2 - Dalawang Libro

Start from the beginning
                                    

Lumabas ang sasakyan sa gitna ng sakahan, puno ng berde at mabababang tanim ng palay. Sa kalayua'y tanaw ang iilan lamang na puno at mabababang kabundukan sa horizon.

"Tigil muna tayo rito?" tanong ni Matteos. Hindi na kailangan ng sagot 'pagkat pare-pareho ang kanilang nadamang pagnanais ng preskong hangin.

Tinigil ni Line ang kotse sa tabi ng kalsada sa ilalim ng isang puno. Hanggang ngayo'y wala siyang imik. Tahimik siyang lumabas at umupo sa likuran ng sasakyan para pagmasdan ang magandang tanawin.

Nang bumaba si Matteos ay saka lamang nakita ni Lean ang isang sugat sa may ibaba ng batok nito. Nang ayusin nito ang damit ay muling natakpan ng kwelyo ang sugat.

Ibinaling ni Lean ang atensyon sa tanawin. "Siguro magandang oras 'to para pag-usapan ang pupuntahan natin," pagsisimula niya. Lumingon siya sa bunsong anak. Sa munting sandali ay nais niya hawakan ang kamay ng dalaga at kausapin nang mata sa mata, ngunit wala sa kanilang pamilya ang pagiging expressive sa nararamdaman. Bumuntong hininga na lamang siya at tumingin muli sa malayong kabundukan - hindi para iappreciate ito, kundi para iwasan ang susunod na tingin ng anak. "May kapatid ka pa."

Napakurap ang mga mata ni Line. Hindi siya sanay na nagbibiro ang kaniyang ina, o kaya'y hindi niya alam na marunong itong magbiro. Ang kinagisnan niyang ina ay iyong tipong paging isinasatinig ang nasa isip kahit halata na at hindi na kailangan marinig. Para sa kaniya, ang pinakanakakabiglang sasabihin nito ay tapos na ang lahat ng gawaing bahay at pwede siyang magpahinga buong araw.

Ngunit ngayon, biglang lumiko ang pagkakakilala niya sa ina. Kung kaya nitong itagong may isa pa siyang kapatid, maaaring marami pa itong sekreto. "Pa'nong kapatid?" Tanong niya at nagpalipat-lipat ng tingin sa ina at kuya. Bakit hindi nabigla si Matteos? Alam niya na?

"Nung bata ka pa, naghiwalay sina Ma at Pa." Si Matteos ang nagkwento, dahilan ng pagtawa ni Line nang bahagya sa di paniniwalang buong labing walong taon ng pagkabuhay niya ay nilihim ng kadala-dalawa niyang pamilya ang tungkol rito. "Pinili tayo ni Ma. Pinili ni Pa sa Jeafa."

Jeafa... Ang pangit ng pangalan, sambit ni Line sa isipan. Umiling siya sa pandidiri sa pamilyang kinabibilangan saka pumasok muli sa loob ng kotse.

"Reline," tawag ng ina ngunit isinara na niya ang pinto.

Pinilit niyang huwag tumingon sa gawi ng dalawa sa labas, alam niyang manlulumo rin siya kung makikita ang inang umiiyak. Sanay siyang galit ito at malakas ang boses, hindi iyong umiiyak o mahina ang pamimilit. Ngunit kahit anong pagkukunwari niyang gano'n pa rin ang kaiyang ina, napapansin niya ang aninong tumatakip sa kaniya mula sa sinag ng umaangat na araw. Nakahawak si Lean sa dalawang mukha at nakatayo sa harap niya si Matteos.

Ano bang nangyayari? inis na tanong ni Line sa sarili. Kay rami niya pang gustong itanong ngunit hindi sila magkakaintindihan kung pahagulhol sila mag-uusap-usap. Ipinihit niya ang susi ng kotse hudyat ng pagkabuhay ng makina nito. Walang nagawa ang dalawang "estranghero" kundi sumakay na lamang.

Magpapatuloy sila sa byahe nang may masikip na isipan sa halip ng payapang daan.

***

Ibinubuklat niya ang mga pahina ng magazine; ang mga pahina nito'y puno ng larawan ni Jeafa Werch, isang sumisikat na model noong Pebrero, bago magsimula ang lockdown. Kung hindi dahil sa kumakalat ng virus ay sikat na sikat na ang dalaga. Ngunit dahil sa lockdown ay bumagal ang hindi natuloy ang biglaang pagsabog ng pangalan niya sa showbiz at modelling world.

Ang magazine na hawak niya ay ang una at huling pisikal na magazine na kinapapalooban ng litrato ng dalaga. Nang naipatupad ang lockdown ay digital magazines na lamang ang kinabibilangan niya - mga files online na pagkakonti-konti ng mga mambabasa. Halos tanging mga taong may pakay lamang sa partikular na model, tulad niya, ang mag-aaksaya ng panahon para idownload at basahin ito.

Isinara niya ang magazine at bumaling sa comupter. Hinanap niya ang digital magazine kung nasaan si Jeafa at saka nag-scroll tungo sa pahina ng mga bestida. Noong Marso ay mga elegante at classic na kasuotan ang ibinigay na pagmomodelan nito. Ngayong Abril naman ay lalabas pa lamang sa susunod na linggo ang sunod na magazine.

At matiyaga siyang naghihintay.

Matapos pagmasdan ang anim na pahinang may mukha ng kaniyang binabantayan ay nagtrabaho ang kaniyang mga kamay na iscreenshot ang bawat larawan at icrop sa parte na nakapokus lang sa mukha ng dalaga.

Matapos ang pag-eedit, pumunta siya sa window na nagpapakita ng isang mapayapang daan.

Iclinick niya rin ang simbolo ng mikropono sa kanto ng screen, hudyat ng pagsimula ng isang mahinang tunog ng makina ng sasakyan. Wala na siyang ibang marinig bukod dito.

Sa nakalipas na bente-kwatro oras ay madalas na nag-uusap ang boses ng isang lalake at isang babae. Dahil narinig na niya ang kanilang boses mula sa panonood sa kanilang sala, alam na niya kung kaninong boses ang pinakikinggan niya: kina Matteos Niel at Lean Niel.

Ngunit bakit ngayon ay tahimik ang loob ng kotse? Mistulang nasa isang boring na palabas na lamang ang asta niya. May nangyari kaya sa mga ito na hindi niya alam? Ngunit imposible, lahat ng pangyayaring sagap ng computer sa bahay ng mga ito at ng dash cam sa kotse ay recorded sa kaniyang computer.

Pumasok sa isip niya ang posibilidad na nag-usap sila sa labas ng kotse. Ngunit bakit? At ano ang pinag-usapan nila? O nag-usap ba talaga sila. Hindi siya komportable sa napakaraming katanungan. Ang gusto niya'y nalalaman niya mismo ang mga sagot gamit ang sarili niyang mga likha sa teknolohiya.

Ngayon, upang hindi na maulit ang pagkawala ng pangyayari sa kaniyang mga kamay, ang susunod niyang papasukin ay ang cellphone ni Reline Niel.

WFH-2273Where stories live. Discover now