim na buhok. Malaki rin ang eyebags.

Napagdesisyonan ko na tignan ang mga bulsa nito. Agad kong nakita ang tatlong syringe doon, may isang laman ng likido katulad ng hawak-hawak niya ngayon.

Nagtataka ako kung anong laman ng likidong 'yon kaya naman binuksan ko at handa na sanang iturok sa lalaki nang marinig ko ang boses ni Arius.

"What are you doing?"

"He planned to inject this to me," I stated.

"And you want to know what's inside by injecting it to him?"

Napangiwi ako dahil alam kong kahit sa anong anggulo, mali ang gagawin ko. Paano kung nakakalason pala 'yung nandoon? Nakapatay ako out of curiosity at hindi dahil sa self-defense.

Kinuha niya sa kamay ko ang mga syringe at pinakatitigan 'yon. Habang pinagmamasdan ko siya, parang ibang bersyon ng Arius ang nakikita ko.

I can't ask him anything because of the unknown aura that he's somehow supressing. Nakakatakot? Hindi ko na magawang itanong pa kung paano siya nakarating rito sa tamang oras.

Iniwas ko naman ang tingin ko nang sumulyap siya sa akin. "What did you do in the bar?" biglang tanong nito.

"Paano mo nalaman na pumunta ako ro'n?"

[3] Under Her ScarsWhere stories live. Discover now