Chapter 28 - Peace Inside the Woods

Magsimula sa umpisa
                                    

As expected may iilan na tumatakas sa mga klase nila. Kaya naman wala masyadong nakapansin sa akin. Busy naman sila sa pagcucutting eh. Baka kasi may sumunod sa akin at may mag-inform sa mga heads na lumalabas labas ako ng campus ng walang permiso. Edi nabulyaso pa 'yung plano ko na itago sa kanila 'yung tungkol dito kung ganoon. Bakit hindi nila pwede malaman? Ask my brother and uncle who were currently in Singapore. Duh. 

Wala namang ganoong traffic sa mga kalsada na dinaanan ko. Tsaka may pagkaliblib naman na ang papunta sa mansyon kaya wala na akong problema pagdating sa overspeeding. Habang nagmamaneho ay nakakuha ng atensyon ko ang isang lalaki na naka black leather jacket, black pants at may dark brown na buhok na papalapit sa isang batang babae sa gilid ng daan. At dahil naintriga ako kung anong gagawin niya sa bata, itinabi ko muna ang motorcycle ko sa bandang mahalaman para naman hindi niya mapansin sa paligid niya. Tinanggal ko rin ang helmet ko para makita ng maayos ang dalawa.

The little girl looks like those children on the streets that are starving and thirsty. She is wearing dirty clothes but you can see her adorable face very well. Oh well, masasabi kong may maipagmamalaki sa mukha at katawan si kuyang nakaitim. Nang papalapit na siya sa bata ay akmang may dudukutin siya. Medyo naalarma naman ako nang makita ko ang takot sa mga mata ng bata. Muntik na sana akong makielam pero tinanggal ko iyon sa isip ko nang makita na naglabas lang pala ng pitaka ang lalaki. 

He pulled out a one thousand peso bill from his leather wallet and smiled to the child. I didn't hear what he told to the young girl but I can conclude that he has a good heart for that girl to leave with a smile. Pati tuloy ako napangiti. Kaya lang nawala iyon nang dumako sa akin ang tingin nuong lalaki. Mabilis siyang tumakbo papunta sa puti niyang kotse at pinaandar ito.

Mabilis na nagsink in sa utak ko kung bakit siya nagmamadaling sumakay sa kotse. At iyon ay para habulin ako. Binalik ko kaagad ang pagkakasuot ko sa helmet at inistart ang makina. Takte. Tch. 

Pinaharurot ko ang motor ko na siyang naglabas ng usok na pumalibot sa daan. Patigin tigin ako sa side mirror pero lagi kong nadadatnan ang sasakyan ng lalaki sa likuran ko. Mailigaw nga ang isang 'to. Nagpasikot sikot ako ng daan pero mukhang kabisado niya rin ang lugar na ito. Damn, paano ako makakapunta sa destinasyon ko nito? 

Biglang nagpop in sa utak ko ang nalalaman kong private shortcut. Isang shortcut ito na natatabunan ng mga puno at halamanan. Upang makita ang tunay na form ng lagusan, you need to show your identification card to the scanner. Identification card sa mafia, I mean. Kapag nakapasok ka dito, diretsang ikokonekta ka nito sa lugar na ilang metro na lang ang layo sa gates sa main house sa pamamagitan ng pagbaybay sa underground. Tanging mga may matataas na posisyon lang sa grupo ang nakakaalam ng mga shortcuts na ito.

Wala pang sampung minuto ay hindi ko na siya muling nakita pa. Andito na rin ako papunta sa gate. The men who were guarding the gates recognized me and opened the gates for me. Pagkapark ko ng motor ko sa garahe ay tinungo ko na ang field. It is the largest part of this area. That is the place for battles, trainings, sparring, sports and outdoor activities for the trainees and for the members of the mafia as well. 

Nakakabastos lang nang may mga bumangga sa akin na dalawang babae at may tumawa na isang grupo ng mga lalaki habang papunta sa field. By that, nalaman ko kaagad na sila 'yung mga graduates from the second hearquarters. After kasing matapos ng training nila, they need to pass a test given by the holder of the highest rank in the mafia before they can assume a position. Siyempre hindi nila ako nakilala dahil sa training nila, hindi gumagamit ang mga trainers nila ng mga pictures namin para makilala kami. They only know me by name. Kaya hinayaan ko na lang. Only those who are really staying inside the main house can recognize me. Tignan natin kung makakaya pa nilang ipakita sa akin ang ganyang attitude mamaya. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon