HP 8

390 31 0
                                    

Play song: Everything I wanted by Billie Eilish

***

8. Lies

Takbo kami nang takbo ni Luca papunta sa kwarto ni Daddy ngayon sa hospital. Kinakabahan ako na sinabayan pa ng pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. Sa kabila ng lahat ng kasalanan niya sa akin, siya pa rin ang nag-iisa kong ama.

Hindi ko man lang sinagot ang mga text messages niya. Hindi man lang ako pumayag na makipagkita ulit sa kaniya. Sana walang mangyaring masama dahil pagsisisihan ko talaga ang lahat.

Tinulak ko pabukas ang pinto at humahangos na pumasok. Nadatnan ko sina Tracy, Jane, at Tita Lyka na nag-aalalang nakatingin kay Daddy. Kay Daddy na ngayon ay nakahiga sa hospital bed.

"J-jeanne," tawag niya sa pangalan ko as soon as our eyes met.

"What happened?" I asked, tila nawawalan ng boses. Si Tita Lyka na mismo ang kusang umalis sa tabi ni Daddy para makalapit ako.

"Inatake siya sa puso kaya mabilis namin siyang sinugod sa hospital. Jeanne, iha, your dad really needs you by his side," sagot ni Tita Lyka, nagmamakaawa.

"What?" Nag-aalala kong hinawakan ang kamay ni Daddy. Nakita ko kung paano siya maiyak habang nagtititigan kami.

"Nak, nadisturbo ba kita? P-pasensya na dahil inatake pa ako sa puso."

Nagkarerahan muli sa pagtulo ang mga luha ko sa dalawang mata. "What are you talking about? Daddy kita, hindi ka kailanman naging disturbo para sa'kin!"

"Anak, p-patawarin mo ako. Patawarin mo ako kung palagi kitang kinakalimutan. Kung hindi kita nabigyan ng tamang pagtrato at pansin. Kung ginawa lang kitang tagabantay ng bahay. Patawarin mo sana si Daddy kung kapatid mo na lang ang palagi kong inuuna. Sorry, nagkulang ako! Wala ako sa tabi mo sa tuwing may problema ka," he cried, and my heart broke.

Totoong nakikita ko sa mga mata niya ang pagsisisi at pangungulila. Naramdaman kong nanlalambot ang tuhod ko mula sa panghihina.

Napahagulgol ako. "I'm sorry, too, Dad. I'm sorry."

We hugged each other, finally found forgiveness. Nakita ko kung paano ako genuine na ngitian nina Jane, Tracy, at Tita Lyka.

Ganito ba 'yon? Ang walang sakit at bigat na nararamdaman? Ang sarap pala sa pakiramdam. Tila nawala na talaga ang lahat-lahat ng poot ko.

After kay Daddy, si Tracy ang sunod na yumakap sa akin. Pareho kaming umiiyak. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad, kasunod na rin nina Jane and Tita Lyka.

"It's okay. Fine, fine, pinapatawad ko na kayo. Basta magpapa-party kayo after this," I joked.

We laughed as we were wiping our wet faces.

Lumingon ako kay Luca na ngayon ay nakapamulsang nakasandal sa pader. Nginitian niya ako, kaya ibinigay ko na sa kaniya ang matagal na niyang hinihingi.

I sweetly smiled back at him.

I guessed this was it.

The new beginning.

Sana wala ng problema pa dahil masaya na ako.

***

Hindi ako umalis sa tabi ni Daddy hanggang sa nakatulog ako. Maganda ang panaginip ko dahil kumpleto kaming lahat. Ako, si Mommy, Daddy, Luca and as awkward as it might sound, even Tita Lyka, Jane, pati na ang mga kaibigan ko ay nandoroon din. Masaya kaming lahat na nagpi-picnic sa walang katapusang damuhan.

Naputol nga lang ang tulog ko matapos akong makaramdam ng pagyugyog sa balikat ko. Pati tuloy sa panaginip ko ay biglang lumindol.

"Jeanne? Wake up. Jeanne? Love?"

Her PainWhere stories live. Discover now