CHAPTER 5

80 5 0
                                    

“Kawawa naman ang anak ko.” naiiyak na saad ni Tita Raquel, habang hawak ang kamay ni Sunshine na nahihimbing na sa kanyang hospital bed matapos na mapainom ng gamot.

“Wag lang po tayong mawalan ng pag-asa Tita, gagaling din po si Sunshine. Wag po tayo tumigil na humingi ng himala sa diyos. Mabait po na anak at kaibigan si Sunshine, alam ko pong hindi pa po s'ya agad kukunin sa'tin. Madurogtungan pa po ang buhay ng kaibigan ko.” saad ko habang minamasdan ko si Sunshine.

“Magdilang anghel ka sana iha.” saad ni Tita Raquel. Ilang saglit pa ay tumunog ang kanyang cellphone na nasa loob ng kanyang bag. Kaagad n'yang pinunasan ang luha sa kanyang pisngi bago n'ya kinuha ang cellphone.“Iha, maiwan muna kita dito. Sasagutin ko lang ang tawag ng Lola ni Sunshine.” saad ni Tita Raquel. Agad naman akong tumango, saka s'ya tumayo sa kinauupuan n'ya at agad na sinagot ang tawag.

Nang maiwan ako sa loob ng silid ni Sunshine ay napansin ko ang photo-album na nakaipit sa ilalim ng unan ni Sunshine. Dahil curious ako, ay dahan dahan ko 'yun kinuha sa ilalim ng unan n'ya.

Pagkatapos ay naupo sa gilid ng kanyang kama at binuklat ang photo album. Bumungad sa'kin ang mga lumang litrato namin ni Sunshine, mga litrato namin noong nag-aaral palang kami ng grade one sa isang private school. Parang timeline ang pagkakasunod-sunod ng mga litrato sa bawat pahina ng photo-album. Magmula noong anim na taong gulang kami, hanggang sa noong 18th birthday n'ya nitong nakaraan lang. Hindi ko tuloy maiwasan na maluha habang isa-isang minamasdan ang mga litrato.

[FLASHBACK]

“Anastasia, may ki-kwento ako sa'yo.” nakangising agad na saad ni Sunshine ng magkita kami sa cafeteria.

“Ano?” pagtataka ko.

“May alaga akong unggoy ta---”

“May alaga kang unggoy? OMG kailan pa? saan n'yo binili? sa---”

“Teka lang kasi, patapusin mo muna ako magsalita.”

“Ok sige.”

“May alaga akong unggoy, sobrang talino n'ya. Tapos nagpabili s'ya sa'kin ng prutas ng mapadaan kami sa supermarket, paborito n'ya kasi 'yun. Yung ano nga tawag doon? 'yung prutas na kulay pula. Yung kinain ni snow white kaya s'ya nalason. Yung ano---”

“Apple?!” excited ko pang sagot na para bang sumasagot ako sa quiz bee. Agad naman pumalakpak si Sunshine na labis kong pinagtaka.

“Galing. Ang galing sobra, ang talino talaga ng unggoy ko.” nakangising saad n'ya na animoy nang-aasar.

“Sunshine!!”

“Joke lang, ito naman hindi mabiro.”

“Kasi naman eh!”

“Ito pa may isa pa akong kwento.”

“Ayoko na. Baka kalokohan na naman 'yan.”

“Hindi promise.”

“Sige, ano?”

“May isang daang kabayo na isa-isang tumawid sa sapa...” pagki-kwento ni Sunshine tapos bigla s'yang tumahimik.

“Next?”

“Sandali lang, hindi pa nga sila tapos tumawid eh. One hundred na kabayo kaya 'yun.” natatawang saad ni Sunshine.

“Ayaw ko na talagang makinig sa'yo. Puro ka kalokohan.”

[END OF FLASHBACK]

“B-Bakit nasayo 'yan?” nanghihinang rinig kong boses ni Sunshine kaya agad kong sinara ang photo album at tumingin sakanya.

“G-Gising kana pala. Si Tita nasa labas s'ya, kausap n'ya si Lola Erlinda mo sa cellphone. K-Kamusta pala pakiramdam mo?” nauutal na tanong ko. Pero nananatili s'yang tahimik.“S-Sige, lalabas din muna ako para naman hindi ka mainis.” saad ko at tatayo na sana ako ng muling magsalita si Sunshine.

“Dito ka lang.” malumanay na saad n'ya. Kaya ako muling napatingin sakanya.

“I'm so sorry. Sorry kung hindi naging maganda 'yung pakikitungo ko sainyo ni Mommy these past few weeks. Nasaktan lang talaga ako ng sobra sa mga nangyayari sa'kin.“ naluluhang saad ni Sunshine, muli naman ako naupo sa gilid ng kama n'ya saka hinaplos ang ulo n'ya.

“Just don't give up ok? Hindi natutulog si God, alam kong naririnig n'ya ang panalangin natin. Gagaling ka Sunshine.” nakangiting saad ko.

“Salamat.” nakangiting saad ni Sunshine, at ngayon ko nalang muli nasilayan ang ngiti sa labi n'ya. Sobrang nakaka-miss din pala.

LADY IN YELLOW (RAINBOW SERIES #3)Where stories live. Discover now