🌺30🌺

570 94 58
                                    

Note:there are some things you can read that are not good in this chapter, there is violence and there is slight spg. thank you keep reading 😊❤

••••••••••

30💝🦋

𝙰𝚋𝚋𝚢 𝙿𝙾𝚅

Yes, magkapatid kami ni 𝙰𝚐𝚊𝚝𝚑𝚊.  Magkapatid sa ina. Ramdam ko naman na ayaw sa akin ng daddy nila. Simula ng nabuo ako. Ng daddy nila kuya 𝙰𝚛𝚒𝚞𝚜 at 𝙰𝚐𝚊𝚝𝚑𝚊. At dahil sa inggit ko at selos nagawa kong patayin ang sarili kong kapatid dahil kay 𝙺𝚊𝚛𝚕 sa pamilya na lagi na lang. Siya na lang lagi paano naman ako diba? Kabilang din naman nila ako. Ako ang unang nakilala nila karl, yuri, kier pero bakit si 𝙰𝚐𝚊𝚝𝚑𝚊 ang nagustuhan nila. Ang minahal nila at hindi ako. At talagang kaya nilang ibuwis ang buhay nila para lang kay agatha.


Lahat talaga silang lalaki ni kier,kar at yuri. Lahat sila may gusto kay agatha. Ano bang meron siya na wala sa akin? Parehas lang naman kaming maganda. Parehas lang naman kami ng iilang parte sa katawan. May pagkahawig kaming dalawa na minana namin sa aming ina.


Pero bakit siya ang nagustuhan nila at hindi ako? Kahit si karl lang sana okey lang sa akin pero si agatha ang nagustuhan niya. Lahat ng ano man kay agatha kinaiinggitan ko. At hinihiling ko na sana ganon din ako. Na sana ako na lang siya. Naiingit ako sa kapatid ko. At dahil sa inggit na nararamdaman ko maaari palang umabot sa puntong pwede akong makapatay.

Sobrang naiinggit ako sa kapatid ko. Alam ko namang anak ako sa labas pero sana naman iparamdaman nila kahit papaano yung kabilang rin ako sa kanila. Ang sakit lang kasi sila yung kinilala kong magulang simula ng na buhay ako tapos malalaman ko na lang na si agatha lang pala ang hinahanap nila paano naman ako? Kahit papaano kabilang rin naman nila ako. Naging parte nila.

Kahit naman hindi pa kami nawawala ni agatha siya lagi ang paborito nila maliban lang kay mom. Si mom ang nagparamdaman sa akin ng pagmamahal na hindi ako iba at si kuya ganon din naman si agatha ang dad lang talaga nila ayaw sa akin. Ano bang ayaw nila sa akin? Ano bang kinaiinisan nila sa akin? Baka naman pwede kong mabago at baka sakaling matanggap ako ng dad nila agatha.


"A-abby anak alam kong hindi medyo maganda ang pagtrato ko sayo pero hinanap kita hinanap ka namin ng kuya niyo pareho kayo ni agatha pero ang sabi kasi ng naghanap sa inyo kasama kang namatay ng mommy mo" Mahabang saad ni dad. Ang sarap sa pakiramdaman. Unang beses niya akong tinawag na anak. Ganito pala yung pakiramdaman. Nakakagaan ng kalooban kahit gaano kalaki ang galit mo sa kaniya.


"Bakit dalawa bang bangkay ang natagpuan niyo ng naghanap kayo?" Tumango sila. Kaya natigilan ako. Paanong naging dalawa? Sino naman ang isa?


"Akala namin ikaw yun abby kaya si agatha na lang ang hinahanap namin dahil alam namin na ikaw ang kasama ni mom ng namatay siya magkakasama kayong tatlo ni mom bago kayo mamatay" Saad ni kuya. Umiling ako paanong nangyaring dalawa? Sino ang kasamang namatay ni mom?


"Pero ng matagpuan ka ng nautusan naming naghahanap sa inyo ni mom magkapareho kayo ng suot ng damit ng isang kasama ni mom ng matagpuan kayo" Dagdag pa ni kuya.


"Hi-hindi a-ako yu-yun wa-wala a-akong maalalang may kasama kaming namatay wala" Sabay iling ko wala talaga akong matandaan na may kasamang namatay si mom at sa oras yun doon kami ni agatha nawala at napunta sa mga de leon.

••••••••••

𝙵𝚕𝚊𝚜𝚑𝚋𝚊𝚌𝚔

Masayang nagdiriwang ang pamilyang Veyron sa kanilang bahay kasama ang mga bisita nila para sa kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Agatha.

Habang masaya silang nagdidiriwang hindi nila alam na may nagmamasid sa kanila. Hindi nila alam na may panganib na palang naghihintay sa kanila.

Maya maya lamang habang kumakain sila ay bigla na lang may naghagis ng pangpausok dahilan para magsiubuhan at mahirapan humingi ang mga tao at bisita nila. Dahilan para lahat ng nagdididriwang doon ay mahimatay at mawalan ng malay.

Hinintay muna ng naghagis ng pampatulog ang lahat bago sila pumasok sa bahay ng mga Veyron. Pagkatapos nagsipasukan ang iilang tao na nakaitim ang lahat ang kanilang lahat na suot at may mga baril na hawak.

Lumapit ang mga pumasok na tauhan sa mga batang dapat nilang dalhin. Iniwan nila ang hindi naman nila kailangan dalhin at hinayaang nakahiga ang mga ito ng walang malay.


Bago nila ito isakay sa sasakyan ang mga kukunin nilang bata ay tinali muna at nilagyan ng tape ang mga bunganga ang mga ito. Sinakay ng mga ito ang lahat na batang dumalo sa kaarawan ng bunsong anak ng pamilyang Veyron.


Ipinunta ng mga kumuha ng mga bata sa isang abandonadong bahay. Ang nag-iisang bahay na matagal ng  inabandon ng mga Packett family.

"Sir nandito na po ang mga batang pinakuha mo sa amin" Saad ng tauhan sa kaniyang amo. Tumango ito at uminom ng alak na hawak hawak niya.


"Kasama ba pati ang anak ko?" Tanong nito sa kaniyang tauhan.

"Yes sir" Mabilis na saad nito.

"Good" Maikling saad niya sa tauhan niya.

"Pero sir bakit niyo pinakuha ang mga ibang bata kung kailangan niyo lang naman ang iyong anak?" Tanong nito sa amo niya kaya tumingin ang kaniyang amo dito ng masama.

"Wala kang pakialam kung pinakuha ko ang mga ibang bata sa inyo na sa halip ay ang anak ko lang dapat ang pinakuha ko" Galit at madiin niyang sigaw dito kaya napayuko ang tauhan niya dahil sa sigaw ng kaniyang amo.

"Dalhin niyo ang mga bata sa kwartong sinabi ko kung saan dapat sila dalhin. At dalhin mo dito ang ni Aria" Saad nito sa tauhan niya.

"Yung tatlo po bang anak niya o yung anak niyo po sir sa kaniya?" Tanong ng tauhan niya. Napabuntonv hininga ang kaniyang amo bago ito sumagot.

"Ang tatlong anak niya" Kaya napatango ang tauhan niya at dalidaling lumabas sa silid kung nasaan ang kaniya amo.

'Sinasabi ko sayo akin ka lang Aria wala akong pakialam kung may asawa at may anak ka na ang mahalaga mapasakin ka. At walang ibang pwedeng umangkin sayo kundi ako lang'.

••••••••••••••

!!!SORRY FOR THE WRONG GRAMMAR AND TYPOS!!!

Hello readers, pwede po ba kayong magcomment sa chapter na ito kung ano ang masasabi niyo? At kung anong posibleng mangyayari sa susunod na chapter? Thank you 😊❤

My Psycho Brother Is Obsessed With MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora