ii. Apat Na Bala

9 3 0
                                    

Apat Na Bala

Ang makipaglaro sa batas nitong puwing --
Wakasan ma'y 'di masilayan ang laro kung ituring,
Kung gaanong ang hangin ay siya na ring nakapuwing,
Nang hindi na matantiya'y hindi na rin napigil.

Tensyon sa pagitan ay tumaas,
Lumabo sa pandinig,
Mga paliwanag ay hindi na naging patas,
At natapos na lamang sa pagsarado ng bibig.

Isang krimen ang nagpahudyat,
Tapos na ang iyong mga satsat!
Gatilyo nitong hawak ay nagtaksil sapagkat--
Kasalana'y huwad lamang nang ang mga salita'y naungkat!

Tila ba naglaro ang kapalaran,
Huli na nang ang dalawang bangkay ay naabutan,
Kasama ng apat na bala na sa bungo'y iniwan,
Simpatya'y kalakip ng sumisigaw na katarungan!

Nag-iwan ng mga boses itong nakaraan,
Nabaling sa uniporme ang basehan ng patakaran,
Bawat panig ay may dahilan,
Ngunit kung sino man --
Tama o mali ay sosolusyonan,
Hangga't may laban ay mayroong leleksyunan!

×konkretong tula×

@inbluence

Ps. This is a tribute piece. Unfortunately, I can't attach the photo of its concrete poem here.
   

Tatak LetraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon