Chapter 6 : The car

Start from the beginning
                                    

"Bakit ka pa nag-bake kung hindi rin naman pala namin kakainin?"

"Para kay Chris yan! Peace offering! Tangek ka talaga!" Sabi niya.

"Eh bakit dito mo niluluto sa bahay ko?" Tanong ko. Wait, bahay ko ba talaga 'to?

"Anong bahay mo?! Wala dito mga damit at gamit mo tapos, bahay mo?"

"Eh—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, sinuksukan ng lollipop ni Sohe yung bunganga ko. Sinimangutan ko si Sohe. Saan nanggaling 'to?

Ngumisi si Bea, "Buti nga sa—"

Sinuksukan din siya ng lollipop ni Sohe. Tatawa sana ako kaso kamuntikan ko nang malunok yung lollipop, kung hindi lang sana sa plastic stick na nakadikit dito malamang nalunok ko na.

"Ang ingay niyong dalawa, para kayong bata," nag buntong hininga siya, "People like you these days should really grow up." Patuloy naman na nag laptop si Sohe.

Nabara kami ni Sohe. If you're going to make us nominate for the most matured award dito sa gang namin, iboboto na namin sina Chris at Sohe.

Inalis ko naman yung lollipop sa bunganga ko. Yuck! Anong flavor nito, ampalaya?

Hinarap ko si Sohe, "Sohe, anong flavor 'to?"

Hindi niya kami nilingon. "Ampalaya." Ew! I was right! Ayoko pa naman ng mga bagay na mapait. I don't like coffee, I don't like vegetables, and I don't like Bea—just kidding. Not.

Pareho namin tinapon yung lollipop. Yuck! Saan ba yun nakukuha ni Sohe?!

"Next time na mag-ingay kayo barf flavor ipapakain ko." What?! May barf flavor pa?! Seriously!

Humarap ako kay Bea, "Lagot ka!"

"Baka gusto mo ulit mabatukan!?" Sigaw naman niya.

"Baka naman gusto niyo pang lagyan yang mga bunganga niyo nang sandamakmak na candy? Ano?" Pagalit na sabi ni Sohe, "Ang ingay niyong dalawa!" Agad naman kaming tumahimik.

Sohe is really scary.

SOHE

Hay sa wakas. Wala nang putak ng putak dito sa kwarto ni Bea. Ang ingay nung dalawa! Nagrelax-relax muna ako dito habang nagta-type. Hindi ko pa nga pala tinetext si Chris about the place na pupuntahan niya.

I dialed Chris' number.

"What?" Hindi man lang nag-hi or hello. Ang sungit talaga.

"Chris, alam mo na ba kung saan ka pupunta mamayang gabi?"

"Saan?"

Binasa ko ang nakasulat dito sa screen. "Sa Padis Point Bar. Few kilometers away lang siya sa Underground City, pero hey, pupunta sila doon mamayang gabi."

"Okay. Sabihin mo kina Bea at Jaz na pumunta kayo ngayon sa bahay ko."

"Okay."

"Bye." Then she ended the phone call.

"Bea, Jaz. Punta daw tayo sa bahay ni Chris ASAP," sabi ko. Tumango lang sila.

We're using Bea's Ferrari 590 gtb fiorano. Si Jaz na ang nag drive, dahil pag pinahawak ni Bianca yung cookies na dala dala niya kay Jaz, baka ubos na pag dating doon sa bahay. Baka nga raw pati yung box, wala na. Bea's words, not mine.

I was busy with my laptop nang biglang may nadetect itong danger, "Jaz, stop the car."

"Ha?" Sabi ni Jaz na patuloy pa rin ang pag-da-drive. Ang lakas kasi ng volume ng pinapatugtog niyang—music pa nga ba ang tawag? There's some screaming, screeching and growling and—I don't even want to think about it.

"I said stop the car! May sumusunod sa ating kotse." Hinarap ko sa kanila yung laptop ko.

"Late naman 'yang laptop mo," aniya.

Nagtaka ako, "Huh?"

"Simula ng umalis pa tayo, sinusundan na tayo niyan. Didn't you notice na paikot-ikot lang ang drive ko?" Nilingon ko yung dinadaanan namin. Well, I don't know. Nakatutok lang naman ako dito sa laptop ko kanina pa. "So what's the plan? Lilituhin ko na ba sila?" Tanong niya.

"Okay." Ngumisi siya at binilisan ang takbo ng kotse. I glanced at the side mirror. They're still catching up.

Ilang liko na ang nagawa ni Jaz pero nakakahanap at nakakahanap pa rin sila ng paraan para masundan kami. What the heck? Do they have some tracking device or some—oh.

"Damn it! Para silang buntot! Sunod ng sunod," ani Bea. Halata ang pagkainis sa tono nito. Nakarinig ako ng pagkasa ng baril. Nang lingunin ko si Bea may hawak siya na pistol.

"Stop that," I hissed. Inirapan niya ko at ibinalik ang baril sa bag.

Nagsimula akong maghanap sa loob ng kotse. "They probably hid a tracker here."

Naghanap-hanap si Bea, "Found it!" Ibinigay niya ito sa'kin.

"Baba muna tayo. I'm hungry," ani Jaz. Tinigil niya yung kotse sa tapat ng convenience store. Well, it's also a good place to fight considering it's in the middle of nowhere.

Bumaba kaming lahat at nakita kong tumigil din yung kotse na sumusunod sa amin. I smirked and stepped on the device.

BEA

Pumasok kami sa loob ng convenience store.

"Bumili lang kayo ng gusto niyo, treat ko." Sabi ni Sohe.

Bumili ako ng C2 and bread. Hindi pa ako nag bre-breakfast eh. Bumili naman si Jaz ng ice cream at tubig. Si Sohe naman ay pumili ng Yogurt, healthy siya palagi.

"Here, kayo na mag bayad." Inabot sa akin ni Sihe yung 1000 pesos niya.

"Wala ka bang barya?" Tanong ko.

"Puro 1k ang dala kong pera." Sabi niya. Napaling ako, rich kid problems.

Lumabas na kami sa convenience store at nandoon parin yung kotse.

Dere-deretsiyo naman si Jaz doon sa kotse na sumusunod sa amin. Nagulat ako nang bigla niyang hinampas yung bintana nung kotse. Doon pa talaga sa driver's seat. Walang hiya talaga yung babaeng yun.

"Hoy!" Sigaw ni Jaz, "Lumabas nga kayo diyan!" Sabay sipa sa pintuan.

Aawatin ko na sana pero pinigilan ako ni Sohe, "Let her be."

Bigla naman umalis yung kotse. Mga duwag naman pala eh.

Pero sino kaya 'yon?

Heiresses to GangstersWhere stories live. Discover now