HP 6

345 23 0
                                    

6. Stars and Moon

"I---Wha---No..."

Hindi man lang akong makapagsalita nang maayos. Hindi ko matanggap ang kwento ni Luca sa akin. But I would be lying to myself kung sasabihin kong hindi ko pa rin naaalala ang nangyari. In fact, habang nagkukwento siya ay tila bang nakikita ko rin ang scenarios sa isipan.

Niyakap ko siya?

Umiyak ako?

What?

Gano'n ba ako kalasing kagabi?

God. I'm such a fool.

"Jeanne, tignan mo ang mga bituin." Hindi niya pinansin ang pagkabalisa ko. Sa halip ay mahinahong nakahiga lamang siya sa damuhan habang pinapanood ang kalangitan.

Dinala niya ako sa parke pagkatapos naming iwan ang party kanina. Wala akong pinagsisihan sa mga sinabi ko kay Jane. But at the same time, hindi rin ako nakaramdam ng saya kahit na nasabi ko  ang katotohan sa lahat at napahiya sila. Wala naman talaga akong balak na maghiganti. Ngunit hindi ibig sabihin ay hahayaan kong apihin pa rin nila ako.

Bumuntong-hininga ako at napatingala sa mga bituin. Madami at magaganda ngang panoorin. Kahit papaano ay nawala ang pagkabalisa ko.

"Hindi ba sinabi mong darkness is your best friend?" Napatingin ulit ako sa kaniya nang hindi sinasagot ang kaniyang katanungan.

"Kung walang bituin tuwing gabi, then it'd be total darkness. Wala ng rason tayong mga tao para tingalain pa ang kalangitan."

"But there's still a moon," I protested.

I appreciate the beauty of the stars, pero mas gusto ko ang ganda ng buwan. The moon is equal to the beauty that I'll never get tired to look at.

Bigla naman siya natawa na ipinagtaka ko.

"I actually have this crazy belief kung saan anak ng buwan ang mga bituin. Kaya sa tuwing walang mga bituin sa kalangitan, umiiyak ang buwan at nagkakaroon ng ulan sa gabi," pagkwento niya, giggling and still looking above.

Napangiti ako kahit papaano subalit mabilis ding binalik ang pagkawalang emosyon ko. I can't let him catch me showing emotions again.

"Mukhang alam ko na ang pinagdadaanan mo..."

I looked away. Of course. Inilantad ko na lahat kanina sa party. At sa tingin ko ay kailangan kong humingi ng tawad sa pagsira ng birthday party ng kuya ni Hazel.

Napatingin ako ulit ako kay Luca nang maramdaman ang malalim niyang pagtitig sa akin. He, once again, smiled at me.

"It's okay, Jeanne. Ilabas mo lang ang lahat ng sakit at galit mo whenever you feel like it. But keep in mind na tutuparin ko ang pangako kong magiging mabuti akong kaibigan para sa'yo. I'm also willing to wait for you until you finally fulfill your promise to me, too," sincere niyang saad.

I just stared at him bago tumingala sa kalangitan.

"Then wait," sagot ko.

We didn't say anything afterwards, sa halip ay tahimik lang na pinagmasdan ang ganda ng kalangitan.

***

"Kawawa naman pala siya..."

"Jane is the evil one."

"Hindi na niya siguro kinaya lahat ng sakit kaya siya nagbago."

Kung ano-ano pang bulungan ang naririnig ko. Kahit nakasuot pa ako ng earphone, naririnig ko pa rin sila. I bet kalat na sa buong campus ang nangyari kagabi, as expected.

Her PainWhere stories live. Discover now