Bet ko lang talaga mag feeling beauty queen ngayon dahil sa magara nilang hagdan at napakahaba. Mas mahaba pa sa hagdan namin sa bahay.

"What are you doing?"

Nagpalingon lingon ako sa paligid ng may magsalita pero wala namang tao.

Sino yon?

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagbaba. Sunod ko namang ginawa ay hinawi hawi ang buhok ko sabay kembot.

"Tsk! crazy woman."

Napatigil na naman ako ng may magsalita.

Sino yon? minumulto ba ako? o baka naman may kapre.

Pinagtitripan yata ako ng engkanto. May puno ng balete ba dito sa loob ng bahay nila?

"I'm here, stupid." biglang sabi niya ulit.

Napatingin ako sa taas at doon ko lang nakita si tukmol na nakapamulsa habang nakatayo. Agad naman siyang naglakad pababa at palapit sa akin.

"Hehe andyan ka pa pala?" tanong ko at umirap lang siya at nilampasan ako.

Sungit!

Agad naman akong sumunod sa kanya habang nakayuko.

Omegasss nakita niya yong beauty queen walk ko! ano ba yan! kakahiya!

Akala ko pa naman kapre yon pero si tukmol lang pala. Sabagay mukha naman siyang kapre charot!

Pagdating namin sa dining area nila ay in fairness din ang babasagin nilang table. Ang haba akala mo nakatira ka sa palasyo at andaming pagkain. Pakiramdam ko tuloy nakangiti at kumakaway sa akin yong mga fried chicken at pati na din ang tocino, steak at iba pang yummy na ulam.

Parang sinasabi nila na "Hi! kainin mo ako! masarap ako, mas masarap sayo!"

Pero walanghiya ang rice nila inirapan ako. Attitude ang rice di naman masarap! charot! hehehe.

"Goodmorning, hija." nakangiting bati sa akin ng Mommy ni Jaxson at agad na tumayo at nakipagbeso.

Ngumiti din ang Daddy ni Jaxson sa akin.

"Good morning po, tita at tito." bati ko sa kanila at ngumiti din kay ate Czarina at nginitian naman niya ako.

"Mommy at Daddy nalang, hija. sabi ni tita kaya wala sa oras na napalunok ako.

"Have a seat." sabi pa ng Mommy ni Jaxson at inalalayan ako paupo katabi ni Jaxson.

Hindi naman ako paralisado ah! si tita talaga. Sana all ina-alalayan di katulad ng tukmol na nasa tabi ko walang paki.

Napalingon pa ako sa kanya ng nilagyan niya ng pagkain ang plato ko.

"Eat." sabi niya na akala mo siya ang nanay ko kong maka utos na kumain ako.

Panay naman ang tanong ng parents niya sa akin kong kamusta daw ang tulog ko. Pero siyempre bago ako sumagot ngumuya muna ako ng pagkain.

I'm hungry yah know! food is life!

"Okay naman po, tita." sagot ko at ngumiti naman sila sa akin.

"Mine is not." biglang sabi ng tukmol sa tabi ko.

"Hala! bakit naman?" tanong ko habang ngumunguya.

"Ang likot mong matulog. You even almost kick me." sabi pa niya at biglang natawa ang parents niya pati ang ate niya kaya napayuko nalang ako.

"Sorry naman." nasabi ko nalang at nagpatuloy na sa pagkain habang patuloy lang sila sa pag-uusap tungkol sa business na naman.

Hindi ako maka relate kaya kain lang ako ng kain.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now