"They're here, Leticia."

Ilang beses napalinga si Leticia sa paligid upang hanapin iyong sinasabi ko. "Ngunit wala pa akong maramdaman na kapwa ko—"

"Father."

Napasinghap si Leticia nang marinig iyon. Hindi ko na kailangan pang sabihin kung sino ang kasama niya, dahil alam naming lahat na iisang babae lang ang kasama niya sa kanyang paglalakbay noon.

"Pati rito'y nakarating sila? Ngunit buong akala ko'y nakarating na sila rito nang sandaling magsimula na ang gulo."

I tapped one of my forefingers on my arm. Iyon din ang siyang nasa isip ko. Nakarating na sa panahong ito sina Danna at ama nang sandaling pumutok na ang gulo. They tried to help the goddess when she was being chased by the family who received the white curse.

"Unless..."

Kapwa kami nagkatitigan ni Leticia at alam kong iisa na ang iniisip namin. That Danna and my father tried to come back again to prevent what happened to Goddess Eda.

Is he trying to re-do the past? Ngunit kahit anong isip ko'y hindi man lang sumagi sa akin na tutungo si ama sa ganoong desisyon. Because that big step will definitely ruin the entire history.

"H-He can't do that..."

Hanggang sa unti-unti ko nang naintindihan ang siyang matinding dahilan ni ama kung bakit niya kami dinala rito ng mga kapatid ko. He's trying to stop himself from his desperate attempt of freeing our future from the slavery of deception.

But will he actually come into that step? O may iba pa?

Dahil sa ingay na nagmumula roon sa mga naglalaro ng baraha hindi na nila kami nagbigyan ng higit na pansin lalo na nang tinawag ko na ang atensyon ng mga kapatid ko.

Gusto ko man itago sa kanila pero alam kong malaki ang posibilidad na magtatagpo rin ang mga landas, at mas mabuting handa sila. We're still the children of Queen Talisha, at ang makita si amang kasama ang babaeng una niyang minahal sa panahong siya ang tanging babae sa kanyang mga mata ay malaki ang epekto sa amin.

"They're here. Danna and our father."

Evan's jaw clenched, Finn's suddenly became emotionless and Lily's hands balled in fist. Pilit man nilang itago sa akin ang biglang pagbabago ng kanilang emosyon, alam kong iisa ang siyang mararamdaman namin.

Bitterness. That there was a time that it wasn't just our mother or even us. Kung kasama na ba kami sa mga plano niya sa panahong ito...

"Anong ginagawa ni ama rito? Hindi ba't sa panahon pa kung kailan sumabog ang gulo nang sandaling sila'y nakarating dito?" tanong ni Lily na siyang may kaparehong kaalaman sa aming lahat.

"Unless they came back right after they witnessed that scene?" dagdag ni Evan na siyang isinagot ko kay Leticia kanina.

Bago pa man masundan ang pag-uusap namin ay naagaw muli ang atensyon ng lahat. Bumalik ang matandang babae na siyang naghatid sa amin kanina.

"Magsisimula na ang pagdiriwang." Panimula niya.

Katabi ng matandang babae ay ilang mga binatilyong bampira na siyang kasalukuyang namimigay ng nakarolyong papel. Kung hindi ako nagkakamali ay doon nakasaad ang buong detalye ng pagdiriwang.

Dahil ako ang siyang pinuno ng aming grupo ay sa akin ibinigay ang papel at isang puting panyo. Sumulyap ako sa iba pang namumuno, mayroon din silang kani-kanilang papel at kaibang kulay ng panyo. Si Lily ay agad lumapit sa akin at kinuha ang panyo sa akin at marahan niya iyong itinali sa aking kanang braso, katulad ng sa kung paano iyon inilagay sa mga kalabang grupo.

Moonlight Throne (Gazellian Series #6)Where stories live. Discover now