HP 5

347 23 0
                                    

5. When She Finally Cries

"Would you like to come in?"

"Sure!"

Hinayaan kong pumasok siya bago isinarado ang pinto. Naglakad ako patungo sa mesa saka ipinatong ang bowl ng ramen.

"Chopsticks?" he offered habang hawak-hawak ang chopsticks.

Tahimik ko iyong tinanggap bago umupo at nagsimulang kumain. Dama ko naman ang lalim ng pagtitig niya sa akin, which is awkward. Bakit ko nga ba siya pinapasok in the first place?

Ah, right. Ramen.

"Ba't isang ilaw lang ang naka-on? It's so dark!" he commented while checking out my condo.

That's him attempting to start a conversation.

"Darkness is my best friend," plain kong sagot.

"Literal namang madilim ang best friend mo!" He laughed.

Joke ba 'yon?

Napansin niya atang hindi ako natawa o napangiti man lang kaya napatikhim na lang siya sa hiya. Hanggang sa pinaupo niya ang kaniyang sarili sa tabi ko and I didn't mind him. Nagpatuloy lang ako sa pagkain with him sitting right beside me.

I can feel he's harmless. I just feel it.

"Bakit ang lungkot mo?" Mabilis akong napalingon sa kaniya after what he asked.

"Hindi ako malungkot." Dahil wala na akong emosyon.

"Lahat ng mga taong nag-iisa, malungkot. Anong pinagdadaanan mo?"

"At anong pakialam mo?" naiinis na tanong ko sa kaniya.

I watched him panic and started apologizing.

"I-I'm sorry. I shouldn't try to interfere with your life..."

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay, hudyat na tinatanggap ko ang sorry niya, saka muling nagpatuloy sa pagkain.

But this guy just wouldn't stop talking.

"Alam mo---"

I don't. So stop talking.

"Isa sa rason kung bakit ako sumali sa pagbabanda ay para libangin ang sarili ko because, well, my parents are always, always busy."

I didn't even ask for it, pero bigla na lamang siyang nagsimula sa pagkukwento about his life. Though, I didn't nor should've cared, ngunit napukaw niya ang atensyon ko.

"I mean, since I was a kid, I firmly believe na wala silang ibang ginawa kundi magpayaman. Instead of choosing to rebel against them, naghanap na lang ako ng hobby. Hanggang sa nakita ko ang liwanag sa madilim kong buhay. Corny, right?"

Yes, it is.

I continued eating my ramen without even glancing at me. Nagpatuloy rin ako sa pagpapanggap na wala akong pakialam, kahit ang totoo ay taimtim talaga akong na nakikinig sa kaniya.

"Naging vocalist at guitarist ako ng sarili naming banda. Noong una, nasasaktan ako dahil parents ko mismo ang pumipigil sa libangan ko na literal na naging buhay ko na. Pero hindi ako nagpatinag. Instead pinatunayan ko sa kanilang tama ang desisyon kong ipagpatuloy ang pagbabanda."

Why are you telling me this?

"Nagkaroon kami ng malaking gig. I forced my parents to watch. Heck, I begged and kneeled in front of them. Sinabi ko pang titigil na ako sa pagbabanda kapag hindi pa rin nila nagustuhan... Sa huli, napapayag ko sila."

"Tapos?" naiintriga kong tanong.

Nakita ko ang pagsilay ng kaniyang ngiti sa labi bago siya nagpatuloy sa pagkwento.

Her PainWhere stories live. Discover now