Chapter 19: Broken

8 5 0
                                    

Shayne’s POV

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Minulat ko ang aking mga mata. Napasinghap ako ng mariin. I felt the agonizing pain besides me.

Totoo nga na kapag sa una, 'di mo mararamdaman ang sakit matapos ang pagdurugo ng sugat because all the receptors on that part pierced and were shut down.

Mararamdaman mo lang ang sakit once na lagyan na ng pressure.

I stared to the lights creepily light on and off. Nang ma-realize ko ang nangyari kanina lang. Nakatulog ako sa kanang balikat ni Harvey.

Tinayo ko ang ulo ko at medyo
nahihilo parin ako. I feel the cold enters in my body as I breathe uneven from normal.

Parang may mali. I close my eyes and calm myself to remove the vertigo. Then a sudden, the light stays lights on. Nawala ang pagkurap-kurap nito at tuluyang nakita ng aking mga mata ang mga bakas ng dugo sa pader; at mga estudyanteng sa parte ng ulo
at likod ng kanilang katawan ay may butas. Halimaw ang gumawa nito! Nakakapangrimarim at nakakapanindig balahibo ang mga namatay.

Then there was a white line of light at the other end of this room where the door opens. Ginising ko si Harvey. Nakita ko si Dave kasama niya sa kaniyang hita si Trynyty na walang malay din.

Tinanaw ko ang ibang estudyante baka sakaling makita ko rin sina
Jwyneth, BJ, Eralyn o kahit sino pa man. Hindi ko masasabing buhay sila marahil ay baka naging mga nakakatakot na rin silang nilalang. Bigla akong nabuhayan kahit papaano dahil sa aking nakitang bagay sa lapag.

“Harvey, salamin ni Jwy…Salamin ni Jwyneth” pagyugyog ko sa kaniya. Wala siya sa kaniyang sarili at tinitigan lang ang salaming tinutukoy ko.

“Harvey, salamin ni Jwyneth” ulit ko ng mas malinaw baka ‘di niya naintindihan.

“Oo, nakikita ko! Nakikita ko yung sinasabi mong salamin. Tangna Sssshayne! Oo, ano gagawin ko sa lintek na salamin na ‘yan? Basag na oh! Basag na! ‘di na
magagamit pa ni Jwyneth yan! Nakikita mo bang basag na?”

Bumilog ang mata ko hindi
dahil nagulat ako sa pagsigaw sa akin ni Harvey kundi nasaksihan ko ang kahinaan niya. Kumawala ang luha sa kaniyang mata.

“Wala nang magagawa sa lintek na salamin ‘yan dahil basag na Shayne! Tignan mo ‘tong salamin ko, diba tangnang basag na rin. So what? Potcha kahit sabihin mo pa nang paulet-ulet, ituro mo pa ng paulet-ulet king-ina walang
magagawa dahil basag na, wala na! Naiintindihan mo ba Shayne? Ha Shayne!?” Humagulgol lang siya matapos niyang sabihin ang lahat ng iyon. Tila nanghina rin ang tuhod niya sa pagsambit ng mga katagang iyon.

Napariin ang aking mata sa nangyari. Tumingin lang ang mga nakarinig sa sigaw niyang iyon na parang awang-awa sa akin. Hindi sila dapat maawa sa akin, sa totoo lang naaawa ako kay Harvey dahil labis siyang nasaktan tungkol sa nangyari kay Dianne. He was upset.

“Shayne, sabihin mo nga? Paano ka mabubuhay kung yung taong mahal mo bigla nalang kunin sa’yo at harap-harapan mong makikitang dumadaloy ang dugo niya ng wala kang ginawa para protektahan siya? Shayne sinabi ko sa kaniya, ako naman ang
poprotekta sa kaniya, pero ano ginawa ko? Wala!” Humahagulgol siya with a crack on his voice. ‘Di ko kayang mag-comfort ng lalake. Nasaan na ba si Jwyneth?

Sa sobrang awa ko kahit na medyo hirap kung paano ko gagawin ito, sa pwesto naming habang nakaupo, niyakap ko siya at pinaiyak lang sa aking balikat.

Nang makaraos na sa paghikbi niya ay hiniwalay ko na ang aking katawan sa kaniya. Tinapos na niya ang pagluha niya. May ngiting sumilay sa labi niya pero alam
ko, at makikita kong may kahalong lungkot o masasabing lumbay dito.

“Salamat Shayne at nandyan ka para sa akin. At…” nahihiya siya sa pagsambit ng mga katagang pinakakawalan ng labi niya.

"Pasensya na dahil nasigawan kita.”

ALPHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon