xii. Kung Bakit Umiiyak Si Maria

1 0 0
                                    

Kung Bakit Umiiyak si Maria

Dalagang marikit; tanging kagandahan ang mababakas,
Ehemplo ng kabutihang loob,
Ningning ng mga matang—luha ang inilalabas
Sapagkat pagkatao niya'y nilaspatangang lubos!

Hikbi niya'y pananaw na animo'y talumpati,
Silakbo ng alindog kapalit ng hubad na katawan,
Sinuri't inalam, puri ay hinati,
Matapos ay kinumutan ng taksil na katotohan!

Depinisyon niya ng kabanalan ay pinugot,
Binalingan ang kurtina ng sariling bangungot,
Kasabay ang pagnanasa sa anyong nahubog,
Kilabot ang iniwan sa bawat dilim ng sulok!

Binilang ang araw at gabi; nag-ipon ng marka,
Ang dating makinis na balat ay nadumihan,
Nanumbalik ang sipol sa bawat mantsa,
Wagas ang pagluha, pasakit, bago sinimulan!

Hinusgahan, tumalima't ang sarili ay ibinaba,
Nilunok ang karapatang iwinaksi,
Nilipon ang poot at sumumpa,
"Babalik ako at gaganti!"

@inbluence

Tatak LetraWhere stories live. Discover now