"Mali ka dyan, Xherry. You are there for him. Hindi mo sya iniwan kahit kailan. You stayed beside him at kahit nahihirapan ka ay hindi ka parin nagrereklamo." He said in a very serious tone. Wala akong maisagot sa sinabi nya. Kahit ano pa ang sabihin nila, may parte parin sa akin na sinisisi ko ang sarili ko.

Pagka bukas ay hindi parin ako umalis ng hospital kahit pinipilit na nila akong umuwi dahil nag-aalala silang baka tuluyan na akong mawalan ng lakas. Mabibilang ko lang ang minutong naipipikit ko ang mga mata ko. Inayawan na ng antok ang mata ko dahil na rin sa sobrang takot na baka may mangyari sa mga oras na natutulog. I don't want to close my eyes, not until my husband is awake.

"Baby... it's the last day today... Pag hindi ka pa daw gumising ngayon, idede-clare na nilang comatose ka... Baby, please wake up." I softly whispered to him.

"Pero kung sakaling hindi mo magawang gumising ngayon... Maghihintay parin ako at hindi ako aalis sa tabi mo. I will stay with you no matter what. Hihintayin kita. At pag gising ka na, paulit-ulit kitang hahalikan at magpapasalamat sa taas dahil hindi mo ako iniwan. Kaya please, baby... Gumising ka na." I said almost crying.

Natigil ang kagustuhan kung umiyak ng tumunog ang phone ko. Si Kayla ang tumatawag.

"Hello, best?" Bungad ko sa kanya mula sa kabilang linya.

"Best! Kailangan mong umuwi! Ngayon na!" Ang hinihingal na boses nya ang sumalubong sa akin.

"Ha? Bakit? Anong nangyari dyan? Ang mga bata?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Yon' na nga best. Umiiyak sila ngayon at hindi ko alam kung paano sila papakalmahin! Pati sila tita ay walang magawa!"

Napatayo ako sa sinabi nya. "Ano? Bakit best? May nangyari ba sa kanila?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi namin alam, best! Please umuwi ka na! Hindi namin alam ang gagawin namin sa kanila! Nahihirapan na din silang huminga dahil sa kakaiyak!" Sigaw nya sa kabilang linya.

"Sige, best. Uuwi na ako ngayon din. Tawagan nyo naman si doc para makapunta dyan. Tatawagan ko sila Josh para pumunta muna dito. Walang kasama si Kayden." Naiiyak na nilingon ko ang asawa ko. Ayokong iwan sya pero baka kung ano ang mangyari sa mga anak ko.

"Babalik ako agad, baby. Wait for me, okay? Kailangan lang ako ng mga anak mo. I love you so much." Bulong ko sa kanya at hinalikan ang noo nya.

Mabigat man ang loob ay nagmamadali akong lumabas ng ICU para makauwi agad. Pumara agad ako ng taxi at tinawagan sila Josh para papuntahin sa hospital.

Habang nasa daan ay naisip kung napabayaan ko ang mga bata nitong mga nakaraang araw na hindi ako umalis sa tabi ni Kayden. Kasalanan ko ang nangyayari dahil hindi ko man lang naisip na kailangan din nila ako. Pero kailangan din ako ngayon ng asawa ko. It's hard to hold them both but there's no way that I'm going to let go anyone of them. My family is my true riches. They hold my future.

Bumaba agad ako pagdating na pagdating namin sa tapat ng bahay. Agad akong pinagbuksan ni Kaloy, ang isa sa mga guard namin.

"Dumating na ba si Doc. Montefalco?" Nagmamadaling tanong ko sa kanya.

"Wala pa po ma'am."

Tumango ako agad sa kanya at halos takbuhin ko ang pinto.

Pagpasok na pagpasok ko ay hinanap ko agad sila. Pero nagulat ako dahil tahimik na bahay ang sumalubong sa akin. Inaasahan ko ang iyak ng mga bata ang sasalubong sa akin pero wala akong makitang tao ngayon.

Umakyat ako at binuksan ang mga kwarto pero wala parin sila. Pumunta ako ng garden at pool area pero wala akong nakita kahit sila Wanda at Selia.

Agad akong ginapangan ng kaba at takot. May nangyari na naman ba? Nakidnap ba ang buong pamilya ko ngayon?

When Forever Ends With YouWhere stories live. Discover now