CHAPTER 6

80 5 0
                                    

SUNSHINE POV:

“Anak, mabuti at nagising kana. S'ya nga pala, ang Lola Erlinda mo tumawag. Gusto ka daw n'ya makita, kaya bukas na bukas din ay uuwe s'ya dito sa Pilipinas.” masayang pagbabalita ni Mommy tumango lamang ako.“Kamusta na pala ang pakiramdam mo anak? may pag aalalang tanong ni Mommy sa'kin.

“Mas bumubuti na po ang pakiramdam ko, salamat po sa walang sawang pag-aalaga sa'kin. Gayon narin ang pag intindi sa ugali ko. Alam ko po na nitong mga nakaraan, nawalan ako ng respeto sainyo bilang magulang ko. Gusto ko pong humingi ng tawad. Wag po kayong mag-alala, sisikapin ko pong magpalakas ng katawan. Magpapagaling po ako.” naluluhang saad ko. Kaagad naman ako nilapitan ni mommy at hinawakan ang kamay ko.

“Natutuwa akong marinig 'yan mula sa'yo, Cinzia. Wag kang matakot na labanan ang sakit mo, nandito lang kami para sa'yo. Hinding hindi ka namin iiwan.” nakangiting saad ni Mommy.“Mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal.“ malambing na saad ni Mommy saka n'ya ako hinagkan sa noo.

“Tama si Tita Raquel, Sunshine. Nandito lang kami, hinding hindi ka namin iiwan. Kaya magpalakas ka ok? magpagaling ka.” nakangiting sabat ni Anastasia at agad naman akong tumango.

Naiinis man ako sa estrangherong 'yun, ngunit iba ang dating sakin ng mga sinabi n'ya kanina. Tagos sa puso ko lahat, kaya naman habang may natitira pa akong pagkakataon ay humingi na ako ng sorry kay Mommy maging kay Anastasia. Ayaw kong mawala nalang bigla sa mundong 'to na hindi ako nakakahingi ng tawad sa kanila. Ngunit kahit yata anong gawin ko ay hindi ko na kayang maibalik ang dating saya 'ko, oo ngumingiti ako ngunit hindi na kagaya ng dati na totoo ang bawat ngiti na gumuguhit sa labi ko. Ngayon kasi, parang pinipilit ko nalang na ipakita sa kanila na masigla ako. Dahil ayaw kong dagdagan pa ang pag-aalala nila sa'kin.

Hanggang sa isang gabi, habang nakatayo ako sa may bintana ng silid ko dito sa hospital at nakatanaw sa nagni-ningning na bituin sa kalangitan. Isang katok mula sa pintuan ng silid ko ang narinig ko.

“Bukas 'yan.” saad ko habang nananatiling nakatingala sa kalangitan. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng silid ko at isang yabag ng paa ang narinig kong patungo sa kinatatayuan ko kaya agad na akong napalingon.“Anong ginagawa mo dito?!” agad na saad ko matapos kong makita ang estrangherong lalake.

“Pinapasyalan ka?” nakangisi n'yang tanong sakin.

“Paano ka naka---Arrrghh! ikaw 'yung kumatok?!”

“Oo, ako nga.” saad n'ya.

“Now get out!” seryosong pagkakasabi ko habang nakaturo ako sa may pintuan.

“I won't.” naka-crossed arm n'yang pagkakasabi.

“W-What?!”

“Let me stay for a while, please?” mahinahong tanong n'ya saka s'ya naupo sa hospital bed ko.

“Sinabi ko bang maupo ka d'yan?” sarcastic na tanong ko.“Umamin ka nga sa'kin, stalker ba kita? kaya kung nasaan ako nandoon ka rin?” paghihinala ko.

“Wag ka mag-alala, hindi mo 'ko stalker. Saka wala ka rin dapat ipag-alala dahil wala naman akong planong masama sa'yo. Gusto ko lang talaga na makilala ka, makausap ka. And to be honest, hindi ko rin alam kung bakit gustong gusto kita makita.” saad niya.

“Dinadramahan mo ba 'ko?” sarcastic na tanong ko.

“Hindi kita dinadramahan, nagsasabi lang ako ng totoo.” agad n'yang sagot saka s'ya tumayo at lumapit sakin. Pagkatapos ay dumungaw s'ya sa bintana at tumingala sa kalangitan.

Ngayon ko lang s'ya napagmasdan ng mas malapitan, gwapo s'ya.

“Napakaganda talaga ng mga bituin.” nakangiting saad n'ya, at tumingala din ako upang pagmasdan 'yun.

“Shooting star!” halos sabay namin sambit. Nagkatinginan kaming dalawa saka kami natawa sa naging reaction namin.

“Mas maganda ka pala kapag nakangiti.” saad n'ya kaya biglang sumeryoso ang mukha ko.

“H-Ha?”

“Ang sabi ko, mas maganda ka kapag nakangiti.” nakangiting pag-uulit n'ya.

“H-Hindi naman.” nahihiyang saad ko saka ako yumuko.

“Tumingin ka sa'kin.” saad n'ya. At unti unti ko inangat ang ulo ko.“Sana lagi kang ganyan, kahit anong mangyari sana palagi kang masaya.” nakangiting saad n'ya.

“S-Salamat.” nakangiting saad ko.“Siya nga pala, I'm Sunshine Cinzia.” nakangiting pagpapakilala ko sa kanya saka ko nilahad ang kamay ko. Nakangiti naman s'yang tinanggap 'yun.

“Geoffrey.” nakangiting saad n'ya.

At yun ang naging simula ng pagkakaibigan naming dalawa.

LADY IN YELLOW (RAINBOW SERIES #3)Where stories live. Discover now