CHAPTER 3

91 6 0
                                    

SUNSHINE POV:

“Sunshine, ayos ka lang ba? narinig kitang sumisigaw kanina na para kang may kagalit.” pagtatakang tanong ni Tita Marife na kapatid ni Mommy, matapos n'yang pumasok sa silid ko.

“A-Ayos lang po ako.” seryosong sagot saka ako sumulyap sa may bandang pintuan.“Where's Mom?” seryosong tanong ko.

“Umuwe lang saglit ang Mommy mo, pero babalik din 'yun agad.” sagot ni Tita Marife.“Bakit pala hindi mo kinain 'tong pagkain mo?” pagtataka n'ya ng maabutan parin ang plato na naglalaman ng ulam at kanin na nasa ibabaw ng personal refrigerator.

“Wala akong ganang kumain.” saad ko.

“Sunshine, paano ka lalakas n'yan kung halos lahat ng pagkain inaayawan mo.” mahinahong sermon sa'kin ni Tita Marife.

“Para saan pa ang pagpapalakas ko kung mamamatay din naman ako?” sarcastic kong tanong. Hindi naman agad nakasagot si Tita.“I'm dying Tita, sa ayaw n'yo man o sa gusto mamamatay na ako.” mahinahong saad ko.

“Wag mong sabihin 'yan. Hindi ka pa mawawala sa'min, gagaling ka pa Sunshine.” saad ni Tita.“Hindi mo rin naman siguro gustong iwan agad ang mommy mo diba? hindi mo s'ya iiwan tulad ng ginawa ng daddy mo.” saad ni Tita, at saka na tumulo ang luha ko. My dad left us when I was 11years old, he died in an accident by saving the life of a young girl.“Sunshine, wag ka mawawalan ng pag-asa. May himala ang diyos, at magigising kana lang isang araw wala ka ng dinaramdam ng sakit sa iyong katawan.” mahinahon na saad ni Tita Marife.

“Stop talking nonsense. Get out of my room.” seryosong pagkakasabi ko.

“Sunshine....”

“Gusto mo bang tagalugin ko pa?” sarcastic na pagkakasabi ko at agad narin naman lumabas si Tita Marife sa silid ko.

Pagkalabas n'ya ay dahan-dahan akong bumangon ako, hinawakan ko ang stand kung saan nakasabit ang dextrose ko saka ako naglakad patungo sa pintuan.

Nasa hallway na ako ng masalubong ko ang isang nurse na babae.

“Ms. Devon, saan ka po pupunta?” mahinahon n'yang tanong sa'kin.

“Sa may garden, gusto ko lang sana magpahangin.” seryosong pagkakasabi ko.

“Kung ganun ay sasamahan nalang po kita.” nakangiting saad ng nurse na babae.

“Ako nalang ang sasama sakanya.” pamilyar na boses ng isang lalake ang narinig ko kaya agad ako napalingon sa likod ko, siya 'yung lalakeng basta nalang pumasok sa silid ko kanina. Nakangiting s'yang naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Agad naman ako napatingin sa nurse na nakatingin din sa'kin.

“Sige, samahan mo nalang ako. Kaysa ang lalakeng 'yan pa ang sumama sa'kin.” sarcastic na pagkakasabi ko.

“O-Ok po.” nauutal na saad ng nurse.

Muli kong sinulyapan ang estrangherong lalake saka ko s'ya tinayaran saka ako nag-umpisang maglakad.

“Grabe ka naman sa'kin, galit ka parin ba dahil sa biglaang pagpasok ko sa silid mo kanina? Hindi ko nga sinasadya diba? sorry na.” saad ng estrangherong lalake ngunit hindi ko s'ya inintindi at nagpatuloy lang sa paglalakad habang inaalalayan ako ng nurse.

“Ahm..Ms. Devon, pasensya na po. Pero nawala po sa isip po, may importante pa po pala akong gagawin. Ayos lang po ba na pagkahatid ko sa'yo sa garden ay maiwan na kita doon?” mahinahong saad ng nurse.

“No, it's ok. You can go now. Kaya ko naman ang papunta doon. Salamat nalang sa pag-aalalay sa'kin.” seryosong pagkakasabi ko.

“S-Sige po.” saad n'ya at kaagad narin 'tong umalis kaya naman naiwan akong mag-isa na tinatahak ang daan patungo sa hardin, ng maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa balikat ko kaya agad akong napalingon dahil sa gulat.

“What's wrong with you! papatayin mo ba agad ako dahil sa gulat?!” singhal ko sa estrangherong lalake. Kaya naman halos pagtinginan kami ng mga dumadaan na tao sa hallway.

“S-Sorry, hindi ko naman alam na magugulatin ka pala.” nakangising saad n'ya.

“Do you think you're funny?” sarcastic na tanong ko.“you're not funny.” seryosong pagkakasabi ko at agad na ako humakbang ngunit humarang s'ya sa dinaraanan ko.

“Bakit ba ang sungit mo? ganyan ka ba talaga? o sa'kin ka lang ganyan?” seryosong tanong n'ya.

“Nasusungitan ka ba sa'kin?” sarcastic na saad ko habang nakangisi.

“Oo.” agad n'yang sagot.

“Then stop wasting your time to talk to me.” mataray na pagkakasabi ko at muli ng humakbang kahit nakaharang s'ya pero mabilis n'ya akong hinila palapit sakanya kasabay noon ay ang pagdaan ng stretcher na may nakahigang pasiyente na tulak-tulak ng dalawang nurse habang ang isa ay naka-suporta sa oxygen ng pasiyente.

Agad akong napasulyap sa mukha ng estrangherong lalake na s'ya rin nakatitig sa'kin. Saka ko lang napansin na nakayakap pala ako sakanya dahil sa mabilis na paghila n'ya sa'kin. Kaya agad kong dinistansya ang sarili ko sakanya. Pagkatapos ay inayos ko ang sarili ko na para bang walang nangyari at nagmamadali na akong lumakad.

Ngunit ramdam ko ang mga yabag ng paa n'yang sumusunod sa bawat hakbang ko ngunit hindi ko na s'ya inintindi at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

LADY IN YELLOW (RAINBOW SERIES #3)Where stories live. Discover now