HP 7

344 23 0
                                    

7. Scorpio

Lumipas ang oras, araw, linggo hanggang sa umabot ng halos dalawang buwan na walang nagbago. Luca and I became close friends, in a very odd way.

Sabay kaming kumakain ng breakfast at dinner sa café or sa condo niya. Then magpupumilit siyang ihatid ako sa university kung saan ay palagi ko namang tinatanggihan. Tapos papasok ako sa klase, makikipag-iwasan kina Jane, Tracy, at Jason, magbibingi-bingihan, makikipag-small talk kay Hazel, uuwi, at expected na si Luca na naman ang unang sasalubong sa akin.

Masyado na talaga kaming naging malapit ni Luca sa isa't isa. Gumagawa pa rin siya ng paraan para matulungan ako. For me, however, it looks like hindi na talaga babalik ang dating ako. He wants to see me smile and laugh kaya madalas siyang nagjo-joke. Madalas ko ring tinatago at pinipigilan ang bawat ngiti at tawa dahil sa ayaw kong ipakita. Napapaisip nga rin ako kung hindi na nga ba talaga babalik ang dating ako o pinipigilan ko lang talaga.

Hindi rin lingid sa kaalaman kong kasali sa isang sikat na banda si Luca kasama ang kuya ni Hazel. Small world, I guess. Iyon ang reason kung bakit siya nasa party noong gabing iyon. They are band mates and buddies.

Tuwing magre-rehearse sila, they would annoyingly force me to come and watch them play sa bahay nina Hazel at ng kuya niya. Kaya masasabi kong naging malapit na rin ang loob ko sa kanila.

"Sige na! Smile! Ngiti na, Jeanne! Yiee!" Mas lalo lang akong napasimangot dahil sa kakulitan ni Hazel.

Kakatapos lang mag-practice ng banda ni Luca. They call their band, Scorpio. Halata naman kung saan nila kinuha ang pangalan.

"Robot ata 'yang girlfriend ni Luca e," biro ni Darryl.

"I'm not his girlfriend," I retorted.

"Sus! E bakit sabi ni Luca girlfr---" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang mabilis na tinakpan ni Luca ang bunganga niya.

"Huwag kang makinig sa kaniya!" sigaw ni Luca at kinaladkad si Darryl palayo.

Natawa naman ang iba samantalang napangiwi ako sa nangyari. Muli kong binalik ang tingin kay Hazel na ngayon ay may malaki na namang ngiti sa mukha. Ano na naman?

"You know that Kuya Luca obviously likes you, right?" she teased.

"He likes me because we're best friends," I answered bluntly.

"ARAY!"

"NA-BEST FRIEND ZONE SI MANOY!"

"LUCA, MAY BEER SA BABA! YOU WANT ONE, BRO?"

Nagtataka namang napatingin sa kanila si Luca. It was Kent, Garry, and Hans, kuya ni Hazel, who were yelling and teasing him.

"Ano, Garry the snail?" Luca joked.

Natawa naman ang lahat maliban sa akin na napailing-iling na lamang sa kalokohan nila. As expected, sinugod siya ni Garry at pabirong nakipagbugbugan kay Luca. Sumali naman ang tatlo sa kanila. Then the room was filled with loud laughters.

Kahit ako ay natutuwang pinapanood lamang silang nang bigla akong yugyugin ni Hazel sa balikat. Palagi niya na lang akong yinuyugyog.

"Ano?" bored kong tanong sa kaniya.

"Wala ka bang gusto kay Luca?" seryoso niyang tanong habang nakakunot ang noo.

Natahimik ako. Muli akong napatingin sa lima dahil nagsasaya pa rin sila at mukhang hindi narinig ang tinanong ni Hazel sa akin.

"I don't think... I'm capable of liking or loving someone again," sagot ko na ikinaawang ng kaniyang bibig.

"Sumama ka na kasi sa akin magsimba every Sunday! Until now hindi pa rin nawawala ang galit mo."

Her PainWhere stories live. Discover now