CHAPTER 7

83 7 0
                                    

The next day..

“Sunshine, matanong ko pala. Remember 'yung guy na nakilala mo before? 'yung nagpunta tayo sa isang sunflower farm. Nagalit ka pa nga sa kanya kasi inaasar ka n'ya sa suot mong yellow dress, eh hindi mo naman s'ya kilala. But later on, nagkaroon ka ng crush sa kanya. Pero sa'kin mo lang 'yun sinasabi dahil ayaw mong malaman 'yun ng parents mo. Sino nga ulit 'yun?” tanong ni Anastasia.

“Wala naman akong natatandaang lalakeng nakilala ko. Saka, nagpunta ba tayo sa sunflower farm? parang wala akong matandaan.” pagtataka ko.

“Ang bilis mo naman yata makalimot.” saad ni Anastasia.

“Wala lang talaga akong maalala promise. Kailan ba kasi 'yun nangyari?” tanong ko.

“2years ago palang 'yun girl. Nakalimutan mo na agad s'ya?” nakangising tanong ni Anastasia.

“Wala talaga akong matandaan.” seryosong saad ko.

“Ok sige, wag na nga lang natin s'ya pag usapan. Baka sumakit pa 'yang ulo mo. Sige na, ubusin mo nalang 'yang pagkain na nasa harapan mo.” ani Anastasia.

THREE WEEKS LATER

Ngayon ilalabas 'yung result mula sa mga pagsusuring ginawa sa'kin ng doctor, upang tignan kong ano na bang lagay ng sakit ko. May magandang dulot ba sakit yung pagkain ko ng masusustansyang pagkain o may himala bang nangyari? knowing na I only have few more days left.

Nanlalamig ang mga kamay ko habang nakasandal ako sa headboard ng hospital bed ko. Ang doctor naman ay nakatayo sa may bandang gilid ng hospital bed binabasa ang ginawang pagsusuri sa'kin.

“Mom..” pagtawag ko kay mommy na nasa tabi ko.

“Don't be scared. Mommy is here.” nakangiting saad ni Mommy habang hawak ang kamay ko.

“I really can't believed.” halos hindi makapaniwalang saad ng doctor. Agad naman kami nagtinginan ni Mommy.

“B-Bakit Doc?” pagtataka ni Mommy.

“Halos sampong beses ko inulit ang mga test sa anak n'yo. Pero iisang result lang ang lumabas.” saad ng doctor ng tumingin s'ya sa'kin.

“M-Mamamatay na po ba talaga ako?” malumanay na tanong ko habang nag uumpisang tumulo ang luha ko.

“Hindi Sunshine.” agad na sagot ng Doctor.

“P-Po?”

“Dahil dininig ng diyos ang panalangin n'yo. Base sa mga result ng isinagawang test. You're now cancer free. Wala ka ng sakit Sunshine, bumabalik narin ang lakas ng pangangatawan mo. Binabati kita Sunshine, napagtagumpayan mo ang laban sa sakit mo.” masayang saad ng Doctor. At halos hindi naman ako makapagsalita dahil sa pagkabigla.

“Salamat sa diyos.” naiiyak na saad ni Mommy at agad n'ya akong niyakap. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak kaya mas humigpit ang pagkakayakap ko kay Mommy.

Lumipas pa ang isang linggo ay nakalabas na rin ako ng hospital. Sobrang saya ng lahat lalo na si Mommy at Anastasia. Pagdating sa bahay ay agad naghanda si Mommy, nagpabili s'ya ng lechon, cake at nagluto rin s'ya ng mga paborito kong pagkain. Nagmukha tuloy birthday ko ulit.

Hanggang sa may maalala ako.

[FLASHBACK]

“Kapag gumaling ka, wag mo 'kong kakalimutan ah.” nakangiting saad ni Geoffrey.

“Mumultuhin nalang siguro kita.” biro ko.

“Wag ka magsalita ng ganyan. Dahil gagaling ka pa. Kaya pag dumating ang araw na 'yun, gusto kong magkita tayo.” saad n'ya. Saka s'ya may inabot na papel sa'kin.“Kapag gusto mo 'kong hanapin, puntahan mo ang address na 'yan.” saad n'ya.

“Ako pa talaga ang maghahanap sa'yo? pero sige, promise ko 'yun sayo. Kapag gumaling ako, pero kapag hindi. See you in heaven nalang, I'll wait you there.” saad ko.

“Sunshine, pwede ba ako mag-request sa'yo?” seryosong pagkakasabi n'ya, at sa hindi ko malaman na dahilan ay nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

“A-Ano 'yun?” pagtataka ko.

“Pwede ba kita mayakap?” saad n'ya.“Kahit saglit lang.” dagdag n'ya pa.

“Ok sige, pero saglit lang ah.” saad ko, saka s'ya lumapit sakin at agad akong niyakap. At nang yakapin n'ya ako bigla nalang tumulo ang luha ko. Pero bakit?

[END OF FLASHBACK]

“Mom, aalis po pala muna ako saglit.” saad ko kay Mommy na abala sa kusina kasama si Tita Marife.

“Saan ka naman pupunta?” pagtataka ni Mommy.

“Sa isang kaibigan lang po.” saad ko.

“Kay Anastasia? wag mo na s'yang puntahan dahil on the way na daw s'ya kasama ang mommy n'ya.” saad ni Mommy.

“H-Hindi po si Anastasia, si Geoffrey po. Yung nakilala ko sa hospital, I made a promise to him po kasi na kapag gumaling ako mag mi-meet kami.” saad ko.

“Lalake ang kakatagpuin mo? naku wag na anak baka ano pang mangyari sa'yo.” pagtutol ni Mommy.

“Don't worry mom. Iba si Geoffrey, mabait po s'ya.” saad ko.

“Hi Sunshine, Hi po Tita Raquel.” masayang sambit ni Anastasia ng dumating s'ya dito sa bahay. Agad ko naman s'ya nginitian.

“Oh! ayan na pala si Anastasia, kung gusto mo pumunta sa sinasabi mong kaibigan mo din. Isama mo 'yang bestfriend mo. Para hindi ako nag aalala sayo.” saad ni Mommy.

“Aalis ka? saan ka pupunta? saka sinong kaibigan? eh ako lang naman kaibigan mo.” magkakasunod na tanong ni Anastasia.

“Yun nakilala ko sa hospital. I made a promise to him kasi, na kapag gumaling ako. I will meet him.” saad ko.

“Him? so lalake? ikaw ah. Wala akong kamalay-malay na may nakilala ka palang lalake sa hospital kahit may sakit ka. Iba ka talaga Sunshine Cinzia Devon.” nakangising saad ni Anastasia.

“Kaibigan ko lang 'yun.” saad ko.

“Hmmm gwapo ba?” nakangising muli n'yang tanong sa'kin.

“Dami mong tanong, samahan mo nalang kaya ako.” saad ko.

“Sure, kasi gusto ko rin s'ya makilala. Titignan ko kung pasok ba sa standard mo.” nakangising saad ni Anastasia.

Pagkatapos ay agad din kaming umalis ni Anastasia sakay ng kotse ni Mommy. Dahil hindi namana ko marunong mag drive, kaya si Anastasia ang pinagmaneho ko.

At matapos ang halos isang oras na biyahe...

“D'yan, itgil mo d'yan.” saad ko sabay turo sa may tapat ng gate na kulay maroon.

“Sure ka bang d'yan 'yun?” pagtataka ni Anastasia.

“Oo, ito kasi 'yung nakalagay na addreas sa binigay n'yang papel sa'kin eh.” sagot ko ng tignan ko muli ang nakasulat sa papel.

“So, ano pang iniintay natin? let's go.” nakangiting saad ni Anastasia at agad kaming bumaba ng kotse.

LADY IN YELLOW (RAINBOW SERIES #3)Where stories live. Discover now