Epilogue

29 3 0
                                    

Jwyneth's POV

Nakarecover na ang lahat sa pangyayari. Ilang linggo na rin ang nakalipas bago tuluyang kaming nakapag-adjust.

Marami rin kaming naging kaibigan mula sa kabilang Institusyon ng Holy Archangel. Ang institusyon na iyon ang tumulong sa amin upang makabangon muli. Pinaayos nila ang nasirang riles at tinanggal ang mga nakaharang na mga tipak ng bato sa tunnel papunta sa institusyon namin.

Mga kalahating buwan bago kami nakabangon at nakarating muli sa aming sariling institusyon. Maraming mga pangarap ang mga naiwan dito. Maraming mga gintong pinagsamahan na kailanman
hindi mabubura sa isip at puso ng bawat isa sa amin.

Nakaligtas naman sina Sr. Daryl, Sr. Vincent, Ms. Clarisse, Ms. Raghel at Ms Nikka. Miski rin sila, na ang buong akala nila, maaga silang lilisan sa daigdig kung magkataon na paslangin sila ng Director. Ngunit hindi raw nakatadhana iyon kaya't narito sila at kasama ang kanilang ibang miyembro ng institusyon ng Hawkson na nagsasaya at umiinom ng champagne at wine.

Kasalukuyang nagkaroon ng Farewell Party ngayon. Ito ay para raw kalimutan ang madilim na nakaraan at ipagdiwang ang panibagong buhay na nakalaan para sa amin sa susunod na mga panahon. Kailangan raw naming mag-impok pa ng maraming
working points upang may maipang-bayad sa tren na gagamitin para makita at makasama namin sumandali ang mga naiwan naming mga magulang na nasa pangangalaga ng gobyerno.

Kaso, mukhang mga taga dito lamang sa probinsyang ito ang magkakaroon ng chansang makita ang kanilang mga magulang. Yung mga malalayo, may ibang sistema ang ginawa.

Sa virtual at gadget sila-sils nagkikita at nakakausap. Natuloy at naisakatuparan kasi ang proyekto na nagbigay daan para makapagkomunikasyon sa pamamagitan ng cables at radio systems na nakakabit sa mga tower.

Yes, nagkakaroon na kami ng access sa labas, sa taas ng daigdig.
Nalaman ng ating gobyerno mula sa isang mensahe sa ibang bansa, na ang pag-atake ng mga hindi makamundong nilalang ay isang pagkakamali lamang. Sa konsepto ng tao, na ang buong akala ng sangkatauhan, naparito ang mga ito upang sakupin ang mundo ngunit hindi pala.

Isinalin sa wikang ingles ang isang mensaheng ukit sa bato ng mga hindi makamundong nilalang. Napag-alamang, naparito raw sila upang pigilan ang nagbabadyang pagkaubos ng sangkatauhan.

Defense mechanism lang naman ang pinairal ng mga nilalang na iyon at ng tao kung kaya't hindi nagkaintindihan sa una. Akala ng sangkatauhan, sasakupin na ang daigdig kung kaya't dali-daling inilunsad ang mga Alpha genes upang ang bawat isa ay magkaroon ng abilidad para ipagtanggol ang kanilang sarili datapwat, naparito ang mga nilalang na iyon upang pigilan ang tao sa maaaring mangyari kapag ang bawat isa ay magkaroon ng na-develop na genes na kayang bigyan ng kakaibang lakas o ‘di naman kaya'y gagawin nalang itong halimaw kapag hindi umayon ang genes sa katawan ng isang indibidwal.

Mabilis itong kumalat kung kaya't tutulong ang mga nilalang na ito sa pagsugpo ng mga naapektuhan ng nakakapangrimarim na mutation.

Tao pa mismo ang may pakana kung kaya't naubos ang kalahating porsyento ng tao sa mundo.

Gayunpaman, nananatiling payapa na rin ang mundong kinagisnan ng lahat. Hindi pa man handa ang lahat para umakyat at bumalik sa normal na buhay ang mga tao sa taas ng daigdig dahil may takot parin ito sa mga halimaw maliit man o malaki, makapipinsala man o hindi, ang mahalaga, ligtas sila tago sa mga halimaw.

May mga nai-launch na rin na mga matatapang na tao na nakikipaglaban sa mga halimaw na iyon na mostly ang mga idad is bente anyos pataas.

Nagkaroon kasi ng anumalyang korapsyon sa kapangyarihan na lumabas sa imbestigasyon ng gobyerno sa aming institusyon. Nawawala ang limangdaang serum ng genes na hanggang ngayon hindi pa rin alam kung saan napunta.

ALPHAWhere stories live. Discover now